SE-7

7.1K 168 11
                                    


7

------------------------

"Alexa?"

Napapitlag ako sa boses ni Anee. Eversince that day mas lalo lang ginulo ni Sven ang pag iisip ko. Fvck. Bakit kasi nagpahalik pa ako? Naman Alexa eeh! Bakit ba kasi ang rupok ng katawang lupa ko. God hindi maganda ito.

"Alexa? Ok ka lang ba? Nung mga nakaraang araw ka pa parang natutulala eh."

Sinong hindi matutulala kung paulit ulit na naglalaro sa isip yung nga nangyari kanina at nung nakaraan raang gabi. Akala mo may replay button sa utak ko na kahit pumikit ako, automatikong umuulit sa isip ko yung nga eksena.

Diyos ko, magkukumpisal na ba ako? Napapabuntong hiningang sinuklay ko ng kamay ang aking buhok. Tinipig ko ang gamit at tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" Animony asked me again.

"Restroom." Maiksing sagot ko at hindi na inantay ang sagot niya. Although, wala naman talaga akong balak na mag CR. Gusto ko lang mapag-isa.

Binagtas ko ang daan papunta sa open field. Inilinga linga ko ang mata sa paligid at naghanap ng malilim na lugar. Sumandal ako sa ilalim ng puno matapos tingnan kung may mga insekto ba sa katawan nito. Nilabas ko ang cellphone ko and start browsing any music from my playlist.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang kalmahin ng hangin ang magulo kong isip.

I like Silk. I really do. Kahit naman noon pang kakatransfer ko palang dito sa SH, siya na agad ang napansin ko. Although, hindi naman siya studyante dito. Taga kabilang Uni kasi siya, but since nandito nga iyong kapatid niya na member din ng School Band namin at Bokalista pa.

Malimit siya nandito. Saka kung hindi ako nagkakamali, Ninang yata ni Silk ang Dean ng SH. Kaya malaya siya makapunta punta dito. And then minsan nga ay nakikita ko din na kasama siya ni Sven na tumutugtog sa banda.

Sven...

Damn. Napahigit ako ng malalim na hininga ng sumagi siya sa isip ko. Lalo na yung sinabi niya sa aki--Arghhh! Nagulo ko ang buhok at inis na humiga sa damuhan, kahit pa alam kong pwedeng madumihan ang uniporme ko.

Dapat hindi ako apektado sa kanya. Dapat wala akong pakialam sa kanya.
Kay Anee siya interesado, kay Silk naman ako interesado. Dapat wala lang sa akin yung nangyari. Pero bakit hindi ko maalis alis sa isip ko?

"Are you okay, Alexa---"

"---Ay kabayo ka!" Gulat akong napabangon ng biglang may magsalita. Silk Alcantara is sitting in front of me. Shet...

"Ang gwapo ko namang kabayo." Bahagya siyang ngumiti at kiniling ang ulo.

Oo ang gwapo mo talaga...

"S--Silk."

"You have a problem?" Naupo siya sa tabi ko. Pakiramdam ko mapapasigaw ako sa kilig. Kumalma ka Alexa. Kalma, at baka masunggaban mo ng halik si Silk.

"Ha? Wala ah. Nagpapahangin lang." Palihim kong kinagat ang labi. Sinundan niya ba ako di--silly Alexa, paano ka naman susundan ni Silk?

"Hinanap kita after nung after party, I didn't know that you already left."

May bumikig sa aking lalamunan. Parang kanina lang sabi ko gusto ko muna magisip. Ayoko munang isipin iyong mga nakaraang araw. Kung may makakabasa pa ng isip ko ngayon. Sigurado sisinghalan na ako.

Dahil hindi naman bago ang one night stand sa panahon ngayon. The thing is. Hindi naman kasi simpleng One night stand iyon. Involve si Sven, na gustong gusto ni Anee, na Best friend ko. At kapatid pa ni Sven si Silk, na siya namang gusto ko. Ahaaaay.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon