22

7.7K 162 17
                                    

"Isa ka ba sa manliligaw ng anak ko?" Singit ni mama at napakamot sa ulo si jordan,



"Hindi ka ba nahihiya sa magulang ni avina at ganyan ang suot mo?"tanong ni khyle at natawa si jordan,



"Bakit ako mahihiya e mahal ko si avina? Sabi nga ni dad, gawin mo lahat para makuha ang matamis na oo ng mahal mo"sabi ni Jordan, "tabi"



Umayos sila ng formation ng mga backup dancer nya,

"Okay guys, 1, 2, 3 play"

Tumugtog ang whoops kiri by vice ganda sa speaker nila, bumwelo pa si Jordan at nagsimulang sumayaw na tila ba ang kilos nya ay parang babae.


Natatawa ang lahat ng tao dito, may nakita pa akong bumakat sa skirt nya sa front nya.


"Anong tinuro mo dyan? Tinuruan mo maging kengkong, anak pa naman iyan ng presidente"sabi ko at nakita ko naman ang mama at papa ko sa tabi ko na tawa nang tawa sa pagsayaw ni jordan,


"Sabi nya kase yung matutuwa ka kaya ayan"sabi ni perry na natatawa,



"Hindi bagay, napaka masculine nya para mag ganyan sya"pag tawa ko,

"Ganda naman ng pagkaka-make up ko sa kanya"sabi ni perry at tinulak ko sya nang pabiro.


"Lakas ng tama mo, ginawa mong kengkong si jordan"pagtawa ko habang hinahampas hampas si perry, nakita ko naman si khyle na naka-make face sa tabi,


"Kuya, puro ka kahihiyan"



Nagte-twerk pa sya dahilan para bumuga ako kakatawa, hindi ko na kayang pigilan kaya pinaghahampas ko si perry sa sobrang tawang tawa ako.

Natigil na rin sya sa wakas, pawisan pa sya at hingal na hingal.

"How's my performance? Darling?" Tanong nya sa akin,

"Nako may kulang"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya, pumasok ako ng bahay at kinuha ang heels ko.

"Here, kulang ang outfit mo kung wala kang heels"sabi kong nakangisi at natigilan sya,


"Sure ka ba na ipapasuot mo sa akin iyan?"tanong nya,


"Hay sayang naman ang performance mo kung makukulangan ako"pag nguso ko at ibabalik ko na ang heels sa loob nang pigilan ako ni jordan,

"Wait, i can dance with that high heels, give me that"sabi nya at napangiti akong ibinigay iyon sa kanya.

Tinulungan sya ni perry sa pagsusuot no'n at nagsimula ulit silang sumayaw, doon ko na ibinuga ang tawa ko dahil natatapilok pa sya,



Dahil nga lalaki sya, nakabukaka sya habang nasayaw at suot ang high heels, sa huli ay natumba na sya at hingal na hinga na nakahawak sa ulo,



"Bakit ka ba kase nasayaw pa ng nakaganyan?"tanong ko nang matulungan ko sya sa pagtayo,



"Effective naman diba? Napatawa kita?"nakangiti nyang sambit at nakangiti akong umirap,



"Napatawa mo ako kase mukha kang kengkong, magbihis ka na nga baka mamaya ma-videohan ka pa ng mga tao dito at makita pa ng dad mo na ginawa kang kengkong ng bestfriend ko, makasuhan pa sya"pag tawa ko,



"Don't worry, alam ni dad itong harana serye naming magkakapatid"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,



"Magkakapatid? So?----



Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon