30

6.2K 131 3
                                        


"Uy! Tama na nga iyan!"pag gitna ko sa kanila, "khyle, tara, tingnan natin kung ano ang billboard na tinutukoy mo"





Hinigit ko na si khyle palabas ng court at bumuntong hininga akong tumigil, humarap ako sa kanya at tinaasan ko sya ng kilay,






"Khyle? Papatulan mo pa ang kapatid mo nang dahil lang sa mababaw na dahilan?"tanong ko, "kapatid mo iyon, mas matanda ka doon at alam naman nating demonyo iyong kapatid mong iyon kaya magpakumbaba ka na lang"






"So unfair, mas matanda ako pero mas nauna sya makipag talo sa akin---






"Kahit na ba, alam kong unfair pero kase keysa naman magkagulo kayo, nakakahiya sa loob tapos ang malalaman nilang dahilan ay ako?" Inis kong sambit, "para lumamig muna ang mga ulo nyo, puntahan natin yung sinasabi mong pina-billboard mo"






Pagsakay namin ng kotse ay saktong nag notif ang phone ko, nakita kong may news article kaya agad ko iyon binuksan.





BREAKING NEWS: we have the trending story worldwide, as the president son named Captain Khyle Hendrick Monte Casa has an amazing gesture for making four billboard dedicated to miss avina maven mariano, the special girl in captain khyle's heart.




Dahan dahan akong napatingin kay khyle at nakita ko ang ngiti nya,




"T-totoo iyon?"tanong ko at tumango sya, "p-pero bakit?",





"Because you're special, you are part of my life"sabi nya, "tara, let's stop this drama na and I'll show you the four billboard i make for you"





Agad syang bumyahe at hindi pa din makapaniwala, habang nasa byahe at tulala akong nakatingin sa article ay nakita kong tumawag si perry, pagkasagot ko no'n ay rinig ko na agad ang tili nya kaya tinanggal ko ang loud speaker nito dahil maririnig ni khyle,






"Uy! Narinig mo yung balita na pina- billboard ka ni khyle?! Not one but four!"tili ni perry,






"Alam ko, pupuntahan namin iyon ngayon"bulong ko para hindi marinig ni khyle,





"Goodluck, honeymoon na iyan pagtapos"sabi ni perry,




"Huy tangina ka, anong honeymoon" bulong ko at pinatay na nya ang call,





"Who are you talking to?"tanong bigla ni khyle at napalunok akong pinatay ang phone ko bago tumingin sa kanya,






"Uh si perry, bakit?"tanong ko,






"Nothing, kung want nya makita yung billboard na nabalitaan nya, tell me her or his address. Sunduin natin at isama natin para makita nya ng personal ang billboard"sabi ni khyle at natigilan ako,






"Uh narinig mo yung usapan namin?" Tanong ko,





"Iyong pagkasagot mo sa call, narinig ko yung pagtili nya, im sure na that tili is all about the billboards"sabi nya at nagmake face ako,






"Assumero ka din pala 'no? Hindi pala ako nag iisa"sambit ko at tiningnan nya ako nang walang reaksyon, "joke lang, joke lang iyon huh"






Pagkababa namin ng kotse ay nakita ko ang malaking billboard, sunod sunod na hanay ng billboard iyon dito sa may edsa at ang apat na sunod na sunod na iyon ay puro tungkol sa akin.





Nandoon ang picture ko, iyong picture na hindi ko alam kung saan galing, ngayon ko lang iyon nakita kaya tingin ko si khyle ang kumuha no'n sa akin dahil halos lahat ng iyon ay stolen shot.





Sa unang billboard ay nakain ako no'n ng chocolate ice cream, may kalat pa ako sa itaas ng labi ko at focus na focus si ate mo avina sa kinakain nya, makikita pa ng lahat na patay gutom ako.





"This special girl own my heart, she handle my heart very well to the point na ayoko ng ipaalaga ang puso ko sa kung sino man except sa kanya."

-Khyle Hendrick Monte Casa





Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng saya at kilig sa ginawa nya, naluluha na nga ako habang binabasa lahat ng messege sa billboard. Unang billboard pa lang ay naluluha na ako sa sobrang saya.




Ang pangalawang billboard ay naglalakad ako no'n, kita pa ang ngiti kong nakatingin sa mga malalaking building that time.





"I am willing to fix myself with her than fixing myself with someone new"

-Khyle Hendrick Monte Casa




Ang pangatlo ay ang nakaupo ako sa may sofa nila at may ka-call,



"I can see that you're beautiful in every angle"

-Khyle Hendrick Monte Casa




Ang pang huli ay ang naglalakad ako sa daan, naka-floral dress at naka- heels, ang ganda ng kuha ko dyan for sure.





"I love you, kahit alam kong hindi ako ang pipiliin mo sa mga manliligaw mo, hindi ako titigil na ligawan ka at ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Lagi kong ipaparamdam sayo na safe ka pag ako ang kasama mo, lagi ko sayong ipaparamdam ang tunay na pagmamahal at kung gaano ka kaganda in every way, i love you and always remember avina maven mariano that i am willing to do everything to make you the happiest person"

-Khyle Hendrick Monte Casa



Tumingin ako sa kanya na naluluha at niyakap ko sya,




"Thank you khyle for your effort" hagulgol kong sambit at niyakap nya ako pabalik,





"Everything to make you happy, my dear"sabi niya.




Nandito ako ngayon sa labas ng mansion, as usual, nakaupo na naman sa may lapag at pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng bituin.





Nakauwi na kaming dalawa ni khyle, si skyler ay hindi na namin nabalikan dahil wala na sya sa stadium, sabi ng janitor doon ay nanalo ang team ni skyler kaya panigurado daw ay kumain iyon kasama ang ka-team nya kaya umuwi na kami ni khyle dahil pagabi na din.






Dahil sa sobrang hangin ay nakakain ko ang buhok ko kaya napagdesisyunan kong tumayo para kunin iyon sa loob ng mansion nang makasalubong ko si dylan,





"Ito ba kukunin mo?"tanong nya sabay taas ng panali ko at kinuha ko iyon,



"Bakit mo naman 'to dala?"tanong ko,




"Alam ko kaseng hindi ka sanay na nakalugay, nakita ko sa bathroom iyan kaya kinuha ko at ibibigay ko sana sayo"sabi nyang nakangiti,





"Alam mo pala iyon?"tanong ko,




"Matagal na tayong magkasama kaya kabisado na kita maging ang kilos mo, tahimik lang ako at mukhang naka- focus sa trabaho ko pero ang totoo nyan ay pinagmamasdan kita lagi"sabi nya at natigilan ako,







"Stalker ang peg huh"pagbibiro ko na lang para mawala ang awkwardness,






"Mahal kita e, kaya kahit sobrang dami kong ginagawa ay mas pinipili ko pa ding bantayan ka at tingnan ka kase para kase akong mamatay nang hindi kita nakikita"sabi nya, "i don't have any time para gawin yung ginawa ni khyle e pero i will make way para mas maiexpress ko ang pagmamahal ko sayo"







"Hindi mo naman kailangan, makita ko lang na sincere ka sa nararamdaman mo para sa akin ay ayos na iyon"sabi ko at napangiti sya,






"Hindi iyon enough lalo na't malakas ang kalaban ko sayo, starter pa lang ako pero sila khyle, skyler at jordan papunta na sa finish line kaya kailangan kong bumawi"








______________________
_________________
:)

Tame The Five WildflowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon