13

9.2K 205 10
                                        

Hinatid ko na sila sa kwarto nila, ihahatid ko na din si ezekielle sa kwarto nya nang bigla nya akong sinukahan, namilog ang mata ko habang sya ay napahilot sa noo nya,




"Sayang ang ininom kong alak, fuck" sabi nya,




"Tarantado ka ba? Mas nang hinayang ka pa sa alak keysa sa akin na sinukahan mo?!"singhal ko,






"Bakit ka ba kase nandito? Nasuka tuloy ako"sabi nya sabay tawa,





"So kasalanan ko pa?"




"Yes, nasuka ako kase mukha ka kaseng toilet"pag tawa nya at hinigit ko ang tenga nya papasok sa kwarto at iniupo ko na sya sa kama nya,





"Humiga ka na dyan, matulog ka na kase pag hindi ka pa natulog? Susuntukin ko mukha mo hanggang sa makatulog ka"sabi ko sabay labas na ng kwarto nya,





Bumuntong hininga ako at napa-walling na lang tuloy ako sa sobrang pagod na pagod na akong sumaway sa limang anak ng presidente. Sa limang monte casa.




"Hindi ka naman ba napapagod kakabantay at kakasaway sa limang iyon?"tanong ni mama, dumalaw ako sa kanila ni papa sa bahay, nasa trabaho naman ang lima kaya may time ako para dumalaw kina mama.



"Hindi po"

"Kung napapagod ka na anak at hindi mo na kayang paamuhin ang lima, pwede namang umatras ka na lang sa trabaho mong iyan at bumalik na lang tayo sa dati nating buhay keysa naman ganyan, lagi kang pagod kakasaway sa lima"sabi ni papa at bumuntong hininga akong hinawakan ang kamay nilang dalawa,



"Hindi po ako napapagod dahil alam ko po at ang nasa isip ko po ay kayo, never po akong mapapagod"sabi ko, "gagawin ko po lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay"





Nag bonding lang kami nina mama at papa, kumain ng sabay at nagkwentuhan. Natigil lang ang bonding namin nang may kumatok sa pinto, tumayo ako para buksan iyon.




Napaangat na lang ang tingin ko at nagulat nang makita na si skyler iyon,




"S-skyler?"utal kong tanong, "bakit ka nandito?"





"Para sunduin ka atsaka gusto ko din makilala ang parents mo para pag may ginawa kang kalokohan, alam ko kung kanino ako magsusumbong"sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay,





"Hayop ka rin 'no? Ako? Gagawa ng kalokohan? Ikaw nga itong puro kalokohan at isa sa taong nagiging dahilan para makapag isip ako ng masama"sabi ko at napatingin sya sa likod ko kung saan nandon sina mama at papa na nakaupo sa sofa,







"Hi mommy, hi dad"sabi nya at namilog ang mata ko,




"Anong mommy at daddy?"





"Inadvance ko na kase alam ko na in the future, magiging magulang ko rin sila"sambit nyang nakangisi at natawa ako,





"Mukha mo!"






Pumasok sya sa bahay, nagmano sa sya sa mga magulang ko at tumabi sa kanila,





"Ikaw ba ang isa sa anak ng presidente?"tanong ni mama at tumango si skyler,





Bakit parang ang bait bait nya nung kaharap nya ang magulang ko pero pag ako lang ang kasama nya mamaya, dedemonyohin ako nyan.





"Yes po"




Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon