"Sige po"sagot ko,
Sasakay na ako sa kotse ni jersey nang tumakbo naman ang apat palapit sa amin,
"Take care avina, we will visit you na lang sa bahay mo"sabi ni khyle,
"No, hindi ako papayag na si jersey ang mag hatid, ako na"sabi ni jordan at natawa si jersey,
"Bro, sa akin na sya sumama kaya sa akin mo na sya ipaubaya"sabi ni jersey,
"Ako na maghahatid sayo sa bahay mo, baka kung anong gawin ni jersey sayo" sabi ni jordan,
"Hindi na jordan, wala namang gagawing masama si jersey, diba?" Tanong ko kay jersey,
"Huwag kayong mag alala guys, i will take care of her"sabi ni jersey,
"Hindi pwede brad, ako na maghahatid sa kanya---
"Pahinga ka na lang brad, ako na mag hahatid kay avina"sabi ni jersey, binuksan nya ang pinto sa backseat nang pagharap nya kina jordan ay sinuntok sya nito,
"Ako na nga sabi!"singhal nito, imbes na pumasok ako ng kotse ay inawat ko pa sila,
"Ano bang problema mo? Jordan?!" Singhal ko at natigilan sya,
"Sorry, avina"sambit nya, pumasok na ako sa kotse ni jersey at nag drive na sya agad.
"Sorry jersey sa ginawa ni jordan" sabi ko sa kanya at ngumiti syang tumango,
"Wala iyon, lasing pa ata sya kaya ganoon sya"sabi ni jersey.
Nang maihatid nya ako sa bahay ay agaran na din syang umalis, binuksan ko ang pinto at nakita ko sina mama at papa na nagtatawanan habang nanonood ng movies.
"Ma, Pa"
Tumingin sila sa pinto at nagsalubong ang kilay nilang dalawa, tumayo at napangiti,
"Anak!"
Niyakap nila ako ng mahigpit at hinalik- halikan pa ako ni mama sa pisngi,
"Bakit? May problema ba at dala dala mo na ang bagahe mo ngayon?"tanong ni mama, bumuntong hininga ako at dadalawang isip pa kung sasabihin ko ba ang totoong dahilan o magsasabi ako ng ibang dahilan para hindi sila mag alala.
Dylan POV
"Ano bang nangyari at inalisan kayo ni avina? Sigurado akong may ginawa kayong kalokohan kaya umalis iyon" sabi ni dad sa video call sa loptop.
Nag tinginan kaming lima at bumuntong hininga,
"Dad, lumayo po sya dahil pinag aawayan po namin syang lima" sagot ni khyle,
"So? What do you mean pinag aawayan?"tanong pa ni dad,
"Sasabihin ba natin?"tanong ko sa kanila, tumango silang apat at bumuntong hininga ako.
"Gusto po namin sya"
Nambilog ang mata ni dad, nakita namin ang gulat na gulat na reaksyon nya at halos maibuga na nya ang kape na iniinom nya.
"What?! Nagkagusto kayo sa iisang babae?"tanong ni dad at sabay sabay kaming tumango,
"Infairness, maganda ang taste ninyong lima huh"sabi ni dad, "tumawag sya sa akin kanina actually, gusto nyang ibalik ang bahay na binigay ko dahil hindi na sya magta-trabaho sa atin"

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...