"Is everything alright?"
Napalingon ako at nakita si khyle na kakagising lang, bumitaw ako sa yakap kay jordan at pinunasan ang luha ko,
"Anong mayroon guys? Kuya? Avi?" Tanong nya at kinusot pa ang mata, "may something na ba sa inyo na hindi nyo sinasabi?"
"W-wala, tumigil na ako ng panliligaw kay avina"sabi ni jordan at nagsalubong ang kilay ni khyle,
"Bakit?"
"Alam ko naman kase sa sarili ko na hindi na wala na akong pag asa, mas okay na yung tumigil na ako keysa ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa bagay na wala naman akong pag asa" sabi ni jordan, "sige, alis na ako, may trabaho pa ako"
Umalis bigla si jordan, nagsalubong ang kilay ni khyle at parang hindi ma nagsi-sink in sa utak nya ang mga nangyayari dahil kakagising lang nya,
"What just happen? Wait, what the fuck is happening? Parang ang random naman"sabi nya at natawa ako,
"Alam mo? Matulog ka na kase, by the way tapos na ang papeles mo!" Sabi kong nakangiti at bumuntong hininga sya kaya nagsalubong ang kilay ko,
"Tapos ko naman na, bakit parang may problema ka pa?"tanong ko,
"Sorry, nakatulog ako, ikaw tuloy itong stress"sabi nya at napairap ako nang pabiro,
"Hello? Secretary mo ako, ganon talaga ang trabaho ko. Okay na iyan atleast nakatulog ka"sabi kong nakangiti.
Jordan POV
Umalis na ako dahil hindi ko na kayang iexplain sa kanila lahat kung bakit ako nagback out, alam ko namang hindi ako better, kahit nga sa mata ni dad, hindi ako better paano pa kaya kay avina?
Hindi nya ako deserve, mas deserve nya ang better at hindi ako iyon.
Habang nagdrive ay patuloy pa sa pagtulo ang luha ko, panay punas ako doon dahil pinipilit kong pigilan iyon.
Nanginginig pa ang kamay ko sa sobrang sakit ng puso ko sa mga nangyari, okay na yung nauna na ako sa pag back out keysa si avina mismo ang mambasted sa akin, mas masasaktan lang ako, tinanggap ko naman na sa umpisa, kahit anong effort ko kung hindi naman ako boyfriend at husband material, wala ding mangyayari.
Pinilit kong magbago for her pero hindi ko kase talaga maramdaman na na- appreciate niya iyon, pinahihirapan ko lang masyado ang sarili ko lalo na't alam ko naman sa umpisa na wala na akong pag asa na masagot nya.
Ramdam ko naman na si khyle ang mas maraming puntos sa puso ni avina, hindi ko man lang sya nakita na yumakap sa akin ng sobrang saya.
Nasaksihan ko lahat ng sweetness nila, nung nasa edsa sila para tingnan ang billboard ay nandoon ako para tingnan din ang billboard pero hindi na ako lumabas ng kotse para hindi na sila abalahin.
Yung yakapan nila kahapon ay nakita ko din yun kaya doon ko napagtanto na mas bagay sila at mas deserve ni avina si khyle, dahil lahat naman ay na kay khyle na, ako lang itong lubog sa aming lima kaya umatras na ako.
Ako ang panganay pero ako itong walang maipagmamalaki kundi ang sarili kong bar at ang airport na galing naman sa daddy ko, naiinggit ako sa mga kapatid ko dahil buti pa sila, maayos sila at may success silang maipagmamalaki kay dad na galing iyon sa kanilang pagod, independent sila, ang traits na wala ako kaya umaatras agad ako.
Tumigil ako sa may bukiran, pinigtas ko ang couple bracelet namin ni avina at itinapon iyon sa malayo, mahal man iyon pero kung patuloy ko pa iyon isusuot, maalala ko lang sya.
Umuwi ako ng mansion namin at nakasalubong ako ni dylan, nagsalubong ang kilay nya kaya para hindi na sya magtanong ay pinunasan ko na ang luha ko.
"Are you okay, kuya?"tanong nya,
"Yes, kung may pupuntahan ka, you can use my car"sabi ko at lalampasan na sya nang pigilan nya ako,
"May problema ka ba?"tanong nya at napalunok ako,
"Wala, puyat lang ako dylan, sige na kung aalis ka, alis ka na"sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak nya sa wrist ko,
"Kuya!"
Hindi ko na sya pinansin at nagtuloy tuloy sa pag akyat sa room ko pero natigil ako dahil nakasalubong ko si ezekielle,
"Oh kuya, umiiyak ka ba?"tanong nya at umiling ako,
"Huwag nga kayong magulo, papahinga lang ako"sabi ko at narinig ko ang tawa ni skyler mula sa living room kaya tiningnan ko sya,
"Hula ko, nanguna-nguna ka na kay avina na bastedin ka 'no? Kaya ka siguro ganyan kase totoong hindi ka mahal ni avina"pagtawa nya at nagsalubong ang kilay ko,
"How'd you know?"tanong ko at natawa syang tumayo,
"Alam ko naman na sa buong buhay mo at sa dami ng babae na naging girlfriend mo, alam ko namang si avina lang ang iniiyakan mo, i heard you last night sa kwarto mo"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,
"Spill the tea, sky"sabi ni kiel,
"Sabi nya nagsisigaw, "hindi ba ako better for her? I don't want to fight my brothers because sa babae kase ako yung kuya nila, ako dapat magparaya" with much crying pa"sabi ni skyler at tinaasan ko sya ng kilay, "is ganon ka ba kaarte bro?"
"Ikaw ang maarte, nasa pilipinas na tayo hindi ka pa din marunong ng straight tagalog"sabi ko at natawa si ezekielle,
"Guys, ramdam ko si khyle na ang pipiliin ni avina, sobrang close nila lalo na pag seryosohang usapan"sabi ni ezekielle at bumuntong hininga ako,
"Yes, i notice that kaya nga sumuko na ako"sabi ko, "kaya ikaw skyler, sumuko ka na"
"Nako, ako susuko? No way mga kuya, hangga't hindi pa napili si avina at hangga't hindi nya ako binabasted, hindi ako titigil"sabi ko, "kase nafe- feel ko na iyang si kuya khyle, wala iyang pag asa, ramdam kong mahal ako ni avina, kawawa naman sya pag umatras ako tapos mahal pala nya ako, baka habulin nya ako"
"Mas kawawa ka kase grabe yung pagiging delusyonal mo, pag ikaw binasted ni avina, paniguradong iiyak ka"sabi kong natatawa at iniwan namin sya ni ezekielle sa ibaba na tulala.
_________________________
___________________
:)
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...