SE 44

897 25 12
                                    



Siguro kung literal ang ibig sabihin ng kasabihang, kinain mo rin ang sinuka mo. Baka sumalaksak na sa lalamunan ko iyong sinabi kong, HINDI AKO UUWI NG PILIPINAS.

Kung pwede lang pumatay ng tao ngayon ginawa ko na. Kung nakamamatay lang rin siguro ang titig, baka kanina pa patay itong lalaking ito na nakatayo sa harapan ko. How dare he connived with Penelope Kim!? At paano nila nakumbinsi ang Lola ko na pabalikin ako ng Pilipinas. If it wasn't for my Grandma, hinding hindi na talaga tatapak sa bansang yon! Hanggang ngayon umaalungawngaw pa rin sa isip ko ang boses ng Lola ko, telling me, na baka mamatay na raw siya at hindi niya ko na siya abutan, kung hindi ako uuwi ngayon.

"Alexa, hindi lalapit ang eroplano papunta sa iyo. Kaya dalian mo na, baka maiwanan pa tayo."

Hindi pa nga natatapos ang isang linggong bakasyon ko eh! Why it is so unfair?! 

Pakiramdam raw niya ay hindi na siya aabutin ng isang buwan, o baka nga raw isang linggo. Nararamdaman raw niyang baka mamamatay na siya. Like what the hell? Anong mamamatay? Eh halos kasing lakas pa nga niya yung kalabaw namin na hanggang ngayon eh alaga pa rin niya ata, hindi ko sure kung buhay pa, pero sure ako magkasing lakas sila kung buhay pa.

"At bakit ba ikaw ang kasabay ko uuwi?" pasinghal kong baling sa kanya.

"Why don't you ask Madam Penelope?"

"Ewan ko sa inyo! Bakit hindi na lang kayong dalawa magsama di ba?" I rolled my eyes and walk away with him. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng ipasabay sa akin. si Silk pa? Pwede naman si Bobby, pwede rin namang siya na mismo. Tutal siya naman nakaisip na bumalik ako ng Pilipinas, pasalamat talaga siya pinalaki ako ni Lola na may paggalang sa matanda. Ni hindi ako ngumiti kahit pa batiin ako ng Fligh attendant na nakatayo sa passenger door.

Sana pala nagkunwari na lang akong hindi ko nakita yung envelope at sinindihan ko nalang agad. Edi sana wala ako ngayon sa loob ng eroplano, nakaupo at naghihintay na lumipad pabalik sa Pilipinas. Minsan talaga maganda ng nagtatangahan eh. Buisit. Padabog akong naupo sa aking assigned seat na malapit sa bintana at inis na humalukipkip.Just by thinking na muli akong tatapak sa Bansang sinilangan, pakiramdam ko hinahalukay ng mga kung anong insekto ang aking kalamnan. I feel like I would throw up, I feel like I would pass out.

Hindi mo lang matanggap na affected ka parin sa ex-bf mo na ikakasal na sa ex-bff mo.

Mahigpit kong kinuyom ang palad sa piping bulong ng aking isip. Hindi ko naman ikakaila iyon. After our break up, hindi na kami muli pang nag-usap. When I decided para ayusin ang lahat ng papel sa University ay hindi ko na rin siya nakita pa. Pilit kong pinigilan ang sarili na wag magtanong sa iba kong kilala kung nasaan siya o anong balita sa kanya. I was planning to talk to him actually bago ako umalis ng bansa, when Penelope Kim pulled some strings upang mapabilis ang paglipad ko papuntang Korea.

I know right there and then that I will never had a chance to talk to him for the last time bago ako umalis ng Bansa. Ngunit gayon pa man, hindi ako bumitaw sa pag-asang makakausap ko pa siyang muli, na maaari ko pang ipaliwanag sa kanya ang lahat ng hindi sinasabi ang kasunduan namin ng Lola niya, but that little hope of my already broken heart has shattered. When a news came to me that he, already proposed to Animony.

That's when I realized, na baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Na baka ginamit lang talaga ako ng Diyos na kasakangkapan upang makita niyang si Anee talaga ang inilaan para sa kanya.

Pagak akong ngumisi kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamay na nakakubli sa ilalim ng aking mga braso. Sa dinami-dami ng kasangkapan ako pa talaga ang napili ni Lord na gamitin ha? And then now what? Gusto nilang magperform ako sa Anniversary ng mga taong iyon? Special Guest my ass? Be professional? Trabaho lang walang personalan? Do they really think that I'm a masochist? Na isa akong robot at hindi alam ang salitang emosyon. Fucking Peoples! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon