25

6.4K 146 3
                                    


"I-ikaw ang boss ko?"tanong ko, ibinaba nya ang helmet nya sa may sofa at lumapit sa akin,


"Ayaw mo ba?"tanong nya at dahan dahan akong umalis sa desk nya dahil palapit sya doon,


"Monte casa na naman? Tangina naman, bakit laging kayo ang nagiging boss ko kung saan ako pumunta?!" Inis kong sambit sabay buntong hininga,


"Give me your requirements"sabi nya at binigay ko iyon sa kanya, binasa nya iyon at nakita ko ang pag ngiti nya, "ang cute mo dito sa ID picture mo, kahit pala noon, maganda ka na"


"Edi sana pina-billboard mo"inis kong sambit habang nakakrus ang braso, "pwede bang mag resign na ako khyle? Hahanap na ako ng bagong trabaho---



"Huwag mo ng subukan dahil lahat ng companies at bakanteng trabaho dito sa manila ay sinabihan ko na pag may avina maven mariano na nag apply sa kanila ay wag na nilang tanggapin para sa akin pa din ang uwi mo"sabi nyang nakangisi,



"Khyle, ayoko mag trabaho sa inyo dahil nagugulo lang ang buhay ko maging ang buhay nyong lima pag nasa paligid nyo pa din ako"sabi ko, "kaya magre-resign na ako, madami namang nag apply kaya pumili ka na lang sa kanila"




"Pero wala ng makakapantay sa pagiging better mo, you are better than anyone"sabi nya at inirapan ko sya,



"Ang dami dami mong ebas, ipabill board mo na lang iyang mga ganyang sinasabi mo, ako'y nakakaramdam ng cringe"sabi ko at natawa sya.






"Maghahanap na ako ng trabaho sa ibang company"sabi ko at natigil ako sa sinabi nya,



"Hindi ka ba talaga naniniwala sa sinabi kong kaya kong sabihin sa lahat ng company na huwag ka nilang tanggapin para dito pa rin uwi mo?" Tanong nya, dahan dahan akong napalingon sa kanya at bumuntong hininga ako,




"Bakit mo naman gagawin iyon?---



"Para makasama ka"pag putol nya sa sinabi ko at natigilan ako, "kung ikaw ang magiging secretary ko, paniguradong laging mawawala ang pagod ko dahil ikaw ang magiging pahinga ko"




"Ang lamig lamig dito, ang luwag pa ng office mo na pwede kang humiga anywhere, makakapag pahinga ka na no'n"sabi ko at aalis na,




"Ikaw na nga lang ang nagsisilbing ilaw sa madilim kong mundo tapos aalis ka pa?"tanong nya, "lalayo ka pa at iiwasan mo pa ako?"




Napalingon ako at nagsalubong ang kilay ko,




"Khyle, wala akong panahon sa mga banat banat mo kaya tigilan mo na ako please, maghahanap na ako ng trabaho ko dahil mauubos ang maghapon ko kung magstay pa ako dito"sabi ko sabay labas ng office, natigil ako sa may pinto nang bigla akong natapilok na naman,






"Ang kulit kase e"sabi ni khyle na sumunod pala sa akin, binuhat nya ako at ibinalik nya ako sa office nya,




"Ano ba! Bitawan mo ako!"




Sinarado nya ang pinto ng office nya habang ako ay buhat buhat pa din nya,




"Bitawan mo na ako! Ibaba mo na ako!" Pag wawala ko, "tulong! Iyong boss nyo may saltik na naman!"





"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo tinatanggap ang trabaho mo bilang secretary ko"sabi nya habang buhat buhat pa din ako,




"Anong purpose ng pag alis ko sa mansion nyo kung magiging boss din naman pala kita?! Huh?!"singhal ko at natawa sya,





"Edi hindi kita ibaba, maghapon kitang buhat buhat"sabi nya at nagpupumiglas ako pero dahil nga mas malaki sya sa akin ay hindi ko makayanan,




"Oo na! Tatanggapin ko na yung trabaho na maging secretary mo, ibaba mo na ako!"sabi ko at binaba nya ako, nakita ko ang ngiti nya at nag krus sya ng braso,





"Ganda naman ng secretary ko"ngisi nyang sabi at tinaasan ko sya ng kilay,





"Maganda talaga ako kaya huwag mo ng ipagkalat pa"sabi ko sabay buntong hininga,




"So, bukas pwede ka na mag start bilang asaw--- secretary ko pala"sabi nya at napairap ako,




"Badtrip na buhay 'to oh"pag dabog ko habang palabas ng company, inis na inis dahil isa na naman sa monte casa ang boss ko, tumakas na nga ako sa isang monte casa tapos nag ending ulit ako sa isang monte casa.






Naglalakad ako sa daan na pagewang gewang na sa sobrang sakit na ng paa ko dahil sa heels, wala naman kase akong pamasahe pauwi kaya naglalakad na lang ako, si perry ang nanlibre sa akin ng pamasahe tapos iniwan pa nya ako kaya maglalakad na lang ako pauwi,





"Avina?"


Napalingon ako at nakita si dylan na kakababa lang ng sports car nya, nakasuot sya ng polo na light blue, naka-maong short na puti at naka shades, parang may pinuntahan si koya kaya ang pogi.






"Dylan?"pag tigil ko sa paglakad,






"Anong ginagawa mo dito?"tanong nya,




"Naghahanap ng trabaho, thankfully, nakahanap naman kaso ang problema, isa sa kapatid mo ang boss ko"sabi ko na parang nanghihinayang,





"Coincidence"sabi nyang nakangisi habang nakahawak sa hips nya,






"Hindi coincidence, sinabi ng kapatid mo sa lahat ng company at branches na may bakanteng trabaho na hindi ako tanggapin kaya no choice ako kundi tanggapin na lang yung trabaho na inalok nya keysa sa wala ako"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,






"Sino sa mga kapatid ko ang gumawa no'n?"tawa nyang sabi, "ang kilala kong ganoon ka-powerful para gawin iyon ay si khyle, maraming hawak na company at branches si khyle e"








"Ayun nga, sya nga. Demonyo din pala iyon 'no?"sabi ko, "sige na, uuwi na ako--





"Wait! Hatid na kita para hindi ka na maglakad, natawa nga ako sa lakad mo, pagewang gewang"tawa nya at tinaasan ko sya ng kilay at hinambaan ng kaltok,






"Tarantado ka din e 'no?! Lakas ng loob mong asarin ako?! Badtrip ako ngayon kaya huwag kang mang asar dyan"sabi ko at naglakad na, hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay nangalay na ako at tila matutumba na ako sa sobrang sakit ng paa ko kaya napahawak ako sa poste,







"Ang kulit naman kase"sabi ni Dylan at napasigaw ako nang buhatin nya ako, "sign iyan na kailangan mo ng magpahatid sa akin"





Ipinasok nya ako sa kotse nya at agad syang nagdrive pauwi sa bahay ko.






"Pag hindi kase sanay sa heels, huwag ng pilitin. Naghe-heels pa, hindi naman tumangkad"sabi nya habang nagda- drive,





"Anong sabi mo?!"





"Tanggapin mo na kinulang ka sa paglaklak ng cherifer"pagtawa nya at binatukan ko sya,




"Gago ka ah! Kilalanin mo binabangga mo"inis kong sambit at narinig ko pa ang tawa nya,





"Pag binangga mo ako, hindi kita makikita agad, kailangan ko pang yumuko para makita ka"pag tawa nya at hinigit ko ang buhok nya,






"Tarantado ka talaga! Pinupuno mo ba ako?"





"Oo, cute mo kase pag nagalit"pag kindat nya sa akin.




_____________________
__________________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon