Three
OMG.
Ang sarap lang kumain ng meryenda habang pinapanood si Silk na nilalapatan ng tono at musika ang kantang cinompose niya. Sayang nga lang di para sa akin. Kinapa ko ang platito ng muffin. Nagtaka pa ako ng wala na akong makapa. Kakukuha ko lang ah! Lumingon ako sa likod at I found stupid Sven handing those muffin to Anee. And worst is nasa panibagong platito na iyon!
Aba't siraulo! I bought them for Silk!
Umisod ako ng upo at pasimpleng dumikit sa kanyang likuran. Ipinatong ko ang mukha sa kanyang balikat.
"A--Alexa?"
Tumaas ang aking kilay ng mautal siya. Ngunit hindi doon mas nabaling ang atensiyon ko. Why does my name sound sexy when he's the one saying it?
"I didn't buy that muffins, for you to give it to Anee." I hissed him. Ngumisi siya sa akin. At ako naman ang natanga. I never knew that a simple dimple can really make you stunned.
''Share your blessings, nga diba?''
''Share huh?'' Pinitik ko ang tenga niya. ''Eh, kinuha mo na lahat para ialay sa kaibigan ko." Hinablot ko ang platito ng muffin, ngunit di nya binitawan iyon. Kaya naman para kaming mga bata na nag-aagawan sa platito. Kung hindi pa may tumikhim ay hindi kami matitigilan.
Sitri Alcantara has an amused smile on his lips. Tang inis. Ang gwapo ng magkakapatid na ito.
"Sweet niyo naman." Tudyo niya sa amin at dumiretso kay Silk. Lumuwang ang pagkakahawak ni Sven kaya't napasulyap ako sa platito. Nakatingin din pala si Animony. Pasimple kong hinatak iyon at matamis na ngumiti kay Silk.
"Nag-aagawan kayo sa muffin?''
"Ah...No." tumayo ako bitbit ang platito papunta sa asawa--este pagibig ko. ''Sabi ko kasi ako nalang ang mag-aabot sa iyo. Siya ng bahala kay Anee. Eh, he doesn't want to give the plate kaya ayun."
"Ah..." binalik ni Silk ang tingin sa piano. Inalok ko siya ng muffin ngunit maginoo siyang tumanggi. Deym... Inlababo na yata talaga ako sayo Mahal.
''Mukha kang tanga." Sven's breath fanned on my ears. Matalim ko siyang tiningnan kahit pa animo may mga paru-parong lumilipad sa aking kalamnan.
Sinamaan ko siya ng tingin. Bahagya kong siniko ang sikmura niya kaya't napaatras siya. Sadista ko di ba? At dahil tumanggi naman si Silk, bumalik na ako sa upuan. But this time ay sa tabi na ni Anee. Napako ang aking tingin sa tatlong magkakapatid. True, all of them are a walking perfection. But still, I don't get those girls na sinasabing they can't resist Alcantara's charm. I'm talking about Sven guys. I mean, I've experienced that freaking feeling.
Yun bang sinasabi nilang kiliti sa kalamnan, natatanga ka sa kaguwapuhan as in parang tutulo na ang laway. Yung bang tipong talagang natamaan ka ng pana sa ulo--este sa puso mo.
Pero bakit ako narendahan ko naman ang atraksiyon ko diba? Loyal kasi talaga ako kay Silk. At hindi libog lang ang katumbas ng paghanga ko. Hindi ko sinasabing malilibog sila ah.
"Lex." Nagising ako sa kalabit ni Anee.
"Oh?''
"kung liligawan ka ba ni Sven. Will you give him a chance?"
Literal akong natawa sa tanong ni Anee. The F? Seryoso ba siya? As in si Sven Alcantara? Hinarap ko si Anee at nginiwian. "Big NO."
"Bakit naman? Si Sven na iyon tapos ayaw mo?" kumunot noo pa siya. Etong si Animony minsan matalinong bobo eh.
"Sino bang gusto ko?" naaasar na sabi ko.
"Si Silk."
"Eh ayun naman pala eh." napaikot ko ang eyeballs sa inis. "If it's Silk Alcantara, Oo agad. Hindi mo na kailangang magdalawang tanong pa."
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...