43

5.7K 136 11
                                        





Doon ko na-realize na masakit pala para sa akin na aalis si khyle lalo na at maiiwan nya kami ng anak nya, napaka sakit kase gusto ko man sya pigilan para sabihin na ang totoo sa kanya pero may pumipigil sa akin na huwag akong magsabi sa kanya dahil maapektuhan ko lang ang pangarap nya,







"Okay ka lang ba, avina?"tanong nya, nabalik ako sa katinuan at tumangong may pilit na ngiti,






Nasa may balcony kami nagdate, sabi ko kase na ayoko sa kahit anumang lugar kundi sa may balcony ng condo nya para memorable, doon sya naglatag ng mahabang carpet, inilagay nya doon ang maliit na lamesa, nilagyan nya ng mga petals at nagluto sya ng mga pagkain,





I like his effort, talagang hindi ka madi- disappoint dahil ang date namin lagi ay ineeffort-an nya at hindi sya naasa sa kahit ano man, sya nagluluto ng para sa date namin kahit afford nya namang umorder sa mamahaling restaurant, sya nag ayos lahat dito sa balcony kahit afford naman nya ng taong mag aayos for our balcony date at sya lagi ang nag iisip ng topic pag magkasama kami para hindi daw ako maboring. Lahat ng iyon ay effort nya kaya sinong hindi mahuhulog sa tulad nya?





Sabi nya sa akin at ipinangako daw nya sa sarili nya na pag nagkagusto daw sya sa isang babae, mage- effort daw sya, hindi daw sya aasa sa kahit na anong professional for date para mapaganda lang ang date nila,



Gusto daw nya kase ay bukal sa puso nya ang ginagawa nya at sa pagpe- prepare nya, gusto nya sya daw ang magplano at gumawa ng date nila at ito na daw iyon, ako ang special na babae na willing syang mag effort. I am that girl.

Nagustuhan ko din sya sa paraan nya nang pakikipag communicate nya sa akin, mapagkumbaba sya sa lahat ng bagay, nagustuhan ko din ang araw araw nyang pagsalubong sa akin ng yakap with bouqet of flowers, nagustuhan ko din sa kanya ang pagiging masipag nya sa mga chores dito sa condo, at mas nagustuhan ko ang pag iintay nya sa akin na magustuhan sya pabalik,







But i think.... saka ko lang iyon masasabi sa kanya pag balik nya dito mula sa china.







"Iiyak ka kaya pag umalis ako ng pilipinas?"tanong nya habang naghihiwa ng steak,






"Siguro?"sagot ko na tila hindi sigurado,  umangat ang tingin nya sa akin at bumuntong hininga,






"Kung iiyak ka sa pag alis ko at ang pag alis ko ang magca- cause sayo ng depression? Hindi na lang ako aalis kase hindi ko kakayanin kung makikita kitang iiyak"sabi nya, natigilan ako.






"Khyle naman, hindi lahat ng bagay o nangyayari sa akin ay magiging dahilan mo ng pag tigil mo at pag atras mo sa mga pangarap at plano mo" sabi ko,






"Ganoon kita kamahal, lahat kaya kong isakripisyo para hindi lang kita makitang kawawa, lahat lahat para hindi kita masaktan"sabi nya at doon tumulo ang luha,







"Hindi kita mahal"tanging nasambit ko,



Isa iyon sa way para makaalis na sya ng pinas at hindi na nya itigil ang pangarap nya dahil kung malalaman nyang mahal ko sya, baka hindi nya matuloy ang pangarap nya.






"Seryoso ka ba?"tanong nya habang may nakakunot na noo, "hindi mo ba ako kayang mahalin?"








"Diba? Kaya hindi mo deserve ng babaeng katulad ko khyle, hindi ka kayang mahalin kahit anong gawin mo kaya huwag mong sayangin ang pangarap mo para sa akin!"singhal ko, nakatulala sya,






Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon