29
"Sven! Tama na!"
Hinatak ko agad palayo ang Nobyo sa kapatid niyang lugmok na sa sahig. May sugat na ang gilid ng labi nito at bahagya na ang pamumula nito. Nagkagulo na ang ibang Staff, yung iba umawat sa kanya kasama ko habang ang iba naman ay tinulungang makatayo si Silk at inilayo sa amin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang isa sa mga naroon na pasimpleng kumukuha ng video, marahil ay napansin iyon ni Sven. Mabilis niyang hinablot ang cellphone nito at nagpipindot doon saka iyon hinagis sa sofa. He even walk towards the door and closed it.
"What the fuck is your problem Sven?" pinunasan ni Silk ng tissue ang sulok ng pumutok na bibig.
"What the fuck is my problem? Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo ha?" Umisang hakbang ulit siya, dahilan para pumagitna na ako at yakapin ito palayo sa kapatid.
"Sven Aivan! Stop it ano ba?" I hissed him. Nakakahiya pinagtitinginan na kami dito. Hindi pa nga nagsisimula ang carreer ko, may skandalo agad akong ganito.
"Stop it?" Binalingan niya ako at pinaningkitan ng mata. "Bakit hindi mo sabihin yan kay Kuya?" Bahagya akong nakaramdam ng kaba ng marinig ang patuyang pagtawag niya ng Kuya kay Silk.
"What the fuck is happening here?"
Lahat kami ay napatingin sa bagong pasok na si Tito Ced. Agad niyang sinara ang pinto at pigil ang galit na hinarap kami. "What the hell is this all about Sven?" dama ko ang pinipigil niyang galit. Makailang beses siyang humuhugot ng malalim na hininga at paroot parito habang sapo ang kanyang noo.
"What the hell is this all about Tito? Why Silk needs to kiss my Girlfriend ha? Hindi sila Loveteam. They aren't endorsing any Movies, they are promoting their New Single. So, bakit kailangan niyang halikan ang Girlfriend ko ha?" Muli kong iginaya palayo si Sven sa Kuya, niya dahil nagbabalak na naman yata siyang bigwasan ito.
"Just because of simple kiss, Sven? Gagawa ka ng ganitong komosyon? Ano sa tingin mo ang magiging epekto ng ginawa mo sa Career ni Alexa? Hindi pa man nagsisimula ang karera niya, gumagawa ka na agad ng eskandalo?"
"It wasn't just a simple kiss!"
Naramdaman ko ang bahagyang paninigas ng kanyang katawan, marahil dahil sa sinabi ni Tito Ced na simpleng halik. I wasn't expecting Silk to kiss me on my cheeks either. A kiss almost close to the corner of my lips. Kahit ako ay nagulat sa biglaang paghalik niyang iyon, and I didn't know if he purposely do it para sa Album Promotion namin o ano pa man.
"Alexa, please talk to him. I don't want to be stressed out with this childish commotion."
"Really childish? Uncle?"
Bago pa man niya balingan ang Uncle niya at hinatak ko na siya palabas ng Dressing room. I dragged him out of the Venue at malalaki ang hakbang na tinungo ang Exit na ang diretso ay sa sulok na bahagi ng parking lot.
"Sven naman. Why do you have to punch him?" Binitawan ko ang kamay niya at pahilamos na sinapo ang mukha, saka nameywang sa kanyang harap.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...