17

7.9K 184 13
                                    


Pag uwi namin agad ni dylan ay natigil ako nang makita si ezekielle na may kasamang babae sa sofa, nanonood sila ng movie habang magkaakbay.





Kung hindi ko lang nasasabi sa inyo na simula nang makilala ko ang lima, nagkagusto ako kay ezekielle dahil sa kanilang lima, sya ang may less kalokohan, akala ko nung araw na binigyan nya ako ng black card ay may gusto na sya sa akin pero wala pala, sadyang gusto lang pala nyang bumawi sa akin.







"Ano ba, babe"pagtawa ng babae dahil inaamoy amoy ni ezekielle ang kilikili nya,







Habang nakatitig ako sa kanila ay nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin,







"Nagjajalosi?"





Si skyler iyon, bumuntong hininga ako at itinulak sya,





"Anong jalosi ka dyan, tumigil ka nga" pag tulak ko sa kanya at natawa sya,





"I know you like him"sabi nya at umirap ako,





"May aayusin po kase ako sa living room kaso nga ayoko naman po iinterupt ang bebe time nila ng girlfriend nya kaya nakatingin lang po ako dito, inaantay silang matapos"pag lusot ko at natawa sya,






"Talaga ba?"





"Kung nandito ka lang para tarantaduhin ako, lumayas ka na baka mapikon pa ako at ibasag ko 'tong katabi kong vase sa ulo mo"gigil kong sambit at natawa sya.






Nandito ako ngayon sa may labas ng mansion nila, nakaupo at nakatingin lang sa langit, nagmumuni muni.





"Bakit ka ba nagseselos? Wala ka namang karapatan para magselos, crush mo lang sya at wala ng iba tapos nagseselos ka dyan? Baliw ka ba?" Pakikipag usap ko sa sarili ko na tila nababaliw na,






"Selos? Kanino?"




Umangat ang tingin ko at nakita ko na si khyle iyon, tumabi sya sa akin at tumingin pa,




"Wala"



"Sinabi ni skyler na you like ezekielle" sabi nito at namilog ang mata kong tumingin sa kanya,





"Huy! Hindi! Ano lang kase.... may celebrity crush lang ako then may girlfriend na sya so ayun nagselos ako" pag depensa ko, natawa sya at bumuntong hininga sya,




"Sino?"tanong nya, "tapos sino girlfriend no'n?"



"Uh...



Hindi ako makaisip kase si ezekielle at yung girlfriend nya ang nasa isip ko, wala din akong kilalang artista o celebrity crush ko na may girlfriend na,




"Uh, leonardo dicaprio?"di ko sure na sabi, bumulwak sya sa tawa at napahawak pa sa tyan nya,




"Matagal na syang may girlfriend, huwag mo akong lokohin dahil alam kong nagseselos ka dahil hindi ka makapaniwala na may girlfriend na si ezekielle"sabi nya at napairap ako,



"Hindi ako nagseselos, tandaan mo iyan---




"Talaga ba? Obvious masyado"sabi nyang nakangisi,



"Tangina mo, masyado kang desisyon" gigil kong sambit sabay tayo para pumasok na sa loob ng mansion, "bahala ka dyan!"



Habang papasok sa loob ay nakasalubong ko si ezekielle kasama ang jowa nya,



Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon