Pagkaparada nya sa isang tabi sa beach ay tumambad sa amin ni dylan ang napaka-laking glass house, tumingin ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay,
"Ito ang rest house nyo?"tanong ko at tumango sya, "hala! Rest house nyo lang 'to? Ang laki laki naman"
"Pake mo ba? Ikaw ba nagpagawa nito para magreklamo ka?"pambabara nya sa akin, pagtapos nyang masabi iyon ay nauna syang maglakad na mas ikinagalit ko dahil naglakad sya nang hindi man lang nagso-sorry,
"Gago iyon, may saltik sa utak, may toyo, tarantado!"singhal ko, lumingon sya nang dahan dahan at lumapit sa akin,
"Oh! Anong gagawin mo?"tanong ko dahil papalapit sya sa akin, nagulat na lang ako nang bigla na lang nya akong buhatin papasok sa rest house nila. "Uy bitawan mo ako!"
"No! Dami dami mong sinasabi, nakakarindi ka na"
"Eh anong gagawin mo sa akin?"takot kong tanong,
"Kung pwede kitang ibitay gagawin ko" sabi nya at napaawang ang labi ko, nagpupumiglas at paiyak na dahil sa laki nya hindi ko kayang magpumiglas sa hawak nya,
"Tarantado ka! Bitawan mo ako! Gago! Tulong!"singhal ko.
Nang makapasok na kami sa rest house ay agad nya akong ibinaba sa sofa, inilock nya ang pinto at nagdire- diretsong akyat na parang walang nangyari,
"Baliw ba iyon?"tanong ko sabay buntong hiningang napasandal sa sofa, "sakit ng katawan ko, tangina no'n"
"Bakit mo ba kase ako sinama? Pwede namang yung mga guard mo na lang isama mo"sabi ko nang masundan sya sa pag akyat, naghahanap sya ngayon ng libro sa aparador na puno ng libro.
"Nagrereklamo na ang mga kuya ko kase ang ingay ingay mo, para kang sirang plaka!"singhal nya at namilog ang mata kong itinulak sya,
"Huwag mo akong masigaw-sigawan! Hindi mo ako anak para sermunan mo!"singhal ko at tinaasan nya ako nang kilay,
"Mas lalo namang hindi mo kami anak para sigawan mo at sawayin mo, how dare you to do that?"
"It is your father want me to do kapalit ng pagbibigay nya ng magandang buhay sa magulang ko"sabi ko, "ano palag? Hindi ka pala makapalag, tarantado ka!---
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla nya akong halikan, namilog ang mata ko, uminit ang pisngi ko at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa ginawa nya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nasa ganito akong sitwasyon, parang kahapon lang nanonood ako ng k-drama na ganito ang eksena kung saan habang nagsasalita si female lead ay hahalikan sya bigla ni male lead. Totoo ba 'to?
Tumigil na sya sa paghalik sa akin, kita ko ang ngisi sa kanyang mukha habang nakatuon ang kanang kamay nya sa aparador.
"Am i good kisser?"tanong nya, hindi ako makasagot dahil hindi ko talaga ineexpect iyon.
"Uh..uh...
"Ano? Palag?"tanong nya na patawa tawa bago bumaba dala ang libro.
Nandito pa rin ako, nakatigil at hinahawakan ang labi. Ang lambot lambot ng labi nya at first time ko ang mahalikan.
"Avina, move on ka na muna sa halik ko, mag dinner na muna tayo sa restaurant"sabi nya mula sa ibaba, halos mahimatay ako sa ginawa nya, hindi nga ako maka move on dahil first time ko iyon.

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...