29

5.7K 131 6
                                        


Pagkatapos ng round one ay lumapit sa akin si skyler at kinuha ang tumbler,

"Nandito ka pala brad, hindi mo naman sa akin sinabi"sabi ni skyler at nakita ko ang tingin sa kanya ni khyle na walang expression,



"Nandito ako para bantayan si avina, wala kase akong tiwala sa mga tao dito" sabi ni khyle at tumingin ako sa kanya,


"Ayos naman ako dito khyle, dapat inasikaso mo na ang trabaho mo" sabi ko at tumingin sya sa akin,

"Mas importante ka keysa sa trabaho ko"sabi nya,



"Paano naman?"



"Mababalikan ko pa yung trabaho pero pag nawala ka na at nakapili ka na sa aming apat, hindi na kita mababalikan, hindi ko na maipapakita sayo ang pagmamahal ko"sabi nya at natigilan ako,




"Kuya, napaka-drama mo"sabi ni skyler at natawa si khyle,



"Napaka-drama, ikaw nga itong lumuhod sa kanya kagabi dahil sa ayaw nya lang na sumama sa laro mo" sabi ni khyle at nagmake face si skyler.


Nag simula na ang round 2, napalakpak ako kada makakapuntos ang team ni skyler, nasigaw pa ako para mag cheer sa kanila.



"Cheer mo din yung kapatid mo"pag kulbit ko kay khyle nang hindi natingin sa kanya,



"Ang ganda nga ng laro nila e"sabi nya na walang reaksyon, dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita kong nakatitig sya sa aking nakangiti,




"Ang ganda ng laro pero sa akin ka nakatingin?"tawa kong sabi, "parang sira e"





Maya maya ay nakita ko na syang naluluhang nakatitig sa akin kaya nagsalubong ang kilay ko at natawa,




"Kanina nabanat ka pa tapos bigla ka ng naluha dyan?"tawa kong sabi at bumuntong hininga sya,




"Nag iisip ako kung magmamahal pa ulit ako pag binasted mo ako at hindi ako yung pinili mo sa aming lima"



"H-huh?"







3 points for monte casa







Napatingin ako sa mga naglalaro at nakita ko si skyler na naka-shoot, tumingin sya sa akin at kinindatan nya ako.







"Ano nga ulit yung sasabihin mo khyle?"balik kong tanong kay khyle at bumuntong hininga syang umiling,




"W-wala"





"Oh hi khyle!"




Napaangat ang tingin ko sa may harapan ko nang may makita akong babaeng ang katawan ay parang super model, napakaganda nya, mukhang pang hollywood star ang itsura nya.






"Oh, arcel"bati ni khyle, tumayo si khyle at nagbeso silang dalawa, hawak pa nya ito sa may likod nito,





"How are you? Long time no see, khyle"sabi ng babae sabay ayos nya sa kwelyo ni khyle, "you look hot"







"Thank you---





"Can i ask you out? Let's meet at my bar"sabi ng babae habang ako ay nakatulala lang at nakatingin sa kanilang dalawa, nakikinig sa usapan nila.







Ibinitaw ni khyle ang babae sa kanya at bumuntong hininga sya, inayos nya ang buhok nya at nakita ko pa ang paglunok nya,





"What do you mean? You want to date me again?"tanong ni khyle at natawa ang babae,






Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon