SE 42

589 16 5
                                    



"I'm sorry..."


"Sorry?" Umigting ang kanyang bagang at hinagis ang papel sa aking paanan. "Anong magagawa ng sorry mo? I don't need it! I need you to stay here with me Lei! I don't care about it, kahit pa hindi mo ako isama sa mga pangarap mo, sa future na binubuo mo. Just stay with me. Yun lang ang hinihiling ko sa iyo, Alexa. Mahirap bang gawin iyon?"


"Oo! Mahirap lalo na kung hindi ko naman kayang suklian lahat ng efforts mo para sa akin! I'm so tired of this Sven!" Isang impit na hagulgol ang kumawala sa aking bibig, habang nakasubsob sa aking palad. "Please, just let me go." Dahil hindi ko na alam kung ano pang mga kasinungalingan ang kailangan kong sabihin sa iyo, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang titigan ka habang nasasaktan ka ng ganito.


"Is it because of Silk? Is this why you're breaking up with me? Because of Silk?"


"Yes..." buong tatag na sagot ko. Partly, this is because of Silk as well. Silk has nothing to do with us, pero hindi kakayanin ng konsensiya ko na makitang mahirapan siya dahil lang sa ayaw ng Lola mo sa akin.


"You still like him?"


Nag angat ako ng tingin sa kanya, bagay na hindi ko pala dapat ginawa. He looks so hurt, iyong mga mata niya namumula na, may bahid na rin ito ng luha tanda ng marahas niyang pagpahid roon. Ramdam ko ang paggapang ng sakit sa aking dibdib, habang pinagmamasdan siyang ganito. Ngunit pilit namang lumalaban ang isip ko na kayanin ko, dahil sa pangakong binitawan ko.


I'm torn between hurting him and sacrificing his Brother's future.


"Tell me, I need to hear it. Are you still into him?" Ang kaninang mga mata niyang puno ng hinanakit ay napalitan ng kislap ng galit. Akma akong magsasalita ng inisang hakbang niya ako at mabilis na kinubabawan sa higaan.


Natagpuan ko na lamang ang sariling marahas niyang hinahalikan, habang mariing nakahawak sa magkabila kong kamay na nasa aking ulunan. Kahit pa nalasahan ko na ang kakaibang likido sa aking bibig, marahil dala ng marahas na paggalaw ng kanyang bibig, ay hindi pa rin siya tumigil.


Hindi ako nagprotesta, ni hindi ako gumawa ng kahit na anong aksiyon upang pigilan siya. If this is the only way to ease his anger. Then I will let him do it to me.


Gumapang ang kanyang labi mula sa aking may galos labi, sa ilalim ng aking tainga pababa sa aking leeg. At marahas na kumagat at sumipsip roon. Umungol ako sa sakit at hapdi, kasunod nito ang hindi ko napigilang hikbi. Doon ko pa naramdaman ang pagluwag ng paghawak niya sa aking dalawang kamay.


Nanatili akong nakapikit habang walng tigil ang pagtulo ng luha.


"You're so heartless, Alexa." He hissed at me. "But I still love you, I still want you. I don't care if you're still in love with Silk. I will work my ass off to make you fall out of him, I will do everything to make you love me. Just choose me. Please, Lei."


Mahinang yumugyog ang kanyang balikat, habang nakasubsob siya sa aking leeg. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagkabasa nito. He's crying. He's crying because he's hurting. And I'm the one who did it. Bumukas ang aking bibig, ngunit wala akong maapuhap na sabihin.
Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong sambitin.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon