21
Mabilis na lumipas ang ilang araw, samantalang parang noong isang araw lang ay magkasama kami ni Sven na namimili ng gitara na siya mismong ipagreregalo ko sa kanya. Maghapon ko siyang hindi nakausap. Siguro dahil sa sobrang abala niya sa pag aayos para sa Birthday niya.
Ngayong araw na kasi ang kaarawan ni Sven. Kaya maging ako ay abala. nagpasadya ako ng malaking kahon para sa gitara at saka iyon pinabalutan ng kulay asul na gift wrapper, since iyon ang favorite color niya. Muli akong umikot sa harap ng salamin habang suot ang kulay puting bestida. Alas- kwatro ng hapon ang simula ng kanyang Party. Sinulyapan ko ang alarm clock na nasa tabi ng higaan ko. labing limang minuto bago sumapit ang eksaktong oras.
Nagspray ako ng pabango bago tuluyang lumabas ng silid habang bitbit ang kahon ng regalo at ang aking sling bag.
Sinalubong ako ng makulimlim na paligid at may kalakasang hangin. Mukhang hindi pa yata makikisama ang panahon ngayon. Huminto ako sa tapat ng Dorm pasumandali at inayos ang sling bag ko, at akmang muling hahakbang nang bigla na lamang may humintong isang Mistubishi Red Eclipse sa harap ko mismo. Nagsalubong ang aking kilay ng makilala ang kotse.
Anong gingawa ni Sven--
"Silk?" gulat na ani ko ng lumabas si Silk mula sa driver side ng kotse.
Nakangiti siyang lumabas ng kotse at bihis na bihis din gaya ko.
"Hi! Sven is kinda busy so he really can fetch you. Kaya I volunteer to fetch you instead."
Hindi ako nakaimik.
Tipid na lamang akong napangiti at tumango sa kanya. Kahit gusto sanang tanggihan siya hindi ko magawa. After all, he's still Sven's older Brother. Tahimik akong sumakay sa kotse habang siya naman ay nilagay sa backseat ang dala kong malaking regalo.
"Seat-belt please." Nakangiti parin na baling niya sa akin.
Tumalima naman agad ako sa kanya at sinuot ang seatbelt saka maayos na umupo at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Pinakiramdaman ko ang sarili, bahagya ang lagabog ng aking dibdib. Iniisip ko kung anong mangyayari sa oras na aminin namin sa lahat ang tungkol sa amin. Lalong lalo na kay Anee. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya. Nakakaramdam ako ng takot, pero tama kasi sila. Hindi pwedeng palaging ganito. Hindi pwedeng palagi kaming nagtatago.
---------------------------------------
Hindi pa karamihan ang mga bisita ng makarating kami sa Bahay ng Parents nila. Doon kasi gaganapin ang Party ni Sven, dahil mga relatives at kaibigan lang naman niya ang mga imbitado sa kanyang kaarawan.
Kusa na akong bumaba mula sa kotse ni Silk, at hindi na siya inantay pang pagbuksan ako ng pinto. Ako na rin ang kumuha ng regalo at agad iyon binitbit. Ngunit agad din akong napatigil sa paglalakad ng maalala na hindi nga pala dapat makita ni Sven itong regalo ko. Muli kong binaba ang kahon at sinandal sa kotse, luminga linga ako sa paligid habang naglalakad papunta sa Main Door.
"Hindi mo dadalhin iyong regalo mo?" Kinalabit ako ni Silk, na nasa likod pa rin pala at nakasunod sa akin.
"Ahh. Surprise kasi iyon, hindi ko pwedeng ipakita sa kanya."
"I can help you, doon mo ilagay sa kwarto ko." ngumiti na naman siya sa akin.
Natigil ako paglalakad at nilingon siya. Sa kwarto niya?
"Alexaaaa."
Bahagya akong napapitlag ng bigla na lamang may tumawag sa aking pangalan. Paglingon ko ay sinalubong ako ng nang-aasar na ngiti ni Trek. When an idea popped on my mind. Patakbo akong lumapit sa kanya at hinatak siya patungo sa kotse ni Silk.
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...