Kumatok ako sa may gate namin habang naluluha pa din, binuksan iyon ni mama at papa at nagsalubong ang kilay nila,
"Anak? Anong nangyari? Bakit ka naiyak?"tanong ni mama, imbes na mag explain ako ay niyakap ko sya, nagpatuloy sa paghagulgol.
"Anak? Bakit? Ano bang problema?" Tanong ni papa habang hinihimas ang likod ko para pakalmahin ako, bumitaw ako sa yakap sa kanya at bumuntong hininga,
"S-sorry ma"pag hagulgol ko at nagsalubong ang kilay nila,
"Bakit ka ba nagso-sorry?" Confuse na tanong ni mama,
"Ma, may nangyari sa amin ni khyle kagabi, lasing kami ma kaya hindi namin alam kung ano na ang nangyayari"pag iyak ko at natigilan silang dalawa,
"A-anak? Bakit?"nanghihinang tanong ni papa, "sawa ka na ba mag alaga sa amin para gawin 'to? Makipag sex para maging malaya ka na at matakasan mo na kami?"
"Saan kami nagkulang anak?"tanong ni mama at umiling iling ako,
"Hindi ma, pa. Aksidente lang po lahat"sabi ko pero tulala pa din sila,
"Bakit naman anak? Mahirap na tayo, hindi tayo mayaman, paano pag nagkabunga ang ginawa ninyo ni khyle? Pananagutan ka ba nya?!" singhal ni mama, "nasaan sya ngayon? Tinakasan ka?"
"Hindi po, lumayo po ako sa kanya dahil galit po sa kanya ang daddy nya at marami pong pangarap si khyle kaya ako na ang ang adjust"sabi kong naluluha,
"Putangina avina! Nag iisa ka na lang naming anak, ikaw na lang ang inaasahan naming dalawa ng papa mo dahil pareho kaming may sakit tapos nagpabuntis ka?!"
"Hindi ko po sinasadya ma, sobra po akong nagsisisi"pag hagulgol ko, "ma, pa tulungan nyo naman po ako paano"
"Bahala ka avina, mamatay na kami sa sakit at ikaw na lang ang inaasahan namin makakapag pagamot sa amin pero ending ganyan?!"singhal ni mama, "siguraduhin mong walang magiging bunga iyan"
"Ano ba, linda, andyan na, hindi natin iyan mapipigilan dahil nangyari na---
"May sakit tayo edward! May sakit tayo, hindi na natin kayang magtrabaho para magprovide ng gatas ng magiging anak nya"sabi ni mama,
"Hindi natin sure kung mabubuntis sya, huwag natin syang husgahan" sabi ni papa at umiling iling si mama,
"Lumayas ka dito! Bumalik ka sa nakabuntis sayo at isisi mo iyan sa kanya dahil paano pag nabuntis ka?! Saan tayo kukuha ng pang gatas ng baby mo?!"singhal ni mama, "huwag kang babalik dito hangga't hindi mo napapatunayan na walang bunga iyang ginawa nyo!"
Sinaraduhan nila ako ng pinto, pumikit at umalis na, nag abang ng jeep, hindi alam kung saan ako pupulutin ngayon, si perry ay nakikitira lang sa nagiging boyfriend nya at kung wala naman syang boyfriend ay sa flower shop lang, mahirap lang sya kaya ayoko na magpabigat sa kanya.
Nakatulala lang ako nang nakita ko sa notification si azalea, may post sya sa instagram, binuksan ko iyon at nakita ko ang post nya na may hawak na bouqet ng roses.
Agad ko syang tinawagan at nagbabakasakali na sana ay hindi sya busy ngayon, wala pa ngang ilang minuto ay sumagot na sya,
"Hi avina!"masaya nyang bati at doon na ako nagsimulang humagulgol, "b- bakit? May problema ba?"
"Azalea, pwede bang pumunta ako sa bahay mo?"tanong ko,
"Sure, send ko sayo yung address"sabi nya, ibinaba ko ang call at sinend nya agad ang address nya.
Bumaba ako ng jeep at nakita ko agad ang mansion nila sa hindi masyadong kalayuan, nakita kong nakaabang sya sa labas ng gate nila, pumunta ako doon at niyakap ko sya agad.
"B-bakit? Ano bang problema?"tanong nya,
"Babe--- oh nandito pala yung pinsan mo, pasok kayo, sa loob na lang kayo ng bahay mag usap para comfortable kayo"singit ni bullet, kinuha nya ang dala kong maleta, pumasok kaming dalawa ni azalea sa bahay nila at pinaupo nya ako.
"Now, let's talk about your problem" sabi nya at yumuko akong bumuntong hininga,
"May nangyari sa amin ng pangatlong anak ng presidente"sabi ko at nagsalubong ang kilay ni bullet na nasa kabilang sofa,
"Khyle Hendrick Monte Casa?"tanong nito at tumango ako,
"Bakit ka naiyak? Kung ready naman na kayo sa commitment at stable na kayo, okay lang iyan"sabi ni azalea at umiling ako,
"Hindi pa kami ni khyle, may gusto sa akin ang kapatid nya tapos may pangarap ang daddy nya para sa kanya kaya tutol ang daddy nya sa nangyari sa amin"sabi ko, "hindi ko ibinigay kay khyle ang responsibilidad kung magkaroon man ng bunga ang ginawa namin dahil mas importante ang pangarap nya"
"Paano ka?"tanong ni lea,
"Pinalaki naman akong independent ng magulang ko, kaya ko naman na atsaka hindi naman ako sure kung magbubunga ang ginawa namin kagabi, itinaboy na ako ng parents ko dahil sa nangyari kagabi"sabi ko at niyakap ako ni azalea,
"Mag stay ka na muna dito, kung may bunga man ang ginawa ninyo, kami na ni bullet ang bahala sayo"sabi ni azalea,
"Hindi pwede, makakaabala lang ako, imbes na nanahimik ang buhay nyo, sisingit na lang ako?"tanong ko,
"No, parte ka na ng pamilya namin kung papayagan mo ang gusto ng asawa ko na mag stay ka sa bahay namin"sabi ni bullet,
"Please avina? Gusto kong samahan kang harapin ang problema mo, i am willing to help you"sabi nya at ngumiti akong tumango.
Itinuro nya kung saan ang kwarto ko, inayos na nya iyon at tinulungan nya din akong tiklupin iyon,
"Wait tayo ng ilang araw, let see kung may bunga nga ba ang ginawa ninyo ni khyle, kung may bunga man iyan, don't worry, nandito naman kami ni bullet para tulungan ka"sabi nyang nakangiti,
"Nakakahiya kase hindi naman dapat" sabi ko,
"Pamilya ka na namin, pinsan kita kaya dapat tulungan kita, lagi lang akong nandito okay? If you need anything, don't hesitate to call me"sabi nya, lalabas na sya ng kwarto nang yakapin ko sya.
"S-salamat"
Ilang araw ang nakalipas, tinatawagan ako ni mama dahil ginugulo daw sila ni khyle doon, pabalik balik daw ito pero hindi nila sinasabi o tinuturo kung nasaan ako, napunta din si kuya bullet doon para i-check sila mama, nag desisyon pa si azalea na palipatin ng bagong bahay sina mama at papa para hindi na sila ganoon guluhin ni khyle.
Nakaupo lang kami sa may sofa at nagke- kwentuhan nang bigla akong nakaramdaman ng pagsusuka, napahawak ako sa bibig at tyan ko bago tumakbo papunta sa may lababo. Nagsuka ako at sinundan naman ako ni azalea para himasin ang likod ko,
"Okay ka lang ba avina?"tanong nya, pinunasan ko ang labi ko at kinakabahang tumingin sa kanya,
"B-baka ito na yun"kabado kong sambit, deep inside ay nagdadasal na sana ay huwag pero kung ibibigay talaga ito ng panginoon sa akin ay tatanggapin ko lalo na't ginusto naman namin ni khyle na gawin ang hindi naman dapat namin gawin.
"May pregnancy test kits ako dyan, try mo"sabi nya at tumango ako, pumunta ako ng banyo at nang maitry ko ay natigilan ako.
Dalawang linya iyon, napahawak ako sa bibig ko at kinakabahan,
Positive, buntis ako.
________________________
____________________
:)

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...