14

9.2K 205 8
                                        


Pag gising ko ng umaga, inimis ko na muna ang kwarto ko, pag bukas ng kwarto ay nagulat ako nang makita kong mag bouqet na bulaklak sa lapag.


Pinulot ko iyon at binasa ang nakadikit na sticky notes sa gilid no'n,


Goodmorning:)

Saktong lalakad na ako nang makasalubong ko si skyler na galing sa kwarto nya at mukhang bago pang gising dahil gulo gulo ang buhok,




"Salamat sa bulaklak"sabi kong nakangiti, ineexpect ko na sya ang nag bigay no'n o naglapag nito dahil sa kanilang lima, sya lang ang alam kong may gusto sa akin.





"Sorry, hindi ako ang nagbigay nyan sayo"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,




"Sino?"



"Goodmorning"

Napatingin ako sa may hagdanan at nakita si khyle na papaakyat papunta sa akin,





"Kilala mo ba kung sino naglagay nito sa lapag?"tanong ko at bumuntong hininga sya,




"Ako, piece offering ko kase masyado ata kitang naabala nung lasing ako, kung ano ano ata nasabi ko no'n sayo kaya ayan, binilhan kita ng bulaklak" sabi nya,



"Dapat inipon mo na lang ang pera mo keysa igastos mo para sa akin, mapapatawad naman agad kita basta marinig ko lang na sincere ka sa sorry mo"sabi kong nakangiti at bumuntong hininga sya,




"I don't think that sorry is enough sa mga ginawa kong kalokohan sayo" sabi nya at natawa akong bumuntong hininga,




"Napaka-laking impact na akin ng salitang sorry, ayos na ako sa isang sorry dahil ang diyos nga nagpapatawad ako pa kaya na ordinaryong tao lang?"tanong ko, "basta alam ko at ramdam ko na sincere ka sa pagso-sorry mo sa mga ginawa mo, okay na okay na tayo"




"Avina!"

Napatingin ulit ako sa bandang hagdanan nang makita si jordan na papaakyat, may dalang tray ng pagkain.




"For you, i cook all of these para lang sayo"sabi nyang nakangiting inabot ang tray ng pagkain at nagsalubong ang kilay ko,



"Ayos lang ba kayo guys? May mga sakit ba kayo kase bigla kayong bumait" gulat na sambit ko, natutuwa ako na parang bumait sila pero may duda pa rin ako na baka mamaya ay set up lang lahat ng ito lalo na't magaling sa kalokohan ang mga ito.





"Nabawi lang kami sa mga ginawa namin sayo"sagot ni jordan,



"Hindi, para kaseng may mali"sabi ko at natawa silang dalawa ni khyle,



"Wala kaming sakit at never kaming magkakasakit lalo na pag ikaw ang nagbabantay sa amin"sabi ni jordan at nag make face ako,



"Dyan ka magaling, sa mga pick up line kaya lalo akong nagdududa na baka set up o isa na naman 'to sa mga kalokohan nyo"sabi ko at natawa sila.





Nasa duyan nila ako dito sa may garden, nakaupo para kamustahin si perry at ang magulang ko.



Tatawagan ko pa lang sila nang biglaang may nagpa-andar ng duyan, bumilis ang andar nito, pag sulyap ko kung sino tumutulak no'n ay tumaas na lang ang dugo ko nang makita na si ezekielle iyon,




"Sarap ko ba magtulak ng duyan?" Tawa nyang sabi na halatang nanti- trip, parang nagbago na ang apat pero parang sya ay hindi pa, may saltik talaga 'tong bwisit na ito.




Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon