Pag uwi namin ay nakita ko si ezekielle at dylan na abala sa mga tinatawagan nila sa phone, si jordan ang wala pati si skyler,
"Pakihanap sila please, thank you" sabi ni dylan bago ibaba ang call, tumingin sya sa amin ni khyle at nakita ko ang paglunok nya,
"Bakit? Anong nangyari?"tanong ni khyle sabay lapag ng mga pinamili nya sa sofa,
"Si skyler, nawawala. Kanina diba lumabas sya pagtapos ninyo mag away then hindi na bumalik"sabi ni ezekielle,
"Kasalanan mo kase 'to avina, kung hindi ka nag exist hindi magkaka away away ang mga kapatid ko"paninisi sa akin ni ezekielle, nagsalubong ang kilay ko at natawa,
"B-bakit kasalanan ko? Nagta-trabaho ako ng marangal tapos lahat na ng away ng kapatid mo ay sa akin mo isisisi?"tanong ko at natawa sya,
"Tama na"pag awat ni khyle,
"Kase lahat ng away nila, ikaw ang dahilan, lahat sila ipinaglalaban ka at lagi silang nag aaway kung sino ang pipiliin mo sa kanila!"singhal nya at tumingin ako kina dylan at khyle,
"Piliin? Pipiliin?"nauutal kong tanong,
"Ganoon ka obsessed ang mga kapatid ko sayo! Pinag aawayan ka nila! Bakit ka pa kase nag exist---" singhal nya at sinampal ko sya
"Hindi ko kasalanan na lahat sila nagkagusto sa akin at ako ang puno't dulo ng away nila, sila gumagawa ng away nila kaya huwag mo akong idamay!"singhal ko,
"Tama na iyan!"saway ni dylan, tumingin ako sa kanya at napabuntong hininga,
"Pag nahanap ko na si skyler, uuwi na ako at magreresign na ako"sabi ko sabay takbo palabas ng mansion nila, lumabas ako ng subdivision at sumakay ng jeep papunta sa bar na alam kong laging pinupuntahan nilang lima.
Dylan POV
"Masaya ka na, kiel?"tanong ko habang nakatulala, iniisip ang sinabi ni avina kanina na ikinabahala namin,
"Hindi ko sinasadya"sambit nyang nanginginig, "naramdaman ko din naman kase yung naramdaman ni skyler, sya din ang dahilan kung bakit din ako nag walk out noon at lumayo muna nang hindi ninyo napapansin"
"What do you mean?"tanong ni kuya khyle,
"Alam kong gusto ninyong apat si avina kaya nagpaubaya na ako, alam kong talunan ako lagi at wala akong magagawa at laban sa inyong apat kaya sumuko na ako at pinaubaya ko na sya sa inyo"sabi nya, "palihim akong nag breakdown, gusto ko man mag confess pero hindi ko na magawa dahil lahat kayo ay may gusto sa kanya, baka malintikan nyo pa ako"
"Gusto mo din sya?"tanong ko at tumango sya,
"Oo, naghanap na lang ako ng girlfriend ko para malimutan si avina pero nung nalaman ko na gusto din nya ako, nagsisi ako kase huli na ang lahat, may girlfriend na ako kaya kayo na lang ang tumuloy ng laban"sabi nyang naluluha, "masaya naman na ako sa girlfriend ko ngayon kaya hindi ko na sya ipagpapalit"
Umalis sya, nag tinginan kaming dalawa ni khyle at bumuntong hininga.
"Ang hirap ng laban ngayon ah lalo na kalaban mo kapatid mo sa iisang babae" sabi ko, "hindi mo alam kung ipapaubaya mo ba ang mahal mo o lalaban ka pa din kahit alam mong masasaktan ang kapatid mo"
"Mahal natin si avina, sabi ni dad na ipaglaban mo ang babaeng mahal mo kahit gaano pa kadami ang karibal mo o kahit kapatid mo pa ang karibal mo ipaglaban mo basta siguraduhin mo lang na ang laban na gagawin ninyo ay yung hindi makakasira sa relasyon ninyong magkapatid"sabi ni khyle, "kung mahal mo si avina, ipursue mo sya, lalaban din ako pero susubukan ko kung kaya ko"

BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
Storie d'amoreMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...