SE-20

3.1K 77 5
                                    


20

Tahimik akong nakatitig sa nakangiting mukha ni Silk, habang idinidiscuss niya sa akin ang magiging  set up namin sa training under his Uncle. Sinundo niya ako kanina sa boarding house, at gusto ko mang sabihin na pagiisipan ko pa kung papasukin ko ang ganoong klase ng industriya, ay hindi ko nagawa.

Because he's smiling at me na para bang doon nakadepende ang buhay at pangarap niya. Specially nung sabihin niya sa akin, na matagal na talaga niyang pumasok sa ganoong Industriya, but he can't find his courage not until he met me and not until he heard me singing.

Naalala ko iyong ngiti niya...

There's something on Silk's behaviour that making me uneasy now. One minute kumikislap ang mga mata niya sa kasiyahan, lalo na kapag panay sang-ayon ako sa mga nais niya. And then another minute, bigla nalang nagiging blanko ang ekspresyon niya, kapag sinasabi ko namang I have to ask Sven first, regarding doon sa idea niya. Or minsan kapag dumidistansiya ako sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko, o kaya naman ay hahaplusin ang pisngi ko.

I just felt a little bit awkward, whenever he's trying to get closer to me.

"Ahm...Silk, if you wouldn't mind tatawagan ko lang si Sven." may usapan kasi kami na ngayon kami magkikita. Isa pa, balak ko ring isama siya doon sa guitar shop kung saan ako bibili ng regalo ko sa kanya. But of course itatanong ko lang sa kanya kung anong gusto niya, But I wouldn't tell him na iyon n mismo ang reregalo ko sa kanya.

"Do you really have to call him?" nawala ang ngiti sa labi ng aking kausap. At katulad kanina parang napakagloomy na naman ng aura niya.

"May usapan kasi kami ngayong araw."

"Saan ba kayo pupunta?" Now he sounds like a child na animo ay nagtatampo.

"I'm going to buy him a present---"

"Then I should go with you." and again nagswitch na naman ang mood niya. "It's a bit awkward right if you're gonna buy a gift and yet ksama mo iyong pagbibigyan mo--"

"No, Silk. It's okay. Usapan namin ni Sven na lalabas kami ngayong araw. Excuse me." politely I smiled at him and didn't wait for his answer. I know I sound so rude. But I don't want to lead him anymore.

Mabilis akong tumalikod at nilapat ang cellphone sa aking tenga matapos mai-dial ang numero ni Sven. Nagsimula iyong tumunog at makalipas lamang ang halos ilang segundo ay sinagot na niya ito.

Hey Lei? You ready? Paalis na ako ng condo, papunta sa Boarding House niyo.

"Sven, nandito ako sa Cafe Galileo If you want dito muna ako puntahan."

What are you doing there?

Automatiko akong napalingon sa direksiyon kung saan ko iniwan si Silk. Nakaupo parin siya doon at nakatitig lamang sa baso ng inuming nasa kanyang harapan.

Lei?

Napabuntong hininga na lamang ako bago ko nasuklay ng aking kaliwang kamay ang nakalugay kong buhok.

"Pinuntahan ako kanina ni Silk sa Dorm."

At bakit raw?

Nahimigan ko ang inis sa kanyang boses. "Puntahan mo na lang ako dito Sven, I will tell you everything mamaya." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago tuluyang nawala sa kabilang linya.

Muli akong napasulyap kay Silk na ngayon ay nakasandal na sa kanyang inuupuan at sa labas naman nakatitig.
Hindi ko tuloy mapigilang mapabuntong hininga. Binalik ko ang cellphone sa aking bag at naglakad pabalik sa aming mesa.

"Does Animony know about you and Sven?"

Natigil ako sa pag-upo at napatitig kay Silk. Ramdam ko ang biglaang paggapang ng kaba sa aking dibdib. Bumaling sa akin ang seryoso niyang mga mata.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon