"Sige"
Nag impake sya agad, may condo daw sya na talagang magiging comfortable ako, doon na daw muna kami mag stay pansamantala.
Hindi ko naman sya mahal pero nasasaktan ako pag lagi kong iniisip na lalayuan ko sya at itatago na may anak kami, na may nabuo kaming dalawa.
Sinamahan din ako ni azalea sa may bahay nila na kunin lahat ng gamit ko papunta sa condo ni khyle,
"Sure ka ba na sasama ka kay khyle?" Tanong nya, "sure ka ba na magstay ka kay khyle? Baka masaktan ka lang dahil aalisan ka din nya"
"Gagawin ko lang naman 'to para hindi nya mahalata na may nabuo kaming dalawa"sabi ko, "pag lalo akong umiwas, baka magduda sya"
"You can tell him naman e---
"Hindi pwede, ayokong makasira ng future nya, malalaman din nya ang totoo pero hindi pa ngayon, hindi pa ngayong may pangarap sya na kailangan nyang abutin at iyon ay ang maging politician"sabi ko, "ayokong maging hadlang sa mga pangarap nya at sa pangarap ng daddy nya para sa kanya, wala naman ako sa tabi nya nung sinisimulan na nya ang path nya kaya wala akong karapatan na humadlang"
"Kung iniisip mo ang pangarap nya, paano naman yung kaisa isa mong pangarap na makalipad ng amerika para doon magtrabaho bilang chef?" tanong niya at bumuntong hininga akong napayuko at natigil sa pag iimpake, "sayang ang culinary arts degree mo kung hindi mo maabot ang pangarap mo"
Nakapagtapos ako ng culinary arts, nag apply na ako ng trabaho dito sa pilipinas pero hindi ako matanggap- tanggap lalo na at laging puno ang mga trabaho dito, hinuhusgahan din ako dahil nga sa estado ng buhay ko kaya isa iyon sa factor kung bakit ako hindi natuloy sa chef career ko.
Sumubok na lang ako ng ibang trabaho dahil kung patuloy ako sa paghahanap ng ma-applayan ko ay mas lalo kaming lulubog sa utang at hindi ako makakabili ng gamot nila mama at papa kung ipagpapatuloy ko ang hangad kong mag apply nang walang katapusan bilang chef. Inaasam kong makapunta na lang ng amerika para mas maraming opportunities kaya naman napilitan akong mag trabaho muna sa iba para magkaroon ng kita, para sa gamot ni mama at papa at doon ko din isinisingit ang pag iipon ko.
Doon na ako nag apply sa may flower shop, doon ko nakilala ang mga tunay na kaibigan at iyon ay si perry at mackey na laging nasa tabi ko sa lahat ng laban ko, doon din nag simula ang pagkuha sa akin ng presidente bilang tagabantay ng limang monte casa. Habang nasa monte casa ako ay palihim akong nag iipon para sa paglipad ko papuntang amerika.
Lahat ng plano ko at pangarap ko ay si azalea lang ang nakakaalam dahil sya lang ang madalas kong nakakausap, kay perry din, sinasabi ko din sa kanya dahil napagkakatiwalaan ko sya sa pagtatago ng sikreto.
"Pwede ko naman na isaka iyon, pwede ko namang kalimutan na muna iyon lalo na at nagdadalang tao ako"sabi ko sabay himas sa tyan ko, naluluha ako dahil iniisip ko din ang pangarap ko pero nasira na,
Pwede naman siguro pa akong bumalik ulit sa umpisa diba? Atleast, magiging masaya ako na makikita si khyle na naabot ang pangarap nya, ang pangarap ng daddy nya sa kanya. Mas magiging masaya ako na makita syang may maipagmamalaki na sa daddy nya.
Saktong paglabas ko ay nakita ko syang kababa lang ng kotse nya, ngumiti sya at kinuha ang maleta ko,
"Thank you talaga avina sa pagpayag mo na mag stay ka"sabi nya, "k- kahit alam kong wala ka talagang feelings para sa akin ay nag stay ka pa din"
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...