26
"So, under training ka for six months. Saturday and Sunday's ka lang free, tho you still have to practice parin. Tapos Monday to Friday 4pm to 9pm ang training mo?" Nakangiwing nilingon ako ni Sven habang hawak ang papel ng kontrata ko under his Uncle's Recording Company. "Are you sure do you still want to become a Singer?"
Sandali akong nag-isip. Sa totoo lang naman kasi wala sa hinagap ko na aabot ako sa ganito. I mean, yes I do love singing, I really love singing. Pero kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na gusto kong maging isang Singer or Performer, any of those two. Pero sabi nga nila wag mong sayangin ang opurtunidad lalo na kung ito na mismo ang lumapit sa iyo. "Five years contract lang naman yan, saka hindi pa naman ako pumipirma, after training or during my half month of my training pa naman ako pwedeng pumirma jan. So, I will try."
"Lei, hindi maiksi ang limang taon, baka akala mo?" seryosong ani Sven sa akin matapos ibaba ang bungkos ng papel sa lamesa. "And you're still in College, paano mo hahatiin ang oras mo niyan?"
"It's okay ano ka ba? Hindi pa naman ako pipirma." Humagikgik ako at uminom sa less iced kong orage juice. Sabado ngayong araw kaya naman naisipan naming mag unwind na magkasama, nakaangkas ako sa kanya dahil feel daw niyang mag motor lang at hindi mag maneho ng kotse. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakakuha pa ng isang helmet at pambabae pa talaga ha? Umalis kami ng Dorm kaninang alas-siyete ng umaga at nakarating naman kami rito sa Bulacan ng alas diyes, huminto lang kami sa sandali sa isang fast food chain, dahil nagugutom na raw siya kahit nag-almusal naman kaming dalawa kanina bago kami nagbyahe.
Nagugutom...
Hindi ko mapigilang mapatitig sa pagkaing inorder niya at nakahain sa aming harapan. Napakarami, pakiramdam ko malulula ako. Kung hindi ko lang alam na kaming dalawa lang talaga ang magdate ngayon, iisipin ko na baka may iba pang kaming hinihintay na makakasalo namin sa pag-ubos ng pagkaing ito. O baka naman hindi ko alam eh hahabol pala si Trek dito? Minsan gusto ko ng isipin na baka naman kaya walang sineseryosong relasyon ang dalawang ito, dahil ang totoo may relasyon talaga sila. Mabuti nalang talaga at alam ko kung paano magpalit-palit babae ang Hallister na iyon, dahil kung hindi? Iisipin ko na talagang baka tagilid ang gender niya.
"Huy! Hindi ako pagkain. Kanina ka pa nakatitig sa akin." Pumitik pa sa siya sa aking harapan, dahilan para bahagya akong mapapitlag. Ng bigla naman siyang ngumisi ng pilyo sa akin.
"Hoy! Hoy ano na naman yang iniisip mo ha?" Anak ng Tinapa yang mga ngiti niyang ganyan eh, hindi talaga maganda.
"Ikaw naman kasi, kay liwa-liwanag eh kung makatitig ka parang gusto mo akong kainin." Pinagalaw-galaw niya ang kilay habang pilyong nakangiti parin sa akin. "Pwede namang mamayang gabi mo nalang akong titigan ng ganyan diba?" sabay tawa ng nakakaloko.
Aba't! Napakaberde niya talaga! Agad kong binaba ang inumin at dinampot ang tissue at binato iyon sa kanya, habang wala parin siyang tigil kakatawa. Muntik na akong mabilaukan sa kaberdehan niya talaga! Mabuti na lang at may kalayuan ang ibang mga kumakain sa loob ng fastfood chain na ito, kung hindi rinig na rinig ang mga pinagsasasabi niya, ngayon tuloy nagdadalawang isip na akong magpalipas ng gabi kasama siya, at baka mamaya kung ano pang gawin niya sa akin!
--------------------------------
"Kailan ba kasi titila itong ulan na ito?"
Inilabas ko ang isang palad sa bintana at sinalo ang tubig ulan na nagmumula sa bubong ng Apartelle na pansamantalang tinuluyan namin. Mabuti na lang at hindi kami nagmistulang basang sisiw. Oh well, ako hindi. Pero si Sven iyong damit niya parang nilabhan at mapipiga mo na ang tubig. Kaya naman heto ako ngayon, nakasiksik sa bintana at nakabalot ng kumot kahit pa hindi naman ako ganoon kabasa.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
Fiction généraleWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...