Hindi man lang ako sinagot ng lima kaya no choice ako kundi hilamusan na lang ito,
"Tangina talaga ng mga iyon, permanent pa na marker ang pinandrawing"gigil kong sambit habang gitil na gitil na nag hihilamos at tinatanggal ang drawing sa mukha ko,
Habang nag hihilamos ay may kumatok, inayos ko muna ang sarili ko bago buksan iyon, si ate martina pala.
"May kailangan ka ba, ate?" Tanong ko at bumuntong hininga sya,
"Huwag mong sasabihin sa lima huh na ako nagsabi kung sino ang salarin sa t*te na nakadrawing sa mukha mo" pabulong nyang sambit at nagsalubong ang kilay ko,
"Go lang, spill the tea para maisahan ko ng sapak iyon"sabi ko at bumuntong hininga sya,
"Si sir skyler, nakita ko syang pumasok sa loob ng kwarto mo, may hawak na marker"sabi nya at namilog ang mata ko kasabay ng pag awang ng labi ko,
"Gago din pala iyon"pag bulong ko, "sige, salamat talaga ate martina"
Pag sarado ko ng pinto ng banyo ay bumuntong hininga akong pumikit at ngumisi,
"Talagang sinasagad nyong lima ang pasensya ko huh, walang reklamuhan pag gumanti ako"pag ngisi ko.
Paglabas ko ng bathroom ay nakita ko ang lima sa harapan ko na patawa tawa,
"May bakat pa ng d*ck"pagtawa ni sir khyle at tinaasan ko sya ng kilay,
"Akala nyo ba nakakatawa kayo?" Tanong ko at nagtinginan silang lahat bago tumawa,
"No, normal na 'to sa aming monte casa"sagot ni sir jordan at nag make face ako,
"Siguro nagkulang kayo sa buwan kaya kayo ganyan, mga abnormal"sabi ko,
"Hey! Anong abnormal? Anak kami ng presidente at hindi kung sino lang" sabi ni sir ezekielle at tumawa ako kaya nagsalubong ang kilay nila,
"May anak ba ng presidente na nagdrawing ng t*te sa mukha?" Tanong ko, "bwisit kayo, ako'y naiinis sa kung sino man ang gumawa no'n sa akin"
"Mainis ka well" sabi ni sir skyler,
"Malas ng daddy nyo sa inyo, nanganak asawa nya ng limang kampo ni satanas"sabi ko at napairap na lalampasan sila ng higitin ulit ako ni sir khyle,
"Anong kampo ni satanas? Ulitin mo nga sinabi mo kundi---
"Ano?"tanong ko sabay bitaw sa kapit nya, "suntukin mo nga ako kung kaya mo, gago ka rin 'no? Mas malala ka pa sa mga kapatid mo"
Agad ko silang nilampasan, sa paglilinis dahil walang magawa ay napunta ako sa bodega nila at may nakita akong sandamakmak na pintura doon, napangisi akong kinuha iyon at ngumiti.
"What if i take this as a revenge?"
Khyle POV
"How can we defeat her?"tanong ni skyler habang nasa iisang room kaming lima,
"Palayasin nyo na lang kaya, tutal hindi natin kaya iyon at mas malakas pa iyon keysa sa atin"sagot ni jordan,
"No way, palayasin? Nakailang beses na tayong palayas at suhol ng pera sa kanya pero never namang naalis at hindi umaatras"singit ni ezekielle,

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...