38
Napapabuntong hiningang bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinasadahan ng kamay ang aking nakalugay na buhok. Alam ko, I'm aware of it na bestfriend ng Lola ni Sven ang Lola ni Anee. But I didn't know na dito rin sila sasalubong ng Kapaskuhan. Siguro dahil, hindi na naman makakauwi ng Bansa ang Parents niya. At iyon ang bagay na nagpapagulo sa akin at hindi nagpapatahimik sa sistema ko.
Nilingon ko si Ate Cha sa higaan na mahimbing ng natutulog at bahagyang humihilik. Gusto ko sanang tawagan o itext si Sven na hindi ako makatulog ngunit ayoko namang gumawa ng bagay na ikagagalit ng Lola niya. Medyo Old Fashioned daw kasi ito. Kita niyo na, ikakasal na sina Ate Cha at Kuya Sit. Ngunit hindi parin daw pwedeng magsama ito sa iisang kwarto kaya naman eto, ang ending kasama ko sa isa sa mga Guest room si Ate.
Suot ang pambahay na tsinelas na binili namin kanina sa Night Market ay kinuha ko ang nakasabit na jacket ko sa likod ng pinto. Pasado alas dose na ng gabi iyon ang nakalagay alarm clock na nakapatong sa night table, sigurado tulog na ang mga tao sa loob ng buong bahay ngayon. Baba na lang siguro ako para kumuha ng gatas at ng dalawin ako ng antok. Namili din kasi kami kanina, since magtatagal nga kami ng ilang araw dito.
Tahimik akong naglakad pababa ng hagdan, lalo na at dito pa naman sa ground floor ang mga kwarto nina Lola at ng mga kasambahay nila, nakakahiya naman kung magigising sila dahil lang sa akin. Hindi ako nag abalang buksan ang mga ilaw habang naglalakad patungo sa kusina, tanging ang mismong ilaw lamang sa loob ng kitchen area ang aking sinindihan, ng makarating ako doon.
Dumiretso ako sa malaking Ref nila at kinuha ang isang kahon ng gatas na kasama sa pinamili namin kanina, saka kumuha ng baso at nagsalin doon. Ngunit akma akong uupo sana habang umiinom sa babasaging baso, ng animo may narinig akong parang pigil na mga boses. Hindi naman siguro ako minumulto ano? Tumigil ako sa paglagok ng gatas at pinakinggang mabuti kung saan nanggagaling ang mga impit na boses. Nang hindi ako makatiis ay napilitan na akong lumabas ng kusina at iniwan ang baso ng gatas sa lamesa. naririnig ko parin ang mga boses, parang nagtatalo ang mga ito. Lumigid ako sa pasilyong nasa gilid ng hagdan hanggan sa matanaw ko ang bahagyang liwanag na nagmumula sa nakaawang na pintuan ng silid na naroon.
"Pinalampas ko ang ginawa ng Panganay mo noon, Margarette. Abuso na yata kung pati ang Bunso mong anak ay papalampasin ko ngayon?"
Sumilip ako sa nakaawang na pinto.
Si Lola at si Tita Margarette? Sa ganitong dis oras ng gabi?
"Mama, hindi ko hawak ang nararamdaman ng mga Anak ko. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyo iyan?"
"At ilang beses ko din bang kailangan ulit ulitin sa iyo na hindi pwedeng mag nobya ang anak mo! Dahil ikakasal siya sa apo ni Mathilda?"
Nanlamig ang pakiramdam ko sa narinig. Pakiramdam ko may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib. Hindi ko mapigilang mapaupo at tumalungko at yakapin ang sarili. Ngayon alam ko na kung bakit ganoon ang pakiramdam ko, pagkakita ko pa lamang sa Lola niya. Ayaw niya sa akin...
"Pinalampas ko ang ginawa ni Sitri, nilunok ko ultimo ang kahihiyan na binigay sa akin ng isa pang Anak mo. Nilunok ko Margarette. Lahat ng kahihiyang binigay niya, nilinis ko. Sa tingin mo makakapayag ako sa pagkakataong ito, na hindi matutuloy ang kasunduan namin ni Mathilda? Alam mong pinagkasundo ko na si Sven, pero anong ginawa mo hinayaan mo siyang makipag Nobya?!"
"Mama, Mahal ni Sven si Alexa! Bakit ba hindi niyo maintindihan iyon? Ma, hindi ko hawak ang nararamdaman ng mga Anak ko. Kayo bilang Ina, dapat alam niyo ang bagay na iyon higit kanino man dito, higit pa sa akin."
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...