SE-27

2.4K 44 6
                                    


27

"Dalawang kanta?"

Sinulyapan ko si Sven mula sa malaking salamin na nasa aking harapan. Nakasuot lamang siya ng puting T-shirt at faded jeans, nakasukbit sa kanyang balikat ang maong niyang jacket, at gulo gulo na naman ang ayos ng kanyang buhok. Idadag pa ang mga stubbles niya na sadya ata niyang hinahayaang tumubo.

Napakasimple lamang ng pananamit niya kung tutuusin, ngunit mas lalo lang atang bumagay sa kanya iyon. ruggedly handsome ika ng iba.

"Yep." muli akong sumulyap sa kanya gamit ang salamin, ngunit hindi na siya nag abalang sulyapan pa ako. Nakatutok na siya sa mga papel kung saan nakasulat ang mga awit na kakantahin namin mamaya. Sa loob ng nakalipas na tatlong buwan ay dama ko ang pagbabago ng pakikitungo nilang magkakapatid sa isat isa. Kahit hindi ko maamin ay alam kong may kinalaman ang relasyon naming dalawa. Kung noon ay binibisita pa siya ni Silk sa Condo niya, ngayon ay halos na hindi na ito tumatapak pa ni sa entrada ng gusali. 

Bumukas ang pintuan ng Dressing Room at sumungaw doon ang ulo ni Ms. Jane. Ang Manager ko na si Tito Ced mismo ang nag-assign. 

"Standby kana Alexa." 

Tumango ako at huminga ng malalim. Supposed to be dapat anim na buwan ang training ko sa kanila, bago ako opisyal na pumirma ng kontrata at mag recording sa kanila. Pero sa dami ng koneksiyon ng recording studio na ito at ng mismong may-ari. Tatlong buwan pa lamang ay sinimulan na nila akong ipakilala sa mga TV stations at Radio Stations, iilang beses na rin akong nakapag guest sa ilang reality shows at morning shows. Kadalasan nga lang ay kasama ko si Silk. Siguro dahil nagkaroon ng million views ang isang Kanta na live naming kinover habang nagpapratice kaming dalawa.

"You can do it." 

Bahagya akong napapitlag ng maramdaman ang marahang pagtapik sa aking balikat. Nagtama ang mata naming dalawa. Ngumiti si Sven sa akin at saka inilipat ang marahang pagtapik sa aking ulo. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko para akong maiiyak sa napaksimpleng bagay na iyon, dahilan upang malalim akong mapabuntong hininga. Magkahawak kamay kaming lumabas ng dressing room. 

Wala pa man ako sa entablado ay rinig ko na ang ingay sa labas. At kung tutuusin pa nga ay hindi ko naman ito Major Concert, ngunit halos sumabog na ang aking dibdib sa kaba. Naimbitahan lamang kami ni Silk na mag guest sa Concert fo Cause na ito, para sa nasalanta ng napakalakas na bagyo noong nakaraang buwan. 

Bahagya akong tumigil sa paglalakad ng makita kong nakatayo si Silk sa gilid ng backstage kung saan ang magsisilbing entrada namin. Nilingon ko si Sven at sinalubong naman niya ako ng ngiti. Ngiting animo nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, mga ngiting animo nagsasabing hangga't naririto siya ay makakaya ko ang lahat. 

Mas lalong lumakas ang ingay. 

Hudyat upang lumapit ako kay Silk, iniabot naman niya sa akin ang kanyang kamay. Napako roon ang aking tingin. Kung noon siguro baka halos maglulundag na ang aking puso, ngunit ngayon...

Sa pangalawang pagkakataon ay sinulyapan ko ang Nobyo. Naroon parin ang mga ngiting iyon.

Bumukas ang makapal na kurtinang nagsisilbing harang sa gilid ng backstage, Pinuno ko nga hangin ang aking dibdib at inabot ang kamay ni Silk at magkasabay kaming humakbang patungo sa dagat ng napakaraming taon.

You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied

Pumailanlang ang malamyos niyang boses habang sabay kaming naglalakad. Napakalakas ng kalabog ng aking dibdib, ngunit unti unti din iyong nilulunod ng napakalakas na sigawan at sunod sunod na palakpakan. Hawak parin ni Silk ang kamay ko na animo iginigiya niya ako sa gitna ng entablado. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam na umawit sa harap ng napakaraming tao. Samut saring emosyon aking nararamdaman, ni hindi ko masukat kung ano ang mas nangingibabaw. Kung kaba ba, o excitemen o takot, o kung ano nga ba talaga?

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon