"Can i take you on a dance?" Tanong bigla ni khyle at natawa naman ako,
"Sayaw? Wala namang tugtog, parang ang weird naman natin tingnan dito sa may balcony"pagtawa ko,
"Who cares if mukha tayong weird? Atleast, ineenjoy natin ang ganda ng buwan nang magkasama tayo"sabi nya,
Tumayo ako, kinuha nya ang kamay ko at ipinwesto nya iyon sa may balikat nya, inilagay naman nya ang isa nyang kamay sa aking baywang at hinawakan nya ang kamay ko gamit pa ang isa pa nyang kamay,
"Close your eyes at damhin natin ang ganda at mahangin na gabi, let's imagine na may tumutugtog para hindi ka ma-bother sa mga taong nakatingin sa atin"sabi nya, dahan dahan kong ipinikit ang mata ko at napangiti.
Ramdam na ramdam ko ang kilig sa bawat steps namin sa pag sayaw, naririnig at nai-imagine ko pa ang kantang LIHIM by Arthur Miguel na mas lalong nagpaganado sa akin na sumayaw.
"Pangarap ko talaga 'to noon, ang mag sayaw ng special someone ko nang kaming dalawa lang under the moon" sabi nya at ramdam ko ang pag ngiti nya. "And thank you, tinupad mo iyon bago ako umalis dito sa pinas"
'Wag mong pigilan, hayaan mong kusa
Humawak ka sa 'kin, sundin ang damdamin
Oh, sumama ka sa 'kin, at tayo ayMas lalong bumilis ang pag sayaw naming dalawa, nakapikit pa din kami at damang dama namin ang spark na mayroon kami lalo na ang lamig ng gabi na mas nagpakilig ng gabi namin.
Sasayaw sa kulog at ulan, iikutin ang tala at buwan, habang tayo ay naliligaw, pakinggan ang puso at huwag ng bibitaw, kita naman sa liwanag ng buwan ang lihim na pagtingin, kailangan aaminin?
Patuloy lang kami sa pagsayaw, nakapikit pa din at walang pake sa mga tunog ng sasakyan, iniimagine ko na sinasayaw nya ako habang naulan.
Habang nakangiting nasayaw at nage- enjoy na ay bigla namang bumuhos ang ulan dahilan para mamulat kami at pumasok agad sa may condo nya, nag tinginan kaming dalawa dahil pareho kaming basa at imbes na magreklamo ay tinawanan pa ang isa't isa.
Pagtapos kong maligo ay nakita ko syang nakatitig lang sa may bintana ng condo nya, tinititigan ang pagpatak ng malakas na ulan.
Nakasuot na sya ngayon ng blue na pajama, tayo tayo pa ang buhok at halata pang hindi pa naliligo,
"Are you okay?"tanong ko at napatingin sya sa akin sabay ngiti,
"Yeah, hindi ko kase thing ang kiligin pero dahil sa nangyari kanina at sa pag sayaw natin, hindi ko makalimutan na tila ba kinikiliti ako sa kilig" sabi nya at natawa ako,
"Shuta! Nagpakilig ako ng monte casa" pagtawa ko,
"Kahit naman hindi tayo nasayaw o kahit natitig lang ako sayo, kinikilig na ako kaya matagal ka ng nagpakilig ng isa sa monte casa"sabi nyang nakangiti, "can you sit in my lap? Let's watch the rain together"
"Kailangan talaga sa lap uupo pag manonood ng ulan?"tanong ko,
"To make everything romantic" sabi nya, agad akong lumapit sa kanya at umupo sa lap nya, pagkaupo ko ay agad syang yumakap sa akin at inamoy pa nga nya ang kili kili ko dahilan para ako ay mapatayo,
"Buti na lang at nakaligo ako kundi maamoy mo yung kili kili ko na amoy bayabas"pagtawa ko at nagsalubong ang kilay nya,
"Smell guava?"tanong nya at nagmake face ako, "wala pa akong kili kiling naamoy na amoy guava, mayroon ba no'n? By flavor ng fruits ang amoy ng kili kili because of deodorant ba?"
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...