Nang makababa na ako sa mahabang zipline ay bumalik ako sa mga tauhan ni khyle na pinagtulungan ako, naabutan ko sila doon na nagtatawanan.
Agad akong lumapit sa kanila at pinagbabatukan ko sila at pinaghahataw ng tsinelas ko kaya natigil sila sa pagtawa,
"Mga tarantado at gago rin pala kayo 'no, bakit nyo pa sinusunod mga ka- demonyohan nung boss nyong iyon? Mga bwisit kayo!"singhal ko sabay hataw ulit sa kanila at alis na para bumalik sa mansion, akala ba nila hindi ko alam kung paano papunta doon?
Sumakay agad ako ng taxi papunta sa mansion nila, habang nasa sasakyan on the way doon ay tinawagan ko pa si perry para pag usapan ang tungkol doon, hindi ko na ininform ang parents ko tungkol doon dahil paniguradong mag aalala lang sila at magiging sanhi iyon ng paglala ng sakit nilang dalawa,
"Mga nag aadik ata mga iyan teh, kase sino ba namang normal na tao ang gagawa sayo ng ganyang ka- demonyohan"reaksyon ni perry nang maikwento ko sa kanya ang nangyari at bumuntong hininga ako,
"Ang mga monte casa, nako lalo na iyang khyle na iyan, sya na talaga ang namumuro sa akin dahil kamuntikan na nga nya akong kidnappin noon tapos gagawin nya ulit 'to?!"singhal ko habang inaayos ang gulo gulo kong buhok.
"Kasuhan mo na kaya iyang mga iyan kase inaapi ka na teh---
"Hindi, ayokong mapadali ang buhay nila kase kakampihan iyan ng pulis kase anak ng presidente, mapa- pyansahan agad then boom! Pagtapos no'n ay gagantihan na naman ako ng limang iyan, mamimiserable pa ang buhay ko"sabi ko na hingal na hingal at puno ng galit sa lima lalo na kay khyle,
"Ano? Papayag ka na lang na apihin ka ng limang iyan?"tanong ni perry at nagmake face ako,
"Malamang hindi, gagamitin ko ang kapangyarihan at karapatan na ibinigay sa akin ni tito pres para magantihan ang lima, papahirapan ko sila"sabi ko at narinig ko ang palakpak ni perry,
"Nako support ako dyan basta ipanalo mo na huh at huwag kang papatalo sa limang demonyong iyan"
Nakarating na ako sa mansion nila at rinig ang lakas ng tugtog na nagmumula sa mansion,
"Everybody, let's celebrate this day with a smile! Lets drink!"
Napangiwi pa ako dahil rinig na rinig ko na ang pagbida bida ni sir khyle sa party na nagaganap sa loob ng mansion nila, bwisit talaga kahit kailan ang lalaking iyon, number one sya na pasaway at suwail sa daddy nya.
Hindi na muna ako pumasok sa loob at tiningnan ang list na binigay sa akin ni tito pres kung ano ang gagawin ko pag may party na nagaganap,
Interrupt the party, huwag mo silang hayaan na matuloy ang party dahil hindi pwedeng makapag party ang limang iyan dahil mas lalong lalaki ang ulo nyan.
Ibinulsa ko ang listahan at bumuntong hininga akong tumakbo papasok ng mansion at sumigaw para matigil ang party,
"Stop the party!"sigaw ko,
Medyo natatawa ako inside dahil parang stop the car ang peg ni anteh, arte arte pa ng accent pero kahit pagtawanan ay ikeri ko na ito dahil nandito na ako, di na dapat ako umatras sa kahihiyan na ginawa ko,
"Hoy khyle! May atraso ka sa aking bwisit ka kaya itigil mo ang party at mag usap tayo!"singhal ko,
"Paano nakabalik iyan khyle? Diba you told us na hindi na sya makakabalik at inilayo mo na sya?"tanong ni jordan at tinaasan ko sila ng kilay.
"Kayo huh! Lalo ka ng bwisit ka! Ano bang ginawa ko sa inyo para apihin nyo ako ng ganito?! Sabihin nyo nga!" Singhal ko habang kinonfronta ko silang tatlo, tatlo lang sila dahil yung dalawa ay nasa trabaho nila, buti naman at nabawasan kahit pa-paano ang batang sawayin ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...