SE-14

5.3K 144 8
                                    


14

----------------------

"Ihahatid na kita, maybe this is the right time para sabihin na natin sa kanya yung totoo."

"No, Sven." Paroo't parito ako habang kagat ang aking labi. What should I do? Kapag nagpahatid ako kay Sven, makikita kami ni Anee. Malalaman niya, Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya. Ni hindi ko pa nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi niya iisipin na inagaw ko sa kanya yung lalaking gustong gusto niya.

"Lei, malalaman at malalaman din naman niya? Bakit patatagalin pa?" Nabakas ko ang inis sa boses niya. Siguro, kagay ko nahihirapan na din siya. Siguro kagaya ko gusto lang din niya maging normal yung meron kami. Yung hindi ganitong patago.

"Hindi pa ito yung tamang oras, I'm sure of it." Huminto ako sa paglalakad at naupo sa sofa niya.

"Then when is the rig--"Sabay kaming napalingon sa pinto ng condo niya ng may mag doorbell doon. "Get inside of  the bathroom." Mabilis niyang baling sa akin.

"What?"

"Get inside of the bathroom. Kung ayaw mong may makakita sa iyo dito. Gaya ng lagi mong sinasabi sa akin." He scoffed.

Hindi ko parin siya sa nagets. Bakit ako pupunta sa bathroom? Because, I'm pretty sure nagkakaideya na ang mga barkada niya sa kung anong mayroon sa aming dalawa. Ayaw lang nilang magsalita.

"Lei, get inside of the bathroom now. I know what you're thinking na baka sila Trek lang yan." Hinatak na niya ako sa kamay at siya na mismo ang humila sa akin papasok sa banyo.

"I don't get you." Hindi ko mapigilanc magtaas ng kilay.

"Kung sina Trek lang ang nasa labas, hindi sila mag aabalang mag doorbell. Wala sa bokabularyo nila iyon. Papasok nalang iyon basta basta, dahil may sariling susi ang gagong iyon."

Sumikdo ang dibdib ko sa kaba. If it's not his friends..."then who is it?" Mahigpit akong napahawak sa doorknob.

"Maybe, Kuya Sitri? Or worst is..." He paused and he grinned at me. "Si Silk."

Umawang ang bibig ko. Bakit nawala sa isip ko ang possibility na baka si Silk ang nasa labas, knowing that they're siblings. Ni hindi sumagi sa isip ko na ideyang magkapatid nga pala sila. As if I've completely forgotten everything 'bout him. Sinara ni Sven ang pinto at naiwan ako sa loob.

"What brings you here?" Lumapit ako ng husto sa pinto upang mas marinig sila.

"Mom, has been calling you since yesterday night." Shit! It was Silk's voice. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Oh my God. Alexa! Ano ba itong pinasok mo! Daig mo pa ang kabit na nagtatago sa banyo dahil dumating na ang orihinal na asawa ng kalaguyo mo!

Kinagat ko ang labi at dahan dahang tumalungko sa likod ng pinto. Why I can't feel those butterflies in my stomach anymore? Dati rati naman kapag naririnig ko ang boses ni Silk, nagwawala na sila. Bakit ngayon absent sila?

"Ano na namang problema ni Margarette?" Wala talagang modo ang gagong iyon. Gusto kong humagikgik ngunit pinigilan ko. Margarette is their Mom's name.

"Actually it's not Mom, maglalabas daw kasi ng bagong Christmas Jingle ang Radio Station nila Tito Cedrick. And he's asking Mom, kung pwedeng tayo ang kumanta ng Jingle."

Ngayon ko lang naisip, both of his Brother are good at singing. And then Silk mentioned before na may Uncle din sila na may Recording Studio, tho I'm not sure kung iisa lang ang tinutukoy niyang Uncle niya ngayon.
Pamilya kaya talaga sila ng mga Musikero?

"Tapos ano, kukulitin nila ako na mag undergo ng training, para maging Singer?" Tumaas ang kilay ko ng marinig ang inis na boses ni Sven. I onced heard him singing. And I have to admit magaling talaga siya, so anong inaarte niya? "Kung gusto niyo kayo nalang ni Kuya Sit, don't count on me. Wala akong balak na kumanta sa ere."

Sven's EponineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon