SE-31

1.8K 51 6
                                    

31

Isang buong araw na hindi ko nakita si Silk. Kahapon matapos kong ihatid si Sven sa Airport ay hindi ko narin siya nadatnan sa Music Lounge Hinintay din namin siya kasama ni Sir Ced, ngunit wala ni anino niya ang lumitaw, hanggang ngayong maghapon habang pinagtutulungan naming icompose ni Sir. Allen ang kantang gagamitin sa TeleNobela na iyon. Sir Allen is the Company's Resident Songwriter. 

Sinubukan kong tanungin kanina si Boss(Sir. Ced), kung nasaan si Silk ngunit ang sabi lang niya ay baka ma-late ito. Pero mag-aalas tres na ng hapon ay hindi ko parin siya nakikita. Ayaw ko man, ay nakakaramdam din ako ng pag-alala para sa binata. 

Hindi naman kasi ganito si Silk, lalo na kapag ganitong mga pagkakataon. 

Palihim ako bumuntong hininga at nilingon ang Boss ko na abala sa pakikipag-usap kay Allison--teka, kung nandito si Allison nasaan si Silk. Akma akong tatayo ng mapansin kong bahagya niyang pinunasan ang mga mata. Is she crying? Nasaan ang Amo niya? 

Tuluyan na akong tumayo matapos magpaalam sandali kay Sir. Allen na pupunta lang ako sa restroom altho, ang babae talaga ang pakay ko. Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko parang bang balisa siya at aligaga, at mas lalo lang nadagdagan ang hinala ko ng bigla siyang mapalingon sa aking direksiyon. Daig pa niya ang nakakita ng multo sa biglaang panlalaki ng kanyang mga mata at agad na nagpaalam sa kausap. 

What the F is her problem? Bakit parang iniiwasan niya ako.

"Allison!"

Hindi niya ako nilingon at tuloy tuloy na naglakad patungo sa backdoor--Backdoor? Doon din kaya siya nagdaan papasok rito sa loob? "Allison!"

"Hey! Alexa." Sinalubong ako ni Boss at humarang sa aking daraanan. 

"Si Allison po iyon diba? Nasaan po si Silk?" Nakangiting hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at iginiya pabalik sa silid. 

"He cannot come today, dumaan lang dito si Allison para sabihin sa akin na hindi maganda ang pakiramdam ni Silk at hindi ito makakapunta." 

Agad akong nakaramdam ng pag-alala para sa binata, hindi dahil sa may nararamdaman pa ako sa kanya o ano. It's just that almost all of his Family members are in Aklan, hindi ko alam kung sinong kasama niya sa bahay ngayon, maliban kina Allison at sa mga kasambahay nila. Maybe i should visit him and call Sven, para sabihin ang kalagayan ng kapatid niya. "Ganoon po ba? Sige po pupuntahan ko nalang siya mamay--"

"--Ah! No! Alexa! It's okay! My Wife is taking care of him. No need to worry. Mag focus ka nalang dito and kami ng bahala. Sige na, I have to go." 

Hindi pa man ako nakakaimik ay tuluyan na akong tinalikuran ni Sir Ced, sa harap ng pinto at tuluyang naglakad palayo sa akin. Seryoso? Anong nangyayari? Bakit feeling ko parang iniiwasan nilang makita ko si Silk? 

-------------------------------

Nasaan ba iyong susi ng dorm room namin? Ang alam ko nilagay ko sa bag ko eh. Asar! Kung kailan naman wala ang pinsan ko saka pa nagkaganito, mabuti sana kung nandito si Katniss. And speaking of Katniss, ilang araw na mula ng huli ko siyang makita. Hindi ko tuloy alam kung tatawagan ko ba ang Mommy niya o siya. Mabuti sana kung katulad ng dati na wala pang munting buhay sa kanyang sinapupunan--Ah! Sa wakas! Nakita ko din yung susi!

Agad kong binuksan ang pinto at binuhay ang ilaw sa loob, sinalubong ako ng mga gamit kong nakalagay na sa aking ilang bag at kahon. Haaay! Mamiss ko ang silid na ito, sa makalawa kasi ay lilipat na ako ng Apartment. Magsisimula na rin ang home schooling ko. Hinubad ko lamang ang sapatos na suot ko at padapang humiga sa aking kama. Sinong mag aakala na darating ang ganitong pagkakataon sa aking buhay? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na pwede pala talaga akong maging Singer. 

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon