SE-15

6.6K 143 30
                                    

15

------------------------

"Four thousand and sixty three pesos?"

Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Halos dalawang libo pa para mabili ko iyong Gitara. Pero saan ako hahanap ng dalawang libo? Gaya ng sinabi ko, hindi naman ako kasing yaman ni Sven o ni Anee. My Mother died when I was 7 years old. Si Papa naman ay may sarili ng pamilya. Kaya si Lola ang nagpalaki sa akin.

Ayoko namang humingi kay Papa, dahil may sarili narin iyong pamilya. Three years kasi after mamatay ni Mama, nakilala niya ang second wife niyang si Tita Mariel, tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila bago sila nagpakasal. And now three of them are living in Canada, kasama ang nag iisang anak nilang si Carrick.

Hindi naman iba ang turing ni Tita Mariel sa akin, ayoko lang talagang pumisan pa sa kanila. Kaya iniisip ko ngayon kung saan ako hahanap ng pandagdag. Hindi naman pwedeng magpart time ako, at pag nalaman ni Lola. Siguradong papasugurin non dito ang pinsan kong si Kuya Siggy.

Haaay Buhay Alexa, ang hirap maging mahirap.

"Wow, are you seducing me?"

"Ay puta ka!" Pabalikwas akong napabangon dahil sa sobrang gulat. Nakabalandra sa hamba ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ko ang nakangising si Trek. "Anong ginagawa mo ditong Manyakis ka?"

"Wow, parang yung Boyfriend mo hindi Manyak ah?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo. Siraulong gago na'to!

"Manahimik ka nga diyan at baka may makarinig sa iyo!" Inisang hakbang ko siya at pinandilatan.

"Makarinig na ano? Na Boyfriend mo si Sv---uhmmmp!" Mabilis kong tinapalan ng kamay ko ang walang prenong bibig niya. Ngunit dahil talagang malaki ang tangkad niya sa akin, nagmukha tuloy na nakalambitin ako sa kanya habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko.

"Eherm."

Sabay kaming napalingon ni Trek sa tumikhim. Pinid ang labi ni Katniss habang nakaiwas ang tingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Trek, saka ko pa narealized ang ayos naming dalawa. Halos patalon akong lumayo sa kanya at sinimangutan.

"Aantayin kita sa baba, Alexa. I have something to tell you." Inayos ni Trek ang nagusot na damit niya dahil pinaggagagawa ko kanina. Ng kindatan niya ako bigla. Anak ng! Gago talaga!

Saka pa pumasok ang pinsan ko sa loob ng silid ng hindi man lang ako sinusulyapan. Ayaw ko man makaramdam ng hiya ay hindi ko mapigilan. Buisit na gagong manyak kasi na'yon.

"Akala ba iyong isa ang dinidate mo?"

Napahinto ako sa pagabot ng jacket ko na nakasabiy sa likod ng pintuan. "Dinidate ko?" Nagsimulang kumalabog ang aking dibdib. May alam ba siya? Nakita ba niya kami?

"C'mon, Alexa don't play innocent. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Pinaikot niya ang mga mata matapos akong irapan. "Akala mo hindi ko alam na ka date mo iyong isang Kabarkada niya? Akala mo hindi ko alam na hindi ka umuwi kahapon? Akala mo hindi ko alam na nagsinungaling ka doon sa Nerd na Bff mo, at sinabing lasing na lasing ako kaya hindi ko alam na magkasama naman talaga tayong natulog? Akala mo hindi ko kayo nakita ni Alcantara doon sa fastfood ha?"

Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng jacket na hawak ko. Ilang beses akong napakurap. Hindi ko alam kung anong una kong iisipin. "Kat..."

"Kalma, kalma...Don't worry wala naman akong planong ibuko ko." Pabagsak siyang nahiga sa kama niya. "Masyado na akong maraming pinoproblema, wala na ako balak magdagdag pa no."

Parang tanga akong napakurap na naman. Pakiramdam ko nakahinga agad ako ng maluwag, hindi ko tuloy napigilang patakbong yakapin si Katniss. Mukhang nagulat man siya ay niyakap niya din ako pabalik. After all, magpinsan parin naman kami.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon