SE -28

1.7K 43 1
                                    


------------------------------


"Alexa, mabuti pa mag short Break na muna tayo."


Marahan akong tumango at hinubad ang headphones ko. I muttered sorry to Ms. Ayla, ang Vocal Coach ko, bago tuluyang lumabas ng silid kung saan kami madalas magvoice lesson, dahil okupado ang ibang silid ng iba ring Trainees. 


Sa rooftop ako ng gusali dumiretso at umupo sa reclining chair na nakapwesto sa malilim na parte. Sinalubong ako ng may kalakasang hampas ng malamig ng hangin. Ngunit sapat na iyon upang bahagya nitong alisin ang napakaraming agam agam sa aking isip. 


Si Anee at Silk? 


Bakit hindi ko alam na ganoon na pala kalapit ang dalawa sa isa't isa? 


Sumagap ulit ako ng hangin at pinuno ang aking dibdib. Sa loob ng nakalipas na ilang buwan, halos kausapin-dili parin ako ni Anee. Ginagawa ko naman ang lahat para bumalik kami sa dati pero ramdam ko parin ang pag  distansiya niya sa akin, siguro dahil hanggang ngayon malalim parin ang nararamdaman niya para kay Sven at nasasaktan parin siya.


Naiintindihan ko naman iyon. 


Pero hindi ko lang talaga maiwasang isipin na, hanggang kailan ako maghihintay na bumalik kami sa dati? Na ganoon ba talaga kalaki ang kasalanan ko? Umihip ang malakas na hangin dahilan upang akma kong yayakapin ang sarili ng may mga bisig na pumaikot sa akin mula sa aking likuran. 


"Is there something bothering you?" 


"Sven..."


"Galing ako sa baba nag short break nga daw kayo, nagpunta ako sa Latte House wala ka naman doon. Kaya dito na ako dumiretso." 


Napangiti ako sa kanyang sinabi, doon kasi madalas akong magpalipas ng oras kapag break time ko. Ngunit umaakyat ako dito, kapag gusto kong mapag-isa at makapagisip-isip at ayoko ng kahit na anong ingay. 


"Tell me, what's bothering you." bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at marahan akong hinila sa dalawang monobloc chair na naroon, saka ko pa napansin ang mga pagkaing naroon. "Bumili na ako kanina sa Cafe, bago ako umakyat dito." Aniya ulit na waring nabasa yata ang nasasaisip ko. Inalis niya ang mga pinamili sa isang upuan, at doon ako pinaupo. 


"Here." Inabot niya sa akin ang isang styro cup, mainit-init pa iyon. "Your favorite as usual, Flat White." 


"Thank you." Binuksan ko ang lid ng cup at sinalubong ako ng mabangong amoy ng kape, pakiramdam ko kahit paano na relax ng kakaunti ang aking isip. 


"So, are you going to tell me kung anong gumugulo sa iyo o magpipilitan pa tayo dito?" 


"I saw Silk, yesterday night. Lalapitan ko dapat siya but then suddenly Animony appears, they seems so close to each other. Kaya hindi na ako nagpakita, and I just hide from them. They're talking something, pero hindi ko naman maintindihan. But Silk did mention something na hanggang kailan daw ba siya maghihintay?" 

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon