27

5.8K 136 8
                                    

"Avina! Labas ka dyan please!"

"Hindi pwede! Nanahimik ang anak ko mga monte casa kaya huwag nyo na syang guluhin pa, pakiusap"rinig kong sabi ni papa na tila nakikiusap,


"Gagawin po namin ang lahat tito, huwag nyo lang pong itago sa amin si avina"rinig kong sabi ni skyler, "magbabago po kami, hindi na po kami gagawa ng kalokohan, huwag nyo lang pong itago sa amin si avina"




Nandito lang ako sa may sala at hindi nalabas, nakaupo sa may sofa at sinusulyapan lang sila sa may bintana, agad akong lumabas at natigil sila,



"Avina, please? Promise, magbabago na kami huwag mo lang kaming layuan" sabi ni dylan, tumingin sa akin si mama at papa na parang nag aantay ng sagot ko,




"Hayaan mo kaming ipakita sayo ang pagbabago namin"sabi ni jordan,




"Sige, ipakita nyo sa akin na talagang magbabago kayo"sabi kong nakangiti at ngumiti sila.




Dahil doon ay nagpatuloy ako sa pagta- trabaho bilang secretary ni khyle at bilang yaya ulit o taga bantay nila sa mansion para makita ko ang pagbabago nila,




Nandito ako ngayon sa may mansion nila at nagluluto ng pagkain nila,


"Avina, ako na dyan"pag angkin ni ezekielle ng ginagawa ko, napatitig ako sa kanya at hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil nabihag na naman nya ang puso ko,




Parang nagslowmotion ang mundo ko pag nakikita ko sya at nararamdaman ang presensya ko,




"Babe!"

Napalingon kaming dalawa at nakita ang girlfriend ni ezekielle,

"Uh avina, bantayan mo muna baka masunog e"sabi ni ezekielle sabay lapit na sa girlfriend nya, sinalubong nya ito ng halik at yakap na mas ikinalungkot ko.




Patuloy lang akong nakatingin sa kanila habang hinahalo ang pagkain nang hindi ko namalayang palapit na ang kamay ko sa apoy kaya ako napaso,


"Aray!"



Pagkadaing ko ay agad tumakbo ang apat palapit sa akin, si skyler ay nasa kwarto nya pero ang bilis ng pandinig nya na halos tumalon na sya mula sa itaas papunta dito, si khyle at jordan ay nasa garden na bigla na lang tumakbo papasok dito at si dylan na busy sa loptop sa living room ay tumakbo papunta dito.



Nakapaligid sila sa akin at nakaawang lang ang labi ko, nakatingin ako sa kanila dahil lahat sila ay hawak hawak ang isa kong kamay na napaso.


Sumulyap ako kay ezekielle at nasa girlfriend nya ay nakatingin lang dito sa may amin,


"Ayos ka lang ba avina?"tanong ni dylan at dahan dahan akong tumango, kinuha ni khyle ang kamay ko at hinipan nya ang napaso kong kamay,




"Next time, be careful okay?"tanong nya at dahan dahan akong tumango,



"Pahinga ka na avina, ako na dito"sabi ni jordan,


"A-ako na dya---


"Huwag ng makulit, napaso ka na nga ang kulit kulit mo pa, isabit kita sa sampayan"sabi ni skyler at tinaasan ko sya ng kilay, "hindi, ang akin lang naman ay dapat magpahinga ka na lang"





Nandito kami sa living room at ginagamot ni khyle ang sugat ko, si dylan kase at si skyler ay may trabaho online kaya si khyle na lang ang gumamot sa akin.




Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon