"Tired ka na?"tawang tanong ni khyle habang nag aayos na kami ng gamit namin dahil awasan na,
"Medj?"pagtawa kong sagot,
"Want mo punta tayong bar para makapag chill? Nainom ka ba?" Tanong nya,
"Oo, lagi ko ngang kainuman si perry pag may time ako pero nung nagkaroon na ako ng trabaho sa inyo, hindi na ako masyadong nainom,"sagot ko,
"May time ka ba para samahan akong mag chillax? Sa bar tayo ni ezekielle, pampatanggal lang ng stress natin" sabi nya,
"May trabaho pa tayong aasikasuhin bukas, may trabaho pa tayo na kailangan puntahan bukas, baka hindi tayo magising agad"sabi ko,
"Promise, hindi ako magpapakalasing lalo na at kasama kita, baka mamaya mabangga tayo sa pagmamaneho kung magpapakalasing ako"sabi nya,
"Sige, pero unti lang ang iinumin ko, yung pampaantok lang"sabi kong nakangiti, inimis na namin lahat ng gamit nya at kinuha na nya ang bag na dala ko.
Naglakad na kami palabas ng company nya, naglalakad na kami papunta sa parking lot nang maramdaman ko ang paghawak nya sa wrist ko, tumigil ako sa paglalakad at nagsalubong ang kilay ko,
"Bakit? May problema ba?"tanong ko,
"Mukhang nahihirapan ka sa heels mo, you can borrow my shoes muna at ako na muna ang magsusuot nyan"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko bago natawa,
"A-ano? Seryoso ka ba?"tanong ko at wala syang reaksyon na tumango,
"Palit tayo, bakit? Ayaw mo ba?"tanong nya at napabuntong hininga akong natigilan,
Napapanood ko lang noon ang ganitong eksena sa mga teleserye o k- drama tapos mangyayari sa buhay ko? I don't know pero sobra namang nakakakilig ito, pina-billboard na ako tapos magpapalit pa kami ng sapin sa paa? Omg eto ata magiging cause of death ko.
Ibinaba nya ang bag na bitbit nya at lumuhod sya sa harapan ko para tanggalin nang dahan dahan ang heels ko, nakakahiya sa mga tao dito dahil hinihilot pa nya ang paa ko bago nya isuot ang sapatos nya sa akin,
"Sure ka ba khyle?"tanong ko at umangat ang tingin nya sa akin,
"Yes, keysa naman sa mahirapan ka" sabi nya at ngumiti ako,
My God, hindi ko masyadong keri iyong ganito, para kaming nasa k-drama ang peg, hindi ko nga alam kung kikiligin ba ako o iiyak sa sobrang saya at overwhelming na nararamdaman sa nangyayari ngayon.
Isinuot nya sa akin ang sapatos nya, malaki iyon sa paa ko kaya ginawan nya ng paraan, hinubad nya ang medyas nya at isinuksok nya yun sa space ng sapatos nya para hindi maluwang, umangat ang tingin nya sa akin bago tumayong bumuntong hininga,
"Is everything okay na ba, avina?" Tanong nya at nakatulala akong tumango,
Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla namang bumuhos ang ulan,
"Oh fuck!"sabi nya at agad pinulot ang bag at ang heels ko, hindi na nya iyon isinuot dahil nagmamadali na kaming pumunta sa parking lot kung saan nandoon ang kotse nya, agad nya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse nya para makapasok ako agad at sumunod naman sya.
Bumuntong hininga kaming dalawang pumasok sa kotse at nagtinginan bago natawa sa isa't isa, napasandal na lang kami sa upuan at napangiti sa isa't isa,

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...