SE 39

1.2K 30 10
                                    

39


"MERRY CHRISTMAS!" 

Nagliwanag ang buong kalangitan dala ng napakagaganda at makukulay na paputok na sinindihan nina Kuya Sit at Sven. I watched him as he walked toward me with a huge smile on his face. I felt a sudden pang in my heart by just looking at his handsome face. 

"Merry Christmas." He gave me a peck on my lips at mahigpit akong niyakap and that's enough for me upang labanan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. I wish I could choose you without thinking about what might be the consequences of my decisions.

But I'm not like that, I'm not selfish.

"Are you okay?" bahagya siyang lumayo sa akin at kinulong sa mga palad niya ang aking mukha. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at tumango.

"I'm just tired." I lied.

"Kain muna tayo, then Ihahatid na kita sa kwarto niyo. Mamaya pa kasi ako." Nginuso niya sa akin ang alak na nakadisplay sa isa sa mesang naroon. 

"Okay." 

"Ano gusto mo kainin?" Hinatak niya ako sa lamesa at siya pa mismo ang kumuha ng mga pagkain na nakahain roon. Hindi naman kami ganoon karami sa loob ng Mansion nila, ngunit animo nasa Fiesta kami sa sobrang dami ng pagkaing nakahain sa mahabang mesa nila. 

"Hoy Pasko ngayon! Walang diet diet! Kumain ka ng kumain hindi puro dahon dahon ang nginunguya mo!" 

"Hindi yon dahon dahon, gulay yon! Veggies! Vegetarian nga ako diba!"

Naagaw ang atensiyon namin sa boses na iyon ng magkasintahan. Nilalagyan ni Kuya Sit ng napakaraming iba't ibang putahe ang pinggang hawak ni Ate Cha na panay naman ang alis sa mga pagkaing nilalagay nito at binabalik sa tray kung saan iyon nakalagay. 

"Oo nga Ate, Paskong Pasko eh puro damo kinakain mo. Konti na lang baka pakawalan kana ni Kuya sa Farm niya. " Nagtawanan ang lahat ng naroon ng biglang mag flying kiss si Kuya Sit kay Sven na animo tuwang tuwa dahil nag back up pa ang bunsong kapatid niya sa pang aalaska nito sa sariling Nobya. Hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing, kawawa na naman si Ate Cha. Napagtulungan na naman ng dalawa, mali tatlo pala.

Dahil dumagdag pa si Silk na tahimik nga lang pero panay naman ang lagay ng malalaking piraso ng karne sa platong hawak ng babae. Hindi pa ito nakuntento ay tinambakan pa iyon ng iba pang putahe ng ulam.

"There, you're smiling now." 

Agad na lumipat ang tingin ko kay Sven. He's staring at me with so much admiration in his eyes. Does he know that I'm just faking my smiles? 

"Pasko ngayon so whatever are you thinking right now set it aside and just enjoy everything tonight."

Tama, hindi naman siguro masamang hayaang ko muna ang sariling maging masaya ngayong gabi. I will just let everything goes as it is tonight. After all, kaya nga ako sumama sa kanya dito ay para makasama siyang magdiwang ng Kapaskuhan.  I want to have a happy memories even for tonight. I want to be with him, even just for today. I want to be with him, even for the last time. 

-----------------------------------------------

"Ate Cha?" 

Pupungas na bumangon ako tiningnan ang dahilan ng paglundo ng kamang nasa aking gilid. Ate Cha just smiled at me bago padapang bumagsak sa kama. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang mahinang paghihilik niya. Hindi ko alam na kasama pala si Ate na nakipag inuman kina Sven. Tuluyan na akong bumangon at kinapa ang cellphone na nasa side table.

Alas Tres ng madaling araw. Ngayon lang sila natapos? 

Matapos kong isuot ang panlamig na nakasabit sa likod ng pintuan ay kinabig ko iyon at nagalakad patungo sa hagdan upang makababa. Sa Garden ko sila iniwan kanina bago ako umakyat sa kwarto namin ni Ate Cha. Ngunit hindi pa man ako nakakaabot sa sala ay rinig ko na ang mahihinang hilik. Binilisan ko ang lakad and there I found the four of them, no five of them.

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon