12-------------
Fr: S.A
Lunch @Giligans
I'll wait for you in the SG.Napatitig ako sa screen ng phone ko, habang parang tangang napapangiti. Mabilis akong nagreply sa kanya. Ni hindi ko naramdaman na umupo na pala si Anee sa katabing upuan ko.
"Mabuti pa kayo ni Silk, mukhang nagkakalapit na."
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone na hawak ko. Pilit akong ngumiti at nanginginig ang kamay na nilagay iyon sa aking bulsa.
"May problema ba, Nee?"
Bahagya niyang iniyuko ang ulo matapos magbuga ng hangin. "I think Sven, is avoiding me."
Kinuyom ko ang isang palad. I feel guilty. If i am a boy, I'm sure I'm fvcking breaking our own Bro-Code now. But what can I do? Like what Sven said.
Hanggang kailan ko kayang tikisin ang nararamdaman ko? Hindi nga ba't hindi ko narin napigilan pa?
"Sabi niya there's no chance for us." Pagak na tumawa si Anee. Kinagat ko na ang loob ng aking bibig, dahil bakas na bakas ang sakit sa boses niya. "Alam mo yon? Ang tagal tagal mong pinapangarap at hinihiling-hiling na sana mapansin ka niya?"
"Anee..." Lalo lang akong nakakaramdam ng pagsisisi. Now tell me paano pa ako aamin sa kanya? Ngayon pa nga lang na hindi pa niya alam kung sino yung babae, umiiyak na siya. Papaano pa pag nalaman niyang may kinalaman ako.
"Okay naman kami noong mga nakaraan eh. Akala ko nga gusto niya din ako. He's very sweet, very caring. Tapos bigla bigla sasabihin niya sa akin na he really likes someone? He's falling for someone? Nakakagago di ba?" Inis niyang pinahid ang luha. Hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Wala akong magawa kundi ang marahang tapikin ang likod niya.
I think I should really talk to Sven again. Hindi pwedeng ganito. Hindi ko pwedeng isakripisyo yung kaligayahan at pagkakaibigan namin ni Anee.
Muli niyang pinahiran ang luha at umayos ng upo ng mapansin naming nagpasukan na ang lahat ng classmate namin, na nakatambay sa labas. Habang ako ay nananatiling tahimik habang nakakuyom padin ang isa kong kamay. Pumasok sa classroom namin si Ms. Alvarez at nagsimula ng mag klase.
------------------------
Buong klaseng tahimik si Anee. May mga pagkakataon pang nakatitig lang siya sa whiteboard namin sa harap. She looks so lost. Ganoon niya ba ka gusto si Sven? Dapat ba sabihin ko na sa kanya? O mas mabuting panatilihin kong lihim?
Pero hanggang kailan? Should I encourage her to move on with Sven? Pero tama ba iyon? Parang lumalabas kasi na kaya gustong gusto ko na siyang maka move on para hindi na ako maipit sa pagitan nilang dalawa?
Hindi ba parang bantay salakay naman ang magiging labas ko sa kanya kung ganoon?
Tumunog ang School Bell indikasyong Lunch Break na namin. Nang maalala kong inaaya nga pala niya akong mag Lunch. Inayos ko ang mga gamit ko at nagpasyang pumunta muna sa Restroom.
"Lex..."
Lumingon ako kay Anee. Medyo tulala pa din siya habang hawak ang phone niya. "Pwede mo ba akong samahan mag Lunch, hindi mo na ako sinasamahan this past few days. Feeling ko pati ikaw naiwas sa akin."
Rumagasa na naman ang bugso ng pagsisisi sa akin. Pilit akong tumango at ngumiti sa kanya. "Pupunta lang muna ako sa restroom, then mag lunch na tayo."
Malungkot siyang ngumiti at tumango.
---------------------
Fr: S.A
Fine, but I will fetch you for Dinner. 7pm sharp, hmp!
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
Fiksi UmumWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...