SE-19

3.5K 90 6
                                    


19

"Anee... "

Agad na nagsalubong ang kilay ni Anee ng makitang bumaba ako mula sa passenger side ng kotse. Pinaglipat lipat niya ang tingin sa aming dalawa. Dahilan parang lalong lumakas ang lagabog ng aking dibdib.

"Kuya Sit asked me to drive her home, since hindi pa raw siya tapos gisahin at sermunan si Silk." Sinulyapan ako ni Sven, na animo sinasabing siya na ang bahala sa lahat. "Why are you here anyway? It's kinda late now, you know. "

"I was gonna check Alexa kung nakauwi na siya. And i was also planning na pumunta sa inyo since, hindi kana ngareply sa akin."

"You should go home now Nee, it's  kinda late now ." Sven gave her a lopsided smile.

"Pero..."

"Tama si Sven, Anee. Masyado ng late isa pa okay lang naman ako at nandito na ako." pinutol ko agad ng kanyang sasabihin,  dahil pakiramdam ko ay malulunod na ako sa kasinungalingan.

"Let's go." inakay ni Sven pabalik si Anee sa sasakyan habang ako naman ay nanatiling nakatayo at inihahatid sila ng tingin. Hustong makasakay ng muli si Anee sa driver seat ay naglakad na agad pabalik ang binata patungo sa sasakyan niyang nasa likod ko.

"Ihahatid ko lang siya, convoy." aniya sa boses na sapat lamang ang lakas upang marinig ko. "I will call you later as soon as maihatid ko siya sa kanila. Love you." dugtong niya at marahang tinapik ng palad ang tuktok ng aking ulo.

Hanggang makaalis na lamang ang mga sasakyan nila ay nanatili parin akong nakatayo sa labas ng Dormitoryo. At kung hindi pa tumunog ang pamilyar na ingay n nagsisilbing babala sa lahat ng naninirahan sa Dorm na sumapit na ang alas diyes ng gabi at kinakailangang nasa loob na dapat ang lahat ng umookupa roon.

--------------------------

Kinaumagahan ay maaga akong umalis at nagtungo sa lokasyon ng Simbahan kung saan gaganapin ang kasal ng pinsan ni Ella. Agad akong sinalubong ng mismong Wedding Coordinator, siguro ay naabisuhan na niya ito tungkol sa akin. Wala kaming sinayang na oras dahil nga sa ginawang aberya ng nag backout na Wedding singer na iyon,  kaya naman halata mo ang pagkagahol nila.

Mga ilang ulit ko ding pinagpraktisan ang mga kantang binigay nila sa akin,upang makasiguro na hindi ako magkakamali mamaya. Alam ko naman ang kapasidad ng boses ko pagdating sa pag-awit. Ayoko lang talagang magkamali ako mamaya. Kahiya hiya panigurado.

Isa pa, alam kong isa ito sa magiging pinakamagandang alaala ng mga ikakasal ayokong ako ang maging dahilan upang masira iyon.

Iniikot ko ang paningin sa buong paligid mula sa itaas na bahagi kung saan nakapwesto ang mga choir at banda ng mismong simbahan na siyang mismong tutugtog para sa kasal. Napapalamutian ng puti at pulang rosas ang paligid. May mg sinadyang ikalat pang talulot ng bulaklak sa aisle na nalalatagan ng pulang carpet kung saan maglalakad ang Bride mamaya.

Wala sa sariling bigla na lamang akong napangiti.

I'm just wondering, kapag kinasal kaya ako? Ganito rin kaya kaganda ang ayos ng buong paligid? Will Sven, sing a song for me too--Oh erase! Erase! Why am I picturing myself getting married with him?

"Alexa, are you okay?"

Napapitlag ako at lumingon sa boses ni Wedding Coor na mukhang kanina pa yata ako pinagmamasdan. Para kasi siyang natatawa na nagtataka habang nakatitig sa akin. "Opo ayos lang."

"You sure you're okay? Your face is so red kasi."

Umawang ang aking bibig at automatikong nasapo ng dalawang palad ang aking magkabilang pisngi. OMG. Am I blushing while daydreaming about Sven?

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon