13WARNING ESPEGEE
:>
--------------------------
Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Oh, shall I stay? Would it be a sin
Oh, if I can't help falling in love with you?Ipinikit ko ang mga mata at nanatiling nakasandig sa kanyang dibdib. Hanggang kailan kami tatagal ng ganito? Hanggang kailan itong patagong relasyon na ito? Alam ko naman sa sarili kong walang mali dito. Wala naman silang relasyon ni Anee.
Pero hindi ko parin mapigilang makaramdam ng guilt. Kung makakapagreklamo lang ang utak ko, baka minura na ako. Dahil paulit ulit nalang na ganito yunh tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga.
"Lei."
Mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya. Huminto siya ginagawang marahan na pagsasayaw.
"I know you're thinking about them. Can you please?" Nagbuga siya ng hangin at sinandig ang noo sa noo ko. Automatiko namang lumagabog ang dibdib ko. Napakalakas talaga ng epekto niya sa akin. "Please, pwede bang pag tayo ang magkasama, tayo lang dalawa? Stop thinking about them. I didn't ask you out on a date, para lang buong gabing maging guilty."
Nakagat ko ang labi ng di oras. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."
"Stop thinking about them. Kapag tayo ang magkasama I want all your attention." Diretso siyang tumitig sa mg mata ko. Agad akong tumango na para bang may kung anong mahika sa mga matang iyon at agad agad kang mapapasunod sa ganito nito.
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be...Tuluyan na siyang huminto sa marahang pagsasayaw at hinila ako patungo sa harap ng flat screen TV niya. Sumalampak siya sa carpeted floor bago ako hinatak din doon.
Malaki ang espasyo sa sala niya. Nakapatay ang mga ilaw at tanging mga decorative led lights lamang sa pader ng buong living room ang bukas. Nag iiba iiba iyon ng kulay katulad ng sa mga Christmas Lights.
Kanina pa kami naghapunan, ngunit pakiramdam ko busog na busog padin ako. Akala ko talaga nagbibiro lang siya noong sabihin niya na ipagluluto niya ako. But who'd have thought na marunong pala talaga siyang magluto.
Umayos ako ng pagkakaupo sa carpet, ng matapos niya maiset-up ang papanoorin namin. Tumabi siya ng upo sa akin at umunan sa aking hita, habang ako naman ay nakasandal sa upuan.
Namilog ang mga mata ko ng makitang hindi basta pelikula ang pinili niya. "Seriously, Sven? Anime? Anime Movie talaga?" Oh my God. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa talaga siya ganon kakilala.
"Stay put ka lang dyan. Handa ka na ng panyo, at maghahanda narin ako sa mga hampas at kurot mo."
"At asa ka pang iiyak ako sa panonood lang ng anime?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako fan ng anime. Kaya malabong matatapos ko itong panoorin. Baka wala pa sa kalahati. Makatulog na ako.
"Tingnan natin. Malabo ha."
----------------------------
Malabo nga.
Malabong tumigil ako kakaluha. Pakiramdam ko hahalo na yung luha ko sa sipon ko. My God! Ang sakit sa puso nung naglaho na si Gin sa kamay ni Hotaru. Diyos ko ilang beses ko siguro natampal sa noo si Sven, halos masira ko na yung shirt niya kakahatak.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...