23Why can't I hold you in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
'Cause I'm you---Kinansela ko ang tawag at muling ibinalik ang cellphone sa aking bulsa.
Simula ng makaalis ako kina Anee hanggang ngayon, Lunes ng umaga ay hindi ko pa rin kinocontact si Sven. Ni hindi ako nagrereply sa mga text niya. Halos lahat ng tawag niya ay kinakansela ko. Mabuti na lamang talaga at hindi pa siya bumabalik sa klase, ang pagkakaalam ko kasi ay may Family Trip sila mula ng linggo hanggang sa miyerkules, part two daw ng Birthday Celebration niya but this time ay para na lamang sa buong pamilya niya.
Panigurado mahaba-habang usapan at pasensiya na naman ang kakailanganin ko, kung narito siya sa bansa ngayon.
Bahagya akong napaigtad ng muli kong maramdaman ang pag vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Agad na dumako ang tingin ko sa bakanteng upuan kung saan nakaupo si Anee. Hindi siya pumasok ngayong araw na ito. Lalo lang tuloy akong nakaramdam ng bigat sa aking dibdib.
Knowing that I'm the reason why Anee is hurting right now.
-----------------
Maingay ang buong Cafeteria habang mag-isa akong nakaupo sa sulok na bahagi at kumakain ng aking pananghalian. Akala ko wala ng isasakit pa ang ulo ko, ngunit meron pa pala. Kung kanina si Anee at Sven ang inaalala ko, ngayon dumagdag pa si Silk at ang Tito niya na nagtatanong kung kailan ako may available na araw upang mapag usapan namin ang pgsisimula ng training ko sa kanila.
Hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin. Kung anong uunahin kong problemahin.
Tumigil ako sa ginagawa sa aking plato ng mapansing halos maubos ko na ang mangkok ng soup, at nagmistulang lumalangoy na ang kanin sa aking pinggan samantalang wala pa naman iyong kabawas-bawas.
Nawalan na ako ng gana kumain.
"So, why are you ignoring my Best friend?"
Gulat akong napasinghap ng bigla na lamang sumulpot si Trek sa aking harapan.
"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot ng ganyan?" sinapo ko ang aking dibdib.
"So?"
"Anong so?"
"I'm asking you hoy, why are you ignoring my best friend?" kinuha niya ang orange juice ko at ininom iyon.
"Anong sinasabi mo?" Nag iwas ako ng tingin. Kahit pa alam ko naman kung anong sinasabi niya talaga.
"Aba on denial ka pa ha?" tumigil siya sa paginom at dumukot sa kanyang bulsa, saka niya iwinasiwas ang cellphone habang todo ngisi sa akin. "Kanina pa ako pinepeste ni Sven, telling me to check you out since you're not answering any of his calls or texts."
Sukol na ako.
Napapabuntong hiningang umiling-iling ako at sumandal sa upuan.
"So why are you avoiding my friend? Saka why you look so gloomy, sa hitsura mo ngayon eh mukhang pasan mo ang problema ng buong mundo. Dapat masaya ka diba?"
"Hindi mo alam kung gaano kahirap na makitang nasasaktan ang kaibigan mo, para sa inyong dalawa ng Boyfriend mo. I love Sven, I really do. But I love Anee too. She's almost a sister to me, but look what I've done? Ako yung dahilan kung bakit siya nahihirapan, kung bakit siya nasasaktan. So now tell me, paano ako magiging masaya kung alam kong may nasasaktan ako, worst is, Best friend ko pa."
Mariin akong napapikit upang pigilan ang luha. Umaahon ang bigat sa aking dibdib, pakiramdam ko sinasakal ako ng halo-halong emosyon.
"Makakapag move on din yung kaibigan mo. Tho, sinabi niya bang iwasan si Sven? Or rather iwan mo si Sven? Did she also said na mapapatawad ka lang niya kung hihiwalayan mo at iiwan ang kaibigan ko?"
BINABASA MO ANG
Sven's Eponine
General FictionWARNING R18 "Kahit ngayon lang, ipaglaban mo naman ako. Ako naman ang piliin mo. Coz I'm getting tired being your second option, I'm getting tired being your second choice." They only wished to be loved. But destiny loves to twist every person's li...