Pag uwi namin ni dylan ay nakasalubong namin si ezekielle na tila ba wala sa mood anh itsura nya, nauna sa loob si dylan habang ako ay tumigil at sinundan sya,
"Kiel!"
Lumingon sya at nagsalubong ang kilay,
"If you need anything, ask my brother, nagmamadali ako"sabi nya at papasok sa kotse nya nang pigilan ko sya,
"Gusto ko lang magsorry"sabi ko at tinaasan nya ako ng kilay,
"For what? Wala kang kasalanan at yung break up namin ng girlfriend ko, it is not your fault, ako ang nagdesisyon na hiwalayan nya"sabi nya, "tabi at nagmamadali ako"
Tumabi ako at nagmaneho na sya agad, sinundan ng tingin ko ang pag alis nya at napalunok,
Hindi ko kasalanan pero parang galit sya,
"Avi?"
Lumingon ako at nakita si khyle,
"Kanina pa kita hinahanap dahil may ibibigay ako sayo tapos nandito ka lang pala"sabi nya, "are you okay?"
"Oo, nakokonsensya ako kase parang feeling ko galit pa sa akin si ezekielle kase naghiwalay sila ng girlfriend nya" sabi ko at lumapit sya sa akin, hinawakan nya ang isa kong kamay at inangat nya ang chin ko para maiharap nya ako sa kanya,
"Look at me avina"sabi nya, "everything is fine, don't overthink and hindi mo kailangan makonsensya, lahat ng nangyari ay desisyon ni ezekielle, huwag mong problemahin ang bagay na hindi mo naman kasalanan"
"Hindi sila maghihiwalay kung hindi ako nag exist, pang gulo ako sa relasyon nila dahil kahit alam ko ng may jowa si ezekielle ay pinilit ko pa din na iadmire sya kahit hindi naman na pwede"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,
"Shush! That is not the reason kung bakit sila nagbreak, may lamat na talaga ang relasyon nila dahil sa attitude ng girlfriend ni kiel at wala ka dong kasalanan, hindi ka isa sa mga rason kung bakit sila nag break" sabi nya, "okay? Huwag ka ng mag alala dahil ayos lang ang lahat, lahat ng nangyayaring gulo dito sa mansion ay hindi mo kasalanan"
Niyakap nya ako at nakita ko si jordan na nakangiting nakasandal sa may gate habang nakatingin sa aming dalawa ni khyle.
Kinabukasan ay may trabaho ako kay khyle bilang secretary nya, nag aayos sya ng mga papeles na kailangan ipadala sa fourth floor ng building nya habang ako ay chinecheck ang email nya kung may nagpadala ng appointment or may schedule sya for meeting,
"Gusto mo bang tulungan kita para mag organize ng papeles? Marunong ako dyan"sabi ko,
"Huwag na, kung wala ka naman ng gagawin, just sit there and relax" sabi nya, "alam kong pagod ka na pabalik balik sa elevator sa pagdeliver ng mga papeles"
"Ako? Pagod? Nako khyle hindi, marami pa akong energy kaya gora pa ako, tulungan na kita dyan dahil alam kong pagod ka na. Yesterday ka pa walang tulog at pahinga gawa ng galing ka sa isa mong trabaho kaya ako na dyan" sabi ko at umangat ang tingin nya sa akin sabay ngiti,
"Sure ka ba?"tanong nya at tumango ako,
"Secretary mo ako kaya parte ng responsibilidad ko ang maging katuwang mo sa mga responsibility mo"sabi ko at ngumiti sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/355980509-288-k690554.jpg)
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...