SE- 33

1.7K 46 5
                                    



33


"Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa ginawa mo Alexa." 


My Boss keeps on pacing back and forth while holding a new tabloid on his hand. Nanatili naman akong nakaupo at nakatitig sa aking kamay at sa mga kuko kong kulay asul. Nandito ang buong staff na nakatoka sa amin ni Silk, including our Manager and his PA. But then again, wala na naman siya. 


"Well, the good news is clarified na iyong issue about Alexa. At least hindi na makakaladkad ang pangalan niya sa eskandalo diba?" Remind me to say thank you sa aking make up artist. 


Rinig ko ang iba't ibang reaksiyon sa sinabi ng babae, mayroong suminghap mayroong pumalatak. Mayroon ding napasipol. At kung anong reaksiyon ng Boss ko, hindi ko alam. Hindi ako nag abalang tapunan ito ng sulyap, dahil ngayon ko unti-unting nakikita ang isa pang mukha ng klase ng trabahong ito. Most of the peoples here in this kind of job are manipulators. Kung minsan ang gusto nila ang masusunod, kahit pa labag na iyon sa prinsipyo o paniniwala mo. As long as alam nilang mas beneficial para sa kanila ang kanilang gagawin, hindi sila magdadalawang isip na gawin ito.


"Anyways, Alexa we are going to have to Mall Show next week, kasama natin ang buong Cast ng Winter Memories." Binasag ni Boss ang katahimikan ng paligid. Winter Memories, iyon ang title ng Teleserye kung saan kami ang napiling umawit ng kanilang Official Sound track. Halos hindi ko kilala ang ibang Artist na kasama roon, ngunit iyong iba naman ay pamilyar ako. Nakakapagtaka lang dahil, sa dinami-dami ng magaling na mang-aawit ay kami pa ang napili nila. Eh, literal na baguhan pa lamang kami sa Industriya ng Musika.


"Okay, Boss." 


"I will send you all the details later." Sinenyasan niya ang ibang naroon na makakaalis na. "Alexa, sa recording room tayo. Silk, told me he's gonna be late. Unahin na natin irecord iyong mga parts mo sa songs."


"Sige po." 


Tumayo na ako at inayos ang aking skirt saka tahimik na lumabas ng conference room. I'm wondering nasa klase kaya ngayon si Sven? Or tumutulong na naman sila para sa preparation ng Christmas Ball? Kagabi kasi nabanggit niya sa akin, na pati sila nakakaladkad ni Cali para lang mapalapit ito kay Pres. Azula or Pres. kung tawagin nila. But I doubt it kung mapasagot nila iyon no. Tingin pa lang ni Pres. magdadalawang isip ka ng lumapit eh.


"Alexa." 


Natigil ako sa paglalakad at muntik ng mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot ang si Ma'am Tanya, ang aming Manager sa aking harapan. "Ma'am Tanya. Hello po." 


"Hindi ko gusto ang ginawa mo baka akala mo?" Mahina kung may diing aniya sa akin. "Parang inilaglag mo narin si Silk. Sa uli-uli kukunsulta ka muna sa amin, bago ka gumawa ng hakbang. Baguhan ka palang sa Industriyang ito, ganyan na agad ang attitude mo. Hindi malayong magkaproblema tayo kung ipagpapatuloy mo yan ganyang asal, Miss Miranda." 


Hindi ako agad nakaimik. Daig ko pa ang sinampal sa sinabi niya. "Sorry po." Ngunit pinili ko pa ring humingi ng pasensiya rito. Walang lingon likod namang iniwanan niya ako at nilampasan. Kung saan siya pupunta ay hindi ko alam. Napako ang tingin ko sa sahig at pilit na huminga ng malalim, pilit na pinigilan ang unti-unting paglabo ng aking paningin.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon