One
Kanina ko pa inaantay na lumabas ng bahay iyong si Silk Alcantara. Nakakainis! Dapat yata mas inagahan ko! Mukhang kanina pa nakaalis ng bahay ang pagibig kong wagas, at pumasok na ng School. Namilog ang mga mata ko ng bumukas ang mataas na gate nila at lumabas mula roon ang isang magarang pulang kotse.
Te--Teka!
Kotse ni Silk iyon ah! Nagkukumahog akong lumabas ng 7/11 at sumakay sa bisikleta ko. Kakainis! Kung may pera lang ako talaga, bibili na ako ng motor eh!
Binilisan ko ang pagpedal, tanginis bhe! Magkaka muscles ang binti ko, kung araw-araw kong gagawin it--Shit! Huminto yung kotse! Tumigil ako sa pagpedal at nagkunwaring chinicheck ang bag ko kung may nakalimutan ako.
"Tanginis ka naman Kuya! Paano ako uuwi nito mamaya? Makikihitch na naman kina Storm, sasabihin mo?!''
Nalaglag ang panga ko ng bumaba ang driver ng kotse at naglakad papunta sa compartment nito. Binuksan nito ang likuran ng sasakyan. ''Oo! Andito! Buisit ka!"
What the...
Hindi si Silk ang driver noong kotse, kundi iyong kapatid niyang si Sven. Bago pa ako nakabawi sa pagkagulat ay nakangising humalukipkip na iyong si Alcantara habang nakasandal sa kotse. Pinatayan yata ng tawag ang Silk kong Mahal! Bastos!
''Are you stalking me?" Nagtaas siya ng kilay. Abah! Ang kapal?! Siya iistalk ko? Excuse me lang ha!
''Hindi no! Asa ka pa." Inayos ko na ang bag ko at sumakay sa aking bike. "Kala mo gwapo mo para maging stalker mo ako huh." Nilampasan ko ang nakahinto nyang sasakyan at nagpasya ng umalis papunta sa University. Kainis!
Napanguso ako. Palpak ka na naman Alexa. Kahapon, iyong panganay naman nilang si Sitri ang napagkamalan kong si Silk. Kung bakit ba naman kasi, ginagamit nila ng ginagamit ang kotse ng Irog k---"Aaaay! Pu*e!"
Siraulong Sven iyon ha! Anong akala niya sa kotse niya, Truck?! At hindi kakasya ang kabilang lane kapag hindi siya sumagad sa parteng inaandaran ng bike ko?! At walang hiya talaga, hindi man lang nagsorry o kahit na huminto para icheck kung di niya ako nahagip!
"Leche ka! Mamamatay kang baog!" Sana lang narinig niya ako. Hayup na Alcantara yun. Mabangga ka sana gago.
Hinawi ko ang maganda kong buhok at nagpedal na ulit. Mamaya nalang nga ako sisilay kay Silk kong pag-ibig, kapag kinuha na niya yung kotse kay Sven.Hihihi! Sana maiwanan ng mga barkada niya ang antipatikong iyon.
------------------------
''Haaay...Ang gwapo lang ni Sven talaga. Tapos ganda pa ng boses. Sama mo na yung abs niyang walo."
Umasim ang mukha ko sa sinabi ni Katniss. Kinakapatid ko siya at nakatira kami sa iisang bahay. I mean kwarto, dahil nagboboard nga pala kami.
''Mas gwapo si Silk, pwede ba?" Pinaikot ko ang mga mata ko.
"Hindi ah! Mas gwapo kaya si Sven!" Sumegunda na si Anee. Ang bestfriend ko.
Nilingon ko siya at pinandilatan. Ngunit di naman pala siya nakatingin sa akin at sa labas ng bintana pala. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya. Nasa labas sina Sven. Kasama niya iyong si Trek at si Storm. Kainis, nakakaloka talaga pag tumitig ng malagkit sa iyo iyang si Hudson. Parang liliparin ng hangin ang palda mo. Tsk! Tsk! Kaya maraming nahuhumaling sa kanila eh.
"Stormmm!"
"Hi T!"
"Cali!!"
Hindi ko mapigilang mapaismid ng pansinin naman ng mga studyanteng dumadaan si Sven. Kumindat siya at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...