01

32.6K 462 47
                                    

" 'Sensya na po ma huh, tumal po ng benta ko ngayon"sabi ko habang inaabot ang kita ko kay mama na ngayo'y ubo nang ubo.




"Ayos lang anak, dapat nga hindi ka na nga nagta-trabaho e kase hindi mo naman yun responsibilidad na buhayin kami ng papa mo"sabi ni mama, tumabi ako sa kanya at sumandal sa balikat nya,



"Ma naman, hangga't kaya ng katawan kong magtrabaho, gagawin ko basta't mabigyan ko lang po kayo ng magandang buhay"sabi ko, "hayaan nyo na po akong magtrabaho dahil nage- enjoy naman po ako"




"Pero alam kong nahihirapan ka rin Avi"sabi ni mama at umiling ako,




"Hindi po nagiging mahirap ang trabaho kung may inspirasyon ka sa bawat galaw mo, kung nage-enjoy ka, hindi iyon magiging mahirap sayo na kaharapin ang mabibigat na trabaho sa pang araw araw na buhay mo"sabi kong nakangiti sabay hawak sa pisngi ni mama, "kaya ma, huwag ka na pong mag alala kase kaya ko po, hangga't malakas at buhay na buhay po ako, patuloy ko po kayong pagsisilbihan ni papa hanggang sa mabigyan ko po kayo ng magandang buhay na deserve nyo po"



"Sheesh! Ganda mo ngayon Avi ah"



Napairap na lang ako nang marinig na naman iyon galing sa bunganga ng magbobote na laging nang uuto sa akin.




"Nako Mackey, tigil tigilan mo nga ako, alam ko naman na matagal na akong maganda, no need na ipagduldulan mo"pag irap ko at natawa naman ang ka- trabaho ko dito na si Perry, gay sya and napaka bait nya kaya sya ang pinaka close ko dito sa flower shop,




"Accla, ang assumera mo"pag tawa nito kaya bumuntong hininga ako,





"Libre naman mangarap Perry, aba dapat taasan ko na"pag awra ko pa dahilan para matawa sila pareho ni Mackey.



"Avi, hindi mo na kailangan pang mangarap na maganda dahil matagal ka naman ng maganda asawa ko" pag kindat ni Mackey kaya napangiwi ako, sabay kuha ng panungkit sa likod ni Perry at ihahambang ihahampas kay Mackey,




"Bad trip na nga ako dahil ang liit ng kita ko tapos dumadagdag ka pa sa dahilan ng ikakabadtrip ko bwisit ka!" Singhal ko at natawa syang tumakbo na sa takot sa hamba ko na ihampas sa kanya ang panungkit.





"Oy guys! Pupunta ang limang anak ng presidente! Maghanda kayo dahil bibili dito ang mga iyon!"sigaw na parang excited ng may ari ng flower shop at namilog ang mata namin ni Perry sabay tili at nagtatalon.




"O my god Avi! Makikita na natin ang Monte Casa Brother!"tili ni Perry at pumalakpak ako sa tuwa,




"Ang lowkey nila, ang humble kase sa lahat ng flower shop na pwede nilang bilhan ay sa atin pa, ang dami naman dyan na mamahaling flower shop pero sa atin pa!"pag tili ko, "i wonder na mabait ang limang iyon"



"Ay nako, for sure 'teh! Hindi naman bibili iyong mga iyon sa cheap na flower shop natin kung hindi mga mababait at humble"



"Oy Perry! Anong cheap na flower shop?"tanong ng amo namin at napakamot si Perry sa ulo nya at may nahihiyang ngiti,




"Ay sorry Madam! Peace, Peace, Peace"




Inayos namin ang mga paninda namin para nakakaakit tingnan at magandang tingnan sa mga mata ng Monte Casa Brother.




"Uy excited na akong mameet si Skyler!" Tili ni Perry at ngumiti ako habang inaamoy amoy ang yellow roses sabay buntong hininga,



"Lalo naman ako! Ang pogi pogi ni Skyler sa picture paano pa kaya pag nakita na natin sya sa personal?" Pag tili ko at nagtatalon kami ni Perry sa tuwa at kilig,

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon