SE-2

10.9K 252 3
                                    




Two

''What do you think?''

Tulad kanina tumaas lamang ang kilay niya, at sinenyasan akong magpalit. Inis akong nagbuga ng hangin. "Naman Sven! Pang ilang damit na ba ito?!" Napapadyak na ako sa sobrang asar ko. Kanina pa kaming alas-diyes dito. Eksaktong nagbukas ang Mall ay nandito na kami. Walang modo pa siyang basta bumalandra dito sa shop na ito. Palibhasa, nanay niya ang may-ari.

"You want to look gorgeous on Silk's eyes, right? I'm just helping you?"

Ibinato ko sa kanya ang hanger na nadampot ko. ''Gorgeous! Gorgeous! Anak ka ng Nanay mo, mag aalas-one y medya na! Maganda nga damit ko! Namumutla naman na ako sa gutom! Tapos babyahe pa tayo!"

Humalakhak siya na ikinatigil ko. Ang sexy tumawa ng gagong ito, buisit! "Kain tayo, kapag nakapili ka na. C'mon! Double time! Lunch ang pupuntahan natin sa bahay, hindi dinner!" Tumayo siya at tinulak ako pabalik sa fitting room.

Buisit! Bakit ba ako pumayag na mag lunch sa kanila? Kung hindi lang talaga dahil pupunta daw ngayon iyong babaeng type ni Silk. Nunca akong mapapapayag ni Sven! Pakiramdam ko sinasamantala ng gago ang kasunduan namin, at ginagawa akong katatawanan niya. Ginagawa akong pampalipas oras kapag bored siya.

Lumabas ulit ako habang suot naman ang isang below the knee black baloon dress, may disenyo iyong silver na mga bulaklak, sleeveless iyon at turtle neck ang istilo ng neckline nito.

"Hoy! Alcantara, last na ito pag ayaw mo pa nito. Manigas ka! Ikaw ang magsukat kung gusto mo!"

Natigil siya sa pagkausap doon sa Sales Lady na bigay todo ang ngiti. Kumurba ang sulok ng kanyang labi at tumayo na siya. "Kukunin na namin yang dress." Aniya sa Sales Lady. Kinikilig pa iyong babae na tumango.

Kay landi lang?

Nauna akong lumabas kay Sven, panigurado kasi lalandiin niya pa yung undin na iyon, dahil sa dami ng damit na ipinasukat niya sa akin. Tss... Bakit ba kay lalandi nila? Pagkalabas ko ng Boutique ay humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Bakit ang landi mo?"

Mahina siyang tumawa, at buisit lang. Ang sexy ng pagkakatawa ng malanding ito.

"I'm not a flirt like what you were thinking, Miranda. Sinusuklian ko lang ang Hospitality nila."

"Hospitality, my ass."

"Is yummy." And he winked at me.

Suminghap ako at umawang ang aking bibig. "Bastos!" at ang damuho ay humalakhak lang.

----------------------

Bored kong tinitigan ang screen ng aking cellphone na Silk ang wallpaper. Si Silk na naka sideview. Inaantay namin si Animony. And mind you, mag-aalauna na. Tss...Kamusta naman ang lunch di ba? Naging merienda na.

Kay tagal ni Anee, sarap sabunutan. Paano kung wala na si Silk doon? At hinatid na niya iyong talipandas na babae? Naipadyak ko ang paa sa asar.

"Napapapadyak ka dyan?''

Tinapunan ko ng tingin si Sven. At mas lalo lang akong naasar habang tinitingnan siyang kumakain ng magnum. Isalaksak ko kaya sa kanya yung popsicle stick ng ice cream niya? Parang balewala lang na di kami umabot ng tanghalian eh.

"Buti nga hindi sa paa mo ako pumapadyak eh." Leche. Humanda sa akin si Animony mamaya, mukhang nagpamake-over pa yata at nag gown.

Biglang umayos ng upo si Sven at pinunasan ng tissue ang kanyang labi, saka niya iyon ipinangbalot sa popsicle stick. Sinundan ko ng tingin ang sinulyapan niya. And I saw Animony accrossing the street.

Napangisi ako. Tsss... "Ang bait naman ng peg mo Alcantara, kapag nasa malapit si Anee."

"Parang ikaw hindi eh no? Eh kay hinhin mo kapag nasa malapit si Silk." nang-aasar na aniya.

Umirap na lang ako ng makitang papasok na si Anee. "Sorry Lex, yung pamangkin ko kasi ayaw akong paalisin agad."

"Oo nga tagal mo eh." Sinipa ako ni Sven kaya't napatingin ako dito. Problema nitong Alcantara na ito? Inginuso niya si Anee, since nakatayo ito sa pagitan naming dalawa. Agad ko siyang pinandilatan. Umikot si Anee at naupo sa aking tabi. Ng muling bungguin ni Sven ang paa ko.

For the second time I glared at him. "Nga pala Nee, si Sven." Matamis akong ngumiti kay Anee. "Alcantara, si Animony. My Best friend."

"Hindi ko alam na may maganda kang kaibigan."
Gusto kong mapangiwi sa pasaring ni Sven. Galawang Horny Brothers. Iyon ang bansag ng mga bitter na lalaki sa kanila eh. Well, di ko sila masisisi na maging bitter. Wala naman kasing tapon sa kanilang magbabarkada.

"Hala ang ganda ko daw." Kinagat ni Animony ang kanyang labi, kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi.

Grabe ah.

Ngingiti-ngiti lang si Alcantara at wala man lang pakialam na literal na nakatitig sa kaibigan ko. Panaka-nakang sumusulyap dito si Anee.

"Hello?" I waved my hands on both sides. "Andito pa ako oh?" Binalingan ko ang gagong si Sven. "Baka pwede namang masilayan na si Silk di ba?"

"Oops...I almost forgot." Nilingon niya ako ng mabilis bago binalik agad kay Anee. "May kasama ka kasing maganda."

Ano daw?!

"Whatever." Tumayo na ako at hindi man lang sila nilingon. Nakakaimbyerna lang. Sila na magkakalove life, ako na ang fifty-fifty. Tss... Sayang lang ang effort ko na magbihis at magpagand---"What the fvck!" Kung hindi ako nakaatras ay mahahagip ako ng isang biglang likong kotse. Naningkit ang aking mga mata at ready ng murahin at talakan ang driver ng bumaba ang tinted na salamin.

"Alexa?"

Nalaglag ang aking puso este ang aking panga ng makita kung sino ang driver. Shit si Silk! Umayos agad ako ng tayo at pinalis ang nakabusangot na mukha. Walanghiya ka Alexa, mumurahin mo pa ang futute Husband mo.

"S--Silk?..."

Pumantay sa akin si Sven at dinungaw ang ulo para makita ang kapatid. He even bump my shoulder with his. Impakto talaga.

"Tagal mo." Ani Sven dito at nilingon ako sabay nginisihan, bago matamis na ngumiti kay Anee. Naglakad siya papunta doon sa pinto ng backseat at binuksan iyon. Humakbang ako papunta roon at akmang sasakay na sa back seat ng pandilatan ako ng hudyo. "Hindi ka dito uupo."

"At saan mo ako papasakayin? Sa bubong?" I hissed him.

"Wag masyadong tanga Lei, malamang doon ka sa frontseat sa tabi ni Silk." Nang-aasar na mahinang wika parin niya. Kinurot niya ang kaliwang pisngi ko bago bumaling siya kay Anee. "Shall we?"

Abnormal na kumalabog ang aking dibdib.Wala na akong nagawa kundi ang umatras palayo sa pinto at pumihit patungo sa pinto ng frontseat. Bukas na iyon at mukhang si Silk ang may gawa. Pagkapasok ko ay nginitian ako ng lalaki. Normally, dapat magtatalon ako. Dapat nagwawala na sa ribcage ko ang puso ko.

"Tara?'' Sinulyapan ako ni Silk.

Para akong tuod na tumango. Rinig ko din ang pag-oo ng mga nakasakay sa likod. Sinulyapan ko sila gamit ang rearview mirror. Masayang nag-uusap ang dalawa. Lihim akong napanguso.

Parang gusto ko doon sa backseat. Feel ko kasi yung bago kong nickname eh.

Lei...

Kinagat ko ang ibabang labi upang di mapangiti. Anu bayan,gutom na naman yata ako. Hinahalukay yung sikmura ko eh. Nakakagutom na pala kapag nagkaroon ka ng bagong nickname.



Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon