"Thank you talaga, avina!"sabi nya,
"Kay khyle ka magpasalamat, sya yung pumayag"sabi ko at napalingon sya kay khyle pero umalis ito kaya hindi na naabutan ni skyler.
May ibinigay si skyler na maroon jersey at short, nakalagay pa doon ay Monte Casa 07
"Matagal na 'tong naka stock sa cabinet ko, ang balak ko talaga ay ibigay 'to sa magiging special one ko at dahil dumating ka na sa buhay ko ay ibibigay ko na ito sayo"sabi ni skyler at natigilan ako,
"Diba may kahalikan ka noon sa bar? Bakit hindi mo sa kanya 'to binigay?" Tanong ko at bumuntong hininga sya,
"Marami akong naging ka-fling lalo na fuck buddy, nagkaroon ako no'n pero habang nag uusap kami or date? Hindi ko man lang naramdaman na may spark between us, ang tanging nararamdaman ko lang ay kalibugan" sabi nya, "nung ikaw yung dumating? Nawala yung pakiramdam na gusto kong mambabae, bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at sayo ko lang talaga naramdaman ang spark na hinahanap ko kaya dahil ikaw yung special one ko, sayo ko iyan binigay dahil ikaw ang kauna- unahang babaeng nagpadama sa akin ng spark"
Napangiti ako at tiningnan ang jersey, mukha na talagang luma pero kasya ko naman 'to lalo na't slim ako.
Kinabukasan ay isinuot ko na iyon, akala ko nga maluwag sa akin pero fit na fit sa akin, sa sobrang fit ay kita na ang kurba ng katawan ko kaya nag baon ako ng itim na jacket para hindi weird tingnan, nag braid ako at naglagay lang ng unting foundation at lipstick.
Agad akong bumaba at nakita silang lima na nakain ng almusal, nakita ko na din si skyler na nakajersey, naka polo at trouser si khyle na parang aalis na din papunta sa company nya, si jordan at si ezekielle na naka-uniform na piloto, si dylan lang ang tanging nakapambahay sa kanilang lima.
"Hello"bati ko habang pababa, "goodmorning"
Pagtingin ko sa kanila ay nakita ko silang nakatulalang nakatingin sa akin, medyo maigsi din kase sa akin yung jersey short, kita na ang kaputian ng hita ko.
Nakita ko pa si dylan na may subo subong hotdog pero dahil nakaawang ang labi nya ay nahulog iyon sa plato nya pabalik,
"May problema ba?"tanong ko at nakita ko ang paglunok ni skyler,
"What the fuck"sabi ni jordan habang nakatingin sa akin nang taas at baba, "what a nice and hot lady"
"Pst! Jordan"saway ni khyle at nakita ko ang ngisi ni jordan,
"Para kang bote, sobrang sexy"dagdag pa nya at napairap ako,
"Tigilan nyo ako"sabi ko, "anong oras tayo pupunta ng court, skyler?"
Nabalik sa katinuan si skyler at bumuntong hininga sya,
"Pagtapos nating kumain ng almusal, byahe na tayo papunta doon"sabi ni skyler, tumayo si khyle at nilampasan ko dahil umakyat sya,
"Anong nangyari doon? Is khyle okay?" Tanong ni ezekielle,
"It looks like na someone is nagseselos" pagtawa ni jordan habang patuloy sa pagkain, bumalik si khyle na may dalang grey na hoodie, akala ko susuutin nya pero nagulat ako nang bigla nya iyon itinali sa may bewang ko para matakpan ang likod ng hita ko.
BINABASA MO ANG
Tame The Five Wildflowers
RomanceMonte Casa Series #1 Avina Maven Mariano is a simple young woman who sells flowers to help provide for her parents' needs. Little did she expect that while selling flowers, she would cross paths with the five arrogant billionaire brothers who are th...