Hustong sumisilip na ang araw sa silangang bahagi ng kalangitan ng matapos kong maiayos ang lahat ng aking gamit. Bitbit ang lahat ng iyon ay mabibigat ang hakbang na lumabas ako ng kabahayan. Naabutan ko sa labas ang isang itim na Pajero na marahil ay naibisuhan na ni Tita Margarette na siyang maghahatid sa akin sa Airport.
Habang nag aayos ako ng gamit kanina ay hindi ko namalayan na hindi ko pala naisara ang pintuan at sumunod din pala siya sa akin. She only ask me one question. Kung desido na nga ba ako sa desisyong pinili ko. At tanging tango na lamang ang naisagot ko.
"Ito lang po ba ang gamit niyo Ma'am?"
Ngumiti ako kay Manong at tumango, akmang aabutin niya ang dala kong bag, nang may mapuputing kamay na umagaw doon.
"I will drive her to the Airport, Kuya."
"Eh, Sir sabi po ng Ma'am Margarette, ako daw po ang maghahatid kay Maam Alexa?"
"Dont bother, I can do it myself." Napatanga ako habang sinunsundan ng tingin ang Binata na nilalagay sa backseat ang aking dalang bag. "Hop in. "
"Ha?"
"Magliliwanag na Alexa, gusto mo bang maabutan ka pa ni Sven na narito? Makakaalis kapa kaya pag nagkataon?"
May kung anong bumikig sa aking lalamunan. Agad akong humakbang at sumakay sa front seat ng kotse, at sinara ang pintuan. Walang imik na binuhay ni Silk ang makina habang ako naman ay ikinakabit ang seatbelt sa katawan.
"You're leaving because of Grandma." That was not even a question. Was he there? Narinig niya ba ang usapan namin ng Lola niya? "Do you know why Lola is eager to pursue Sven's Engagement with Animony?"
"May nabanggit siya sa akin." Hindi ako nag abalang lingunin siya at nanatiling nakatitig sa makikislap na liwanag sa labas ng sasakyan.
"Really? That old woman told you the exact reason kung bakit pinipilit niya ang kasal ni Sven at Anee?"
Hindi ko napigilang malipalingon kay Silk dahil sa nahimigan kong sarkastikong tono niya. "Yes, she told me it was a dying wish."
"Dying wish my ass?" Pumalatak si Silk, dahilan upang magsalubong ang aking Kilay. "And you actually believed her, kaya iniwanan mo si Sven ngayon?"
I know he will hate me for this. But if this is the only way to show them, to prove that I deserve him as much as he deserves me. Then I will gladly do it
Humigipit ang hawak ko sa seatbelt at napahinga ng malalim. "It's for the best."
---------------
Ibinagsak ko ang sarili sa malambot na higaan ng makarating ako sa aking apartment. Ipinikit ko ang mga mata ngunit hindi pa man ako lumilipas ang ilang minuto ay mabilis din akong bumangon at sinapo ng dalawang kamay ang aking mukha.
Sven's face is keep haunting me..
Pero kailangan kong tapusin ang kasunduan namin ng Lola niya. Iyon lang ang nakikita kong paraan upang maging maayos ang lahat sa amin. Sa akin, kay Silk, kay Anee at kay Sven. Marahas akong napabuga ng hininga.Ito na nga ba talaga yung sign na hinihingi ko noon pa man?
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
Ficción GeneralWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...