Naiuwi naman namin ang lima katulong ko ang mga guard nila na tinawagan ko sa phone ni sir jordan,
Nasa kanya kanya na silang kwarto, mga nakahilata na at dahil sa sobrang kalasingan ay kahit tanghali na ay tuloy pa rin sila,
Habang nagdidilig ng halaman ay may narinig akong nag doorbell, agad akong pumunta sa may gate at nakita ang matangkad na lalaking moreno, attractive, lumalaban ang tangos ng ilong at ang mata nya ay nag shining shimmering pa at ang makapal na kilay na pinapangarap ng lahat. Yung height nya ay 6.1ft dahil pag lapit ko sa kanya ay hanggang dibdib nya lang ako,
"Uh blessed morning"bati nya at nagsalubong ang kilay ko,
"Do you need anything, sir?"tanong ko at bumuntong hininga sya,
"Nandyan ba ang five monte casa brother?"tanong nya at tinaasan ko sya ng kilay,
"Sino ka po ba? Kaano ano ka po ba nila?"
"Kaibigan nila ako, anak ako ng senator"pag tawa nya at napaawang ang labi ko, "jersey villafuerte nga pala, miss ganda"
Natigil ako sa sinabi nyang miss ganda, sino ba naman hindi kikiligin sa lalaking ang gwapo, mabait at anak pa ng senator.
"Uh avina maven mariano po"sabi kong nakangiti, nakita ko ang spark sa mga mata nya na tila hindi maipaliwanag, nag kamayan kami at sinamahan ko na sya papunta sa loob ng mansion,
Umakyat sya para icheck ang lima at bumalik rin kalaunan, tumabi sya sa akin dito sa pagtayo sa likod ng sofa at tiningnan nya ulit ako dahilan para makaramdam ako ng awkwardness,
"They are sleeping pa, by the way avina, do you have boyfriend ba?"
"Wala, NO BOYFRIEND SINCE BIRTH because my priority is my family muna" sabi kong nakangiti, "oh kaya mo ba iyon sir? Straight english"
"Paano ka napunta dito sa mga monte casa?"
"Nag offer po sa akin yung daddy nila na maging taga bantay po ng mga monte casa kaya nandito po ako dahil inaccept ko na"sabi kong nakangiti,
"Tingin ko, hindi ka magtatagal sa limang iyan because they have a very bad attitude na walang makatiis even yung dati nilang taga bantay"sabi ni jersey at natawa ako sabay krus ng braso ko,
"Nako sir jersey, alam kong dito ako yayaman at once na naramdaman ko kung saan ako yayaman, talagang hindi ako nasuko kahit pa salbahe iyang limang iyan, kaya ko silang paamuhin at paluhudin"sabi kong nakangiti at natawa sya,
"I like your confident, huh?"
"Sinong paluluhudin mo?"
Napatalon ako sa malagong na boses na iyon na malapit ang boses sa likod ng tenga ko, napalingon ako at si sir dylan iyon,
"Kayo daw"singit ni jersey at nakipag fist bump kay dylan,
"Anong ginagawa ninyo ni avina at kayong dalawa lang ang nag uusap?" Tanong nito sabay tingin nang masama sa akin,
"Pake mo ba kung anong gawin namin? Tulog pa kayo kaya malamang ako ang chinichika ni sir jersey, alangang iignore ko sya, kapal naman ng mukha ko para hindi sya pansinin"sabi kong napairap at napatingin sya kay jersey,
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...