15

9.4K 196 17
                                        

Nandito lang sila perry at mackey sa may sofa, manghang mangha sa nakikita nila.



"Wait, pag timpla ko lang kayo ng juice" sambit ko at pupunta nang kusina nang pinigilan ako ni sir skyler,


"Maraming chef sa kitchen, sila na ang paglutuin mo ng merienda for your friends"sabi nya,


"Oh my god, may chef po kayo sa bahay nyo?"manghang tanong ni perry,



"Yes, tamad kase kami dito magluto minsan kaya may mga chef kami dito, kaya lang naman minsan si avina ang nagluluto kase mas masarap ang luto nya keysa sa mga chef namin" sagot ni dylan,




"Sabihin nyo gusto nyo lang akong pahirapan"sabi ko at ngumisi si jordan na pinantayan ang tangkad ko,




"Kung gusto ka namin pahirapan edi sana sinakay ka namin sa eroplano namin at itulak ka palabas nang walang kahit na ano"sabi nya at inirapan ko.






"Mas lalo kang gumanda avina simula nang mag trabaho ka dito" sambit ni mackey,


"No, matagal na syang maganda kahit nung sa flower shop pa sya nagta- trabaho"singit ni sir khyle at natigilan ako,


"Saan ba kase pinaglihi si avina, kahit saang anggulo mo tingnan ang ganda ganda pa din nya"dagdag pa ni sir jordan habang nakatitig sa akin,


"Nako, mackey, sa tingin mo nakaka blooming at nakakaganda magtrabaho dito, fully aircon nga pero para namang mga demonyo kasama mo"sambit ko sabay tingin sa lima na nakatayo lang sa harapan namin at nakangiting nakatitig sa akin.



"Kayo bang lima ay may gusto kay avina para tingnan nyo sya ng ganyan?"tanong bigla ni perry,



"Bawal bang i-admire kung gaano sya kaganda ngayong araw?"singit ni ezekielle at tinaasan ko sila ng kilay,



"Ako lang 'to, huwag nyo ako masyadong pakatitigan at baka matunaw ako, mawalan kayo ng avina" pagsakay ko sa biro at natawa kaming dalawa ni perry,




Habang nagke-kwentuhan ay biglang may nag doorbell, napatingin ako sa bintana at nakita na si sir jersey iyon, itinaas nya ang dala nyang bouqet nang matanaw nya ako sa may bintana.




"Uh wait lang, papakilala ko sa inyong dalawa si sir jersey"sabi ko kina mackey at perry, tumakbo ako papunta sa gate at sinalubong si sir jersey, sumunod silang lahat at nakita nila ang pagbigay nito sa akin ng bulaklak.





"Thank you po, pero para saan po ba ito?"tanong ko at ngumiti sya,



"Gusto kita idate, nandito ako para alamin kung ano ang sagot mo sa tanong ko kung pwede ba kita i-date" sabi nya, tumingin ako sa lima na ngayo'y walang reaksyon ang mga mukha,




"Uh... hindi ko pa po alam sir jersey" sabi ko at napayuko syang napalunok,



"I will wait for that"sabi nya, "basta, kung may sagot ka na sa tanong ko, sabihin mo lang sa akin"





Kinagabihan, hindi pa rin ako makatulog at iniisip ang magiging sagot  sa tanong ni sir jersey.


"Makikipag date ka ba? O tatanggihan mo,"tanong ko habang nakatanaw sa bintana, napahawak na lang ako sa ulo ko at napabuntong hininga.




Hindi ko alam kung ano ang isasagot, baka madisappoint naman si skyler kung oo ang sagot ko kay sir jersey kase nag confess sya tapos ayoko, baka isipin pa nya na bias ako at gusto ko si jersey.

Pag hindi naman ang sagot ko baka naman sumama ang loob no'n.

Para makapag isip isip nang maayos ay bumaba na muna ako para uminom ng tubig, pagbaba ko ay nakita ko sa kusina si jordan, nakahawak sya sa sink habang ang gripo ay patuloy sa pagtulo.



"J-jordan?"tanong ko, dahan dahan syang lumingon at nakita ko ang mugto nyang mata, "ayos ka lang ba?"




"Sorry avina, nagseselos kase ako kay jersey nang walang karapatan"oag tawa nya at tinaasan ko sya ng kilay,



"Bakit ka naman nagseselos sa kanya?" Tanong ko, bumuntong hininga sya at napapikit,



"Promise, believe me or not, sinubukan ko namang pigilan 'tong feelings ko pero hindi ko talaga kaya lalo na't ang dami kong karibal"sabi nya at nagsalubong ang kilay ko,




"A-anong ibig mong sabihin?"



"Iniisip ko na baka kung huli ako mag confess, baka.... baka may sagutin ka na kaya kahit wrong timing itong confession ko, gagawin ko pa rin" sabi nya sabay lapit sa akin, inayos nya ang sarili nya at hinawakan ang kamay ko.





"Jordan, baka nakainom ka kaya siguro nasasabi mo iyan"sabi ko at umiling sya,



"Hindi, sasabihin ko 'to with all of my heart"sabi nya sabay pikit at buntong hiningang lumuhod sa harapan ko habang hawak nya ang kaliwa kong kamay.



"Ano bang ginagawa mo?"tanong ko,



"Avina, i like you so much"sabi nya, "akala ko, this feelings ay joke lang kase nga ang hilig kitang pag tripan, hindi ko ineexpect na ginagawa ko iyon because i love you at gusto kong mapansin mo ako"





"Jordan, inaantok ka lang, itulog mo lang iyan---


"No, totoo 'tong sinasabi ko. Ilang araw na akong hindi makatulog dahil sa nararamdaman kong ito, araw araw kong iniisip yung nag alok sayo ng date si Jersey, natatakot ako na baka sagutin mo sya"




"Ano ba jordan, tigilan mo iyang panti- trip mo sa akin kase pagod ako at madami akong iniisip kaya huwag ka na munang mantrip ngayon, okay?"




"No, totoo ang sinasabi ko avina"sabi nya at bumitaw na ako sa hawak nya,



"Please lang jordan, tumigil ka na muna ng mga set up prank mo, matulog ka na dahil ako din ay matutulog na rin" sambit ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.




Humiga ako at tumitig sa ceiling, iniisip ang tungkol sa sinabi ni jordan.

Totoo ba iyon?




May gusto na sa akin si skyler, si jersey, si mackey at si jordan, ang ganda ganda ko naman ata para magkagusto silang lahat sa akin.






Kinabukasan naman, inaya ako ni dylan na dumalaw sa kanilang rest house, may pinapaasikaso daw ang daddy nila at gusto daw nya na kasama nya ako.





"Sa lahat talaga ng aayain mong sumama ay ako pa? Bakit ako pa? Diba nga lagi mo akong kaaway yung tipong ayaw mo na nga ako kasama dahil ayaw mong makita pagmu- mukha ko tapos sinama mo pa ako---




Natigil ako sa pag sasalita nang bigla nyang takpan ang bibig ko ng tissue,





"Shut up"




"Pwede naman kaseng iba na lang isama mo, bakit ako pa? Ayaw kitang kasama at naiirita din ako---





"Pag hindi ka tumahimik, ihuhulog talaga kita"sabi nya at nag behave na ako,






"Tahimik naman na ako"sambit ko, sumulyap sya sa akin at biglang ngumiti nang humarap na sya o nag focus na sya sa pagmamaneho nya.






"Ang cute mo at ang ganda mo lagi kaya hindi ko masisi ang mga kapatid ko kung bakit sila nagkagusto sayo"sabi nyang nakangisi at tinaasan ko sya ng kilay,






"Mga kapatid? Si skyler lang naman ang nagkakagusto sa akin"sabi ko at tumingin sya sa akin,






"Hindi ka sure"







___________________
_____________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon