Napatingin ako sa taong iyon at nakita si sir Khyle kaya namilog ang mata ko at mas lalong kinabahan, what if totoo nga sinabi ni Perry na ililigpit o papatayin ako nito.
"Finally nahanap rin kita"sabi nya sinipa ko ang tuhod nya dahilan para mabitawan nya ako at tumakbo na agad ako nang mabitawan nya ako,
"Hey!"sigaw nya at sinusubukang makatayo pero hindi na nya kaya dahil sa lakas ng impact nang pagkasipa ko sa tuhod nya.
Nang makalayo na ako ay bumuntong hininga akong napatigil muna sa paglalakad para magpahinga nang may biglang humigit sa akin sa gilid, sisigaw na sana ako nang mamukhaan ang humigit sa akin at tinakpan nya ang bibig ko.
"Nasaan ang kapatid ko? Nasaan si Khyle? Alam mo ba kung nasaan sya?"tanong ni sir Dylan sabay alis na ng kamay nya sa bibig ko,
"Oo nandoon yung bwisit mong kapatid sa may labasan nitong bukiran, hinigit nya ako tapos ipapasok nya ako sa kotse, adik ba yun? Ba't ako kikidnapin no'n?"tanong ko sabay buntong hininga,
"Tara sumama ka sa akin"pag higit nya sa akin papunta sa kotse nya samantalang ako ay nagpupumiglas,
"Hoy! Bitawan mo 'ko o sisigaw ako ditong kinikidnap mo ko?!"singhal ko at tiningnan nya ako nang masama,
"Subukan mo, makikita ka ng pamilya mo sa bukiran na walang buhay pag sinubukan mong sumigaw"sabi nya at nanahimik na lang ako, nagdadasal sa loob ko na sana okay lang ako at wala silang gagawing masama sa akin.
Inuwi nya ako sa isang malaking mansion, hinigit papasok sa isang kwarto at iniupo nya ako doon.
"Anong gagawin mo sir Dylan?"tanong kong takot na takot nang biglang may pumasok at ang apat na Monte Casa Brother iyon,
"Kakausapin ka namin tungkol sa ginawa mo"sabi ni sir Jordan na tila galit na,
"Paano mo nagawang sagot- sagutin kaming apat sa harap ng maraming tao? Wala ka bang respeto?"sabi ni sir Skyler,
"Kayo ba naman na hindi irespeto ang flower shop, malamang sasagutin ko kayo kase nagta-trabaho kami ng marangal tapos tatawanan nyo lang kami?"pag taas ko ng kilay sa kanila,
"Pakawalan nyo na nga ako! Napaka demonyo nyo talagang lima e"singhal ko at nakatingin ng masama sa kanila,
"Tell me your name first before we let you go" paglapit ni sir Khyle ng mukha nya sa akin ay tinaasan ko sya ng kilay,
"Uhm my name is....
Hindi ko na tinuloy dahil sinipa ko sya sa may private part nya at kumaripas ng takbo palabas ng mansion at agad tumakbo palabas ng subdivision para mag abang ng sasakyan pauwi sa bahay ko.
Napabuntong hininga ako at napapikit na humawak sa dibdib ko, nakakapagod kasama ang limang iyon, walang kasing demonyo.
Ayoko sabihin ang pangalan ko dahil malamang sa malamang ay hu- huntingin ako ng mga iyon o pwede pa ako no'n ipapatay.
Kinabukasan ay nakatulala ako sa shop namin habang inaayos ang mga bulaklak, magbubukas na naman kami at paniguradong babalik ang limang iyon para demonyohin na naman ako.
Tinatanong ko rin ang sarili ko kagabi na bakit ko ba ginawa iyon? Nailapit ko lang tuloy ang sarili ko sa kapahamakan sa ginawa ko.
"Uy teh, ba't ka tulala dyan? Ngayon ka lang nagkaganyan huh, may nangyari ba sa nanay mo na masama?"tanong ni perry at hinataw ko sa kanya ang rose na hawak ko,
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...