Everything with him feels alright, lagi akong nare-relieve pagkasama ko sya, yung tipong hindi ko nararamdaman ang problema ko sa pagbubuntis pag kasama ko sya dahil sya ang nagiging pahinga ko,
Lagi syang romantic sa akin, ramdam ko ang kilig dahil sa mga simpleng preparation nya katulad ng date namin ngayon, a picnic date, ay hindi pala 'to date, pasyal lang 'to.
Naglatag sya ng carpet, inilagay nya ang basket namin na puno ng prutas at pagkain namin, hinubad nya ang sapatos nya maging ang akin ay hinubad nga para comfortable kaming makagalaw galaw,
Inalalayan nya ako sa pag upo sa carpet at pinagbalatan nya agad ako ng orange at isa isa nya iyong sinubo sa akin, natatawa pa sya dahil naasiman pa ako,
Inenjoy lang namin ang maghapon namin dito sa bukiran nya, sa kanya itong malawak na ito, mas kita ang sunset dito maging ang hangin ay napakasarap damhin, binili daw nya ito nung 18 years old sya dahil gusto daw nya na may pahingaan sya at mahangin na lugar kung saan makakapag isip sya ng payapa.
"Alam mo ba na habang hinahanap kita at nung nawala ka, dumadaan ako dito para ayusin ang sarili ko for you" sabi nyang nakangiti, inakbayan nya at humarap kami sa sunset,
Habang nanonood kami doon ay tumingin ako sa kanya, napapangiti pa ako kada naalala ko na sinabi ko sa sarili ko na never akong magkakagusto sa kanya pero parang nade- develop na ako, pinipigilan ko lang dahil hindi kami matagal magkakasama dahil pwede syang umalis anytime, ikinatatakot ko na baka masaktan ako,
"Kailan mo kaya ako magugustuhan, avina?"tanong nya out of nowhere kaya nautal utal na ako at tila hindi makapag salita sa biglaan nyang tanong, muntikan na kase nya akong makitang nakatitig sa kanya kaya buti nakaiwas agad ako,
"Bakit mo naman iyan tinatanong?" Tanong ko,
"Para kung mahal mo na ako, mag stay na lang ako dito at hindi na kita aalisan"sabi nya at napatingin ako sa kanya,
"Gagawin mo iyon? Gago ka ba? Pangarap mo tapos iiwan mo para sa akin?"tawa kong tanong, natigil na lang ako sa pagtawa nang makita ko na seryoso sya,
"Oo naman, mas matimbang ang pagmamahal ko sayo keysa sa pagmamahal ko sa pangarap ko"sabi nya, "kaya kong isakripisyo lahat para sayo at para hindi lang kita masaktan"
"Paano pag sinabi kong hindi kita mahal?"tanong ko, indenial si ate dahil takot sa commitment.
Ang hirap para sa akin na tanggapin na nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya dahil sa takot ako sa commitment, takot din ako maiwan at maloko dahil alam ko na sa una lang kami masaya pero baka pagdating ng matagal na kami sa isang relasyon ay baka iwanan na nya ako.
Ganoon naman diba ang relasyon? Sa una ka lang pakikiligin pero sa huli at pagsawa na sya sayo ay paiiyakin ka na nya unless the guy na may gusto sayo ay sincere sayo at gustong gusto ka talaga, hindi mangyayari ang pinago- overthink mo na iiwan ka nyan.
Sabi nga nila, once na ang lalaki na ang naghahabol sayo at nakikita mong sincere sya sayo ay hindi ka na nyan iiwan.
"Edi tutuloy ako sa ibang bansa para abutin ang pangarap ko, babalik din ako sayo para mas patunayan pa na mahal talaga kita at walang biro lahat ng ito"sabi nyang nakangiti sabay hawak sa kamay ko, "papatunayan ko talaga sayo na mahal na mahal kita sa pamamagitan ng pag uwi ko mula sa ibang bansa na may achievements, lahat ng achievements kong iyon ay iaalay ko sayo"
"Bakit sa akin?"
"Kase ganoon ka ka-special sa akin, mahal kita at ikaw ang inspirasyon ko" sabi nya, napangiti pa ako.
"Anong gagawin ko? Nahuhulog na ako kay khyle?"tanong ko kay perry at azalea, nakatambay kami ngayon sa may starbucks dahil inaya kami ni lea dito para may small talks.
"Ano ka ba 'teh, tatay naman sya ng anak mo kaya bakit ayaw mo bang mahulog sa kanya?"tanong ni perry,
"Oo nga naman, tutal magkasama na kayo, pwede mo ng sabihin sa kanya ang nararamdaman mo"sabi ni azalea,
"Hindi nga pwede, pag nalaman nyang mahal ko sya, hindi daw sya aalis papuntang ibang bansa at mag stay lang daw sya sa tabi ko para hindi daw ako masaktan"sabi ko at pumalakpak ang dalawa na para bang nagkakasundo,
"Nako, halata si kuya mo na kasing kulay ng damo!"sabi ni perry at nagsalubong ang kilay ko,
"Kulay ng damo?"tanong ko,
"Green flag, ayun ang tawag natin diba sa mga k-drama actor na green flag diba? Ayan na ang real life lee min ho mo!"sabi ni perry at natigilan ako,
Green flag ba talaga sya o sa una lang?
Mataas ang trust issue ko dahil alam ko at naniniwala ako na ang mga nasa television na green flag ay hindi mga totoo.
"Hi!"
Tumingin ako sa may pinto ng starbucks at nakita si khyle na dumating,
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko at napatingin sya kay perry at azalea na parang nag aalinlangan,
"A-ay, nakaistorbo ba ako sa usapan nyo?"tanong ni khyle, "sorry, may importante kase akong sasabihin kaya sinundan kita dito"
"Uh ano ba yun?"tanong ko,
"Bukas na daw yung flight ko papuntang china sabi ni dad" pagkasabi nya no'n ay nakaramdam agad ako ng sakit at kirot sa puso, parang nararamdaman kong gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.
"B-ba't parang ang bilis?"tanong ko at bumuntong hininga siya,
"Gusto ni dad na mabilis ang paglipad namin papunta doon para maasikaso daw agad ang papeles ko para madali daw akong makapag register dito sa pilipinas sa politika"sabi ni khyle, napabuntong hininga ako at napahawak sa puso ko habang pinipigilan ang pag luha,
"Sobrang bilis naman ata"sabi ni lea,
"Yeah, pero desisyon iyon ng dad ko, magagalit iyon kung hindi agad ako susunod sa gusto nya at plano nya dahil pangarap ko iyon, sinusuportahan nya lang ako"sabi niya sabay tingin sa akin, "can i take you out for the last time, avina?
Hindi ako makapagsalita dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa biglaan nyang sinabi, sabi mo avina, hindi mo sya gusto at wala ka dapat ma-develop na feelings for him pero bakit ka nasasaktan ngayon?
Bakit parang gusto mo syang pigilan sa pag alis? Bakit parang ayaw mo syang mawalay sayo?
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko sya mahal at hindi ko dapat sya mahalin, dinikta ko na iyon sa sarili ko pero bakit parang nagdesisyon mag isa ang puso ko na mahalin si khyle?
Heto ang ayaw ko e, magkaroon ng feelings sa kanya dahil alam kong masasaktan lang ako sa huli, baka maapektuhan pa ang baby naming dalawa kung made- depress o malulungkot ako sa paglayo nya sa akin.
__________________________
_______________
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/355980509-288-k690554.jpg)
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...