SE-17

3.7K 104 10
                                    


17

Oh star, fall down on me
Let me make a wish upon you,
Hold on, let me think
Think of what I'm wishing for.
Wait, don't go away just not yet
Coz, I thot I have it
But I forget.

Tinigil ko ang pag-ugoy ng duyan gamit ang aking paa at tumingala sa pingas na buwan sa kalangitan. Nakakainis...

Bakit hindi niya makitang ang gusto ko lang naman ay ibigay sa kanya yung bagay na hindi nanggagaling sa kanya o kanino iyong perang pinambili ko. I mean, naintindihan ko naman siya. Lalo na noong sabihin ni Storm na, kahit pinaghirapan ko iyong pera ay kay Trek pa din nanggaling iyon.

Napabuntong hininga ako.

Matapos kong iwan si Sven ay pinara ko agad ang Taxi na naabutan ko sa baba ng gusali. I didn't even know where to go to. Sinabi ko nalang sa driver na dalhin ako sa kung saang Park malapit o Fast Food. Dahil nagugutom na talaga ako.

Tho, nauna niyang nadaanan itong Park. Kaya dito na lang din ako bumaba. Medyo marami pa ang mga taong naroon ngunit karamihan ay kung hindi naman magkapareha ay mag anak.

Muli akong napatingala sa kalangitan.  At muli ding kumalam ang sikmura ko. Akma akong tatayo ng bigla na lang may naglapag ng ChaoFan sa aking kandungan. Paglingon ko ay siya namang pag upo ni Sven sa katabi kong swing. May hawak din siyang ChaoFan at sinisimulan ng kainin iyon.

"Sabi ni Trek, hindi ka pa naghahapunan at kanina pa kumakalam ang sikmura mo."

Hindi ako umimik. At nanatiling nakatingin sa kanya.

"Kainin mo na muna yan, tapos hanap tayo ng Resto. Hindi ako mabubusog lang sa ganito."

"Anong ginagawa mo dito?" Binuksan ko ang lalagyan ng pagkain at sinimulang kumain. Nagugutom na talaga ako, akala ko nga tutulo na ang laway ko sa pagsuot ng mabangong amoy ng pagkain sa aking ilong.

"Ano pa edi sinundan ka." Nilagay niya sa bitbit na plastik ang lalagyan ng pagkain. Hala...

"Naubos mo na agad yon?" Hindi ko mapigilang magtanong, Grabe. Samantalang kakabukas lang niya ng lalagyan, at kakaabot lang niya sa akin.

"Konti lang nun, hindi nga umabot sa ngala-ngala ko." Binuksan niya ang bote ng mineral water at tumungga doon.

Pambihira. Konti lang daw, jusko ilang subo kaya ng kutsara ang ginawa niya at napakabilis.

"Here." Inabot niya sa akin ang isa pang bote ng tubig. "Sorry, Lei. It's just that sa dami ba naman ng pamamasukan mo kay, Trek pa. I mean nandoon na ako pinaghirapan mo. I appreciate that, honestly. Pero alam mo naman kung gaano kabuisit ng siraulong iyon. Baka habang buhay niyang ipangalandakan yon sa akin. Altho, we both know he's not that type of person. Pero sa lakas mag alaska ng gagong yon. Baka di ko makapagpigil, masapak ko yon bigla."

Tumango ako sa kanya, at ngumiti. Boys and their Ego.

"Tara? Hindi ako nabusog." Hinatak niya ako sa kamay matapos kong maisara ang lalagyan ng pagkain at mailagay sa plastic bag na dala niya.
"And Alexa..."

"Hmn?"

"Kahit pa tigsasampung pisong singsing ang bilhin mo para sa akin, wala akong pakialam. Ang importante..." nginitian niya ako at kinulong sa kanyang palad ang aking mukha. "Ang importante galing sa iyo."

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mga mata. Nakakainis naman! Bakit kailangang maging sweet eh!

"Oo na, sorry din." Ani ko nalang at yumakap sa kanya. May magagawa paba ako? Eh hindi naman makatanggi sa kanya itong punyetang puso ko na parang tangang nagtatatalon sa sobrang kilig sa kanya.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon